Chapter 42: Fight for Revenge (Ryosuke vs. Romanio)

62 5 0
                                    

Ryosuke's POV

Mga ilang sandali pa 15 minutes pagkatapos ng laban nina Rinkashi at Mico ay nag announce na naman ang MC na si Kirara.

"All right! Magsisimula na ang ikalawang laban sa quarterfinals ng tournament.Ang maglalaban sa 2nd match ay si Ryosuke Hirotami laban kay Romanio Fellini,mga na mention na gunpla fighters pumuwesto na kayo dito sa battle arena"

Magsisimula na ang laban namin ni Romanio.Sana wag mo akong bibiguin sa una mong laban Strike Legacy Gundam Ignition.

"Goodluck Ryosuke sana manalo ka" Sabi ni Rui.

"Ryosuke galingan mo...I love you!" Sabi ni Yumi na siyang ikinasigla ng puso ko.

Wow! First time kong narinig mula mismo sa bibig niya ang salitang yan.So it means may chance na ako sa kanya?

Gagalingan ko para kay mama at papa,pati na rin sa babaeng mahal ko.Kaya ko to laban lang.

"Oo gagalingan ko!" Inspirado na akong lumaban kaya agad na akong tumakbo patungo sa battle arena at dun pumuwesto.

Pumuwesto na din si Romanio na tila may galit ata sakin.

"Handa ka na bang matalo ulit Ryosuke?" Mayabang pa rin si Romanio simula nung una kaming naglaban.

"Oo handa na ako.Handa na akong gumanti sa pagkatalo ko sayo"

"Pwes ihanda mo na sarili mo" Banta pa niya sakin at nag on na ang battle system.

"Gunpla Battle Combat Mode Startup.Model damage level set to A"

"Please set your GP Base"

"Beginning Plavsky particle dispersal"

"Field 1: Space"

"Please set your Gunpla" Inilapag ko na ang gunpla ko sabay nag flash ng color green ang mga mata nito.

"Battle Start" Nag open na ang catapult launcher.

"Ryosuke Hirotami.Strike Legacy Gundam Ignition,let's go!" Sabi ko sabay launch ng aking gunpla at lumipad na ito sa outer space.

Habang lumilipad ng mabilis ang aking Strike Legacy Gundam Ignition ay nag test flight muna ako.

"Grabe ang bilis ng mobility speed nito! Woohoo!"

Mga ilang sandali pa ay may tumira sakin na mga particles ng buster cannon.

Nag evade agad ang Strike Legacy Gundam Ignition at blinock ang isa pang beam attack gamit ang aking shield.

Tiningnan ko sa main camera ko kung nasaan ang Wing Gundam Transcend ni Romanio at natagpuan ko ito na nagtatago sa asteroid.

Binaril ko ang kanyang gunpla gamit ang CIWS beam cannon at lahat ng mga maliliit na asteroid ay tinamaan ng pulang rays ng beam cannon.

"Hahaha! Akala mo matatalo mo na ako nyan?" Tumira ulit ang kanyang Wing Gundam Transcend gamit ang kanyang twin buster rifle sa aking gunpla.

"Gagamitin ko na ang Absorb system" Sabi ko sabay kulikot ng waaponry options sa D-pad controls at pinindot ko ang absorb shield.

Hinigop ng aking shield ang beam particles galing sa buster rifle ng Wing Gundam Transcend.

"Ano? Hinigop niya ang tira ko?" Reaksyon ni Romanio na tila di makapaniwala sa kanyang nakita.

Tumira ulit siya ng kanyang buster cannon at hinigop din ng aking shield ang tira niya sa ikalawang pagkakataon hanggang sa nag full na ang particles na naistore sa 100%.

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon