Rui's POV
Kakatapos ko lang sa pagrepair ng Demon Astral Gundam pero iniba ko na pangalan nito dahil iniba ko rin ang mga weapons nito.
Ang bagong pangalan ng niremodel kong gunpla ay Diablo Astral Mefist Gundam,ito ang successor ng naunang Demon Astral Gundam.Tinanggal ko na ang mga sub arms nito pati ang dalawa pang katana swords.May bagong ranged weapon ang gunpla kong ito na ang tawag ay Dainsleif cannon,isang high powered firearms na nakamount sa likod ng braso sa Diablo Astral Mefist Gundam na meron super high fire rate dahil sa mga projectiles nito na pwedeng makasira ng dalawang spacecraft at battleship pag nakahanay.
"Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na to" Sabi ko sa sarili ko sabay labas sa bahay para tumungo sa gunpla stadium.
Pagdating ko dun sa loob ng gunpla stadium ay nandun na pala sila Ryosuke,Mico at Rinkashi.
"Guys bakit wala pa sina Yumi at Mr. Ral?" Tanong ko sa kanila.
"Busy ata siguro kaya ako na lang mag isa pumunta rito" Sagot ni Ryosuke.
"Ah ganun ba? Guys may ipapakita ako sa inyo" Ipinakita ko sa kanila ang bagong gawang gunpla ko.
"Ito ang successor ng Demon Astral Gundam,ito ang Diablo Astral Mefist Gundam!" Sabi ko kasabay ang pagkinang ng paint nito.
"Wow! Nagbago ka na ng fighting style Rui ha" Manghang mangha si Rinkashi na nakatingin sa gunpla ko.
"Gusto ko na kasing maiba ang istilo ko eh,nakakasawa naman kung puro close combat lang ipapamalas ko" Giit ko.
"Maganda ang pagkakagawa mo.Yung nakamount sa magkabilang braso ng gunpla nito I think isang Dainsleif cannon to" Nahulaan talaga niya haha.
"Oo tama ka nga Mico" Sabi ko sabay pasok ng gunpla sa gunpla case.
"Wildcard ngayon diba? May sasabihin ako sayo" Seryosong sabi ni Ryosuke.
"Ang magiging katunggali mo ay si Jin Ramirez,isa din siyang kababayan ni Mico at isa rin siyang magaling na gunpla fighter dahil sa pambihira niyang kakayahan at sa Gundam Deathscythe niya" Dagdag pa niya.
"Isang gundam ni Duo Maxwell sa pelikulang Gundam Wing na may dalang karit ni kamatayan" Dugtong pa ni Mico.
"Parang nakalaban ko na ang isa sa mga yan.Naalala nyo pa ba ang tinalo ko na si Zephyr Kijima? Diba yung sandata ng gunpla niya ay isang scythe din? Kaya sanay na ako sa mga istilo ng scythe attacks,may experience din kumbaga" Ani ko pa.
"Oo pero magkaiba sina Zephyr at Jin kaya wag mong sasabihing magkaparehas sila ng istilo sa scythe instincts" Seryosong sabi naman ni Rinkashi.
"Sige na lalaban na ako,mamaya na lang tayo magkwentuhan" Paalam ko pa sa kanila sabay tungo sa battle arena.
Sumunod din naman agad yung Jin na pumuwesto ngayon ngayon lang.
"Natalo ka ni Drasten Freinheit dati sa eliminations,baka matalo ka na naman sakin" Kainis talaga ang isang to.Bakit ba ang daming mayabang sa tournament na to?
"Ayos lang basta hindi sa first series natumba.Isa ka din sa mga tinalo ni Mixhi Glaire Roenfeit sa isang tira lang" Mahinahon kong saad kay Jin.
"Bwisit ka wag mo nang ungkatin yan!" Sabi niya na tila galit na.
"Bakit totoo naman diba? Ipinakita mo lang ang pagiging bano mo kanina pilipino ka pa man din.Sa pagkakaalam ko,hindi naman ganyang ang mga pilipino sa pinas nung huling nagpunta ako dun,siguro hindi ka saklaw nila dahil sa laki ng kayabangan mo"
"Tingnan lang natin kung sino ang bano hayop ka.Ihanda mo na sarili mo sa iyong pagkatalo" Sabi niya sabay labas sa gunpla niya.
Inilabas ko na rin ang gunpla ko na siyang ikinagulat niya.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...