Chapter 43: Reminiscing Past (Mixhi vs. Drasten)

72 6 0
                                    

Drasten's POV

Napakunot ang noo ko sa galit nung nalaman ko na si Mixhi pala ang makakalaban ko sa ikatlong laban ng quarterfinals.

Bakit siya pa? Sana si Reiner McMullins na lang ang nakalaban ko sisiw lang sakin yan sana pero bakit siya pa? Bakit nagpapakita na naman siya sa puso't isip ko?

"Drasten may problema ba?" Pag aalalang tanong ni Coach Peter.

Hindi ako agad nakasagot kaya kinausap ulit ako ng coach.

"Nahihirapan ka ba sa magiging kalaban mo? Kung gusto mong i costumize ang iyong gunpla sabihin mo lang dahil may oras pa naman para mag tune sa gunpla mo" Saad pa nito.

"Bakit ganun coach? Bakit siya pa?" Tanong ko.

"Anong ibig mong sabihin? Di kita maintindihan Drasten"

"Bakit si Mixhi pa ang makakalaban ko? Sana yung nakalaban ko na lang ay yung nakalaban ko nung eliminations"

"Wala kang magagawa na baguhin mo pa ang lineup nandyan na yan.Ano ba ang meron sa babaeng yan bakit mo siya kinaiinisan?" Busising tanong ni Coach Peter sa akin.

"Kasi po siya ang girlfriend ko dati" Mahinahon kong sagot habang nakayuko.

"Girlfriend mo? Kaya pala parang ayaw mong makalaban siya"

"Yun na nga ang problema eh.Dalawang taon na ang nakalipas at binaon ko na siya sa limot,pero bakit pa ba siya nagpaparamdam ngayon?!" Galit kong sambit.

"Anong dahilan kung bakit kayo naghiwalay" Ang dami mong tanong coach😑

"Mahabang kwento" Tangi kong giit.

"Mahal mo pa rin ba siya? Nagtatanong lang"

"Hindi ko alam.Sa ngayon iba na ang tanging nasa isip ko at yun ay ang kung paano manalo dito sa tournament" Seryosong kong sagot.

Mga ilang sandali ay nag announce na ang MC sa tournament.

"Ang susunod na maglalaban sa 3rd match ay si Mixhi Glaire Roenfeit laban kay Drasten Freinheit.Mga namention na gunpla fighters na kasali sa tournament pumuwesto na kayo sa battle arena ngayon din"

"Siguro ito na ang pagkakataon para makapaghiganti sa lahat ng mga panloloko niya sakin dati" Sabi ko sa aking sarili habang hawak ko ang aking gunpla.

"Drasten pumunta ka na dun sa battle arena.Goodluck sa laban nyo at sana wag kang magpaapekto sa nakaraan nyong dalawa,baka may posibilidad na matalo ka sa laban" Turan pa ni coach sakin kaya tumango na lang ako at umalis patungo sa battle arena.

Pagpwesto ko dun ay sumunod din namang pumuwesto si Mixhi at nakatingin ito sa akin na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Alam kong galit ka pa rin sakin ngayon Drasten,pero goodluck sa laban natin manalo man o matalo" Hindi ko na siya pinansin at tahimik na lang akong naghihintay na mag on ang battle system.

"Gunpla Battle Combat Mode Startup.Model damage level set to A"

"Please set your GP Base"

"Beginning Plavsky particle dispersal"

"Field 1: Space"

"Please set your Gunpla" Sabay na naming inilapag ang aming mga gunpla at nag flash ng kulay green ang mga mata nito.

"Battle Start"

"Mauna ka na.Ladies first" Sabi ko sa aking dating girlfriend kaya sinunod niya ito at nauna na siyang nag launch.

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon