Ryosuke's POV
Pag uwi ko sa bahay ay sinalubong na ako ni mama sa aming shop.
"Ryosuke anak buti dumating ka na" Galak na sabi ni mama sakin.
"Bakit ano pong meron ma?" Tanong ko sabay kamot ulo.
"May sorpresa ako sayo.Matagal mo na ngang hinihintay to kaya maisakatuparan mo na ngayon ang dating hiling mo" Ano kayang sorpresa yun?
Pagpasok ko sa bahay ay nagulat ako nang nakita ko ang papa ko.Parang maiiyak ako sa sobrang saya na nakita ko na ang aking ama.
"Papa! Bat ngayon ka lang po dumating?" Sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Kasi anak,mahabang kwento eh" Sagot pa ni papa.
"Sige maghapunan muna tayo.Dun na lang sa kusina natin yan ipagpatuloy ang usapan nyong mag ama" Sabi naman ni mama at umakyat na kami sa bahay dahil shop na namin ang ground floor sa aming bahay.
Sa kusina,habang kumakain ay nag uusap kaming tatlo nina mama at papa.
"Ryouei matanong ko lang,bakit ngayon ka lang umuwi dito? Miss na miss ka na ni Ryosuke" Tanong pa ni mama kay papa.
"Kasi nanganganib ang buhay ko dahil may humahanap ako kaya nagtago ako ng ilang buwan"
Ano? Anong dahilan bakit nagtatago si papa?
"Bakit ka nagtatago? At sino ang humahanap sayo"
"Mga militar ang humahanap sakin para hulihin ako.Nalaman ko ito sa kaibigan ko na nagtatrabaho sa Yajima Labs na si Mr. Orland Wilson,ang co-chairman ng Yajima Labs ang may pakana nito kung bakit ako pinaghahanap ng mga militar ngayon.Siguro pakana niya ang lahat ng ito dahil gusto niyang maghiganti sakin" Paliwanag ni papa sa'min.
"Alam ko na ang dahilan kung bakit gusto siyang maghiganti sayo,naikwento mo na sakin yan dati.Nang dahil sa natanggal siya sa dating kumpanyang pinagtrabahuan nyo ay sobra ang galit niya sayo dahil di mo siya tinulungang magpaliwanag sa inyong manager kung bakit bumagsak ang sales ng kumpanya"
"Buti naalala mo pa Masaki" Matalas kaya memory ni mama hahaha.
"Oo naman.Naiisip nga kita yung nakaraan pa kaya?" Ayieee kayo na may forever.
"Mama papa tama na po yan nilalanggam na po pagkain natin" Epal ko pa sa kanilang dalawa.
"Hahaha sige.At siyanga pala,proud ako sa ipinakita mong galing sa gunpla battle Ryosuke.Napanuod ko mga nakaraang laban mo sa TV"
Wow nakakatouch naman.Pwede na ba akong umiyak? Proud kasi si papa sakin eh😭
"Patingin nga ng gunpla mo anak" Sabi ni papa sakin at ibinigay ko agad ang gunpla ko sa kanya.
"Strike Legacy Gundam.Maganda ang pagkakagawa at ang mga joints ay ang titibay talaga.Paano mo pinapatigas ang mga joints nito Ryosuke?"
"Ginamitan ko po yan ng super glue para hindi agad matatanggal ang mga joints sa braso at binti niya" Sagot ko.
"Ikaw lang ang nakakagawa nyan.Dati hindi ko yan nagawa eh" Giit ni papa sabay ibinalik niya sakin ang gunpla ko.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
خيال علميGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...