Narrator's POV
Sa isang madilim na basement ng Yajima Labs...
"Pinapahirapan mo pa akong makita ka Ryouei" Sambit ni Dr. Wilson habang hinawakan niya ng mahigpit ang bibig ni Ryouei.
"Alam mo,inggit na inggit ako sayo eh.Nanalo ka ng dalawang beses sa Gunpla World Championship pero ako ay hindi nang dahil sa kamalasan na ibinigay mo sa akin!"
"Matagal na yun Orland kaya wag mo nang balikan ang dati!" Sigaw ni Ryouei habang nakagapos ang mga kamay,paa,at buong katawan nito sa isang malaking haligi ng poste sa basement.
"Wag balikan? Sa tingin mo ba madali lang sakin ang lahat na kalimutan yun? Isa itong malaking lamat sa buong buhay ko.Tanong ko lang,bakit mo ako isinumbong sa amo natin na hindi ko naman ginawa ang pagnakaw ng pera sa kahera? Sumagot ka!"
"Dahil isang yang masamang krimen.Hindi mo dapat ginawa yun dati,matagal na kitang pinagsabihan noon pero ayaw mong makinig.Nagnakaw ka kaya ko sinabi iyon sa amo natin para maitama yang mga pagkakamali mo" Ani Ryouei na tila nanghihina.
"Tumahimik ka!" Sinuntok ni Mr. Wilson si Ryouei sa mukha.
"Ikaw ang dahilan ng lahat ng kamalasan sa akin noon.Ikaw ang dahilan kung bakit iniwan ako ng aking asawa ngayon!" Galit na sabi ni Mr. Wilson at pinagsisipa ang nakagapos na si Ryouei hanggang sa manghina ito.
"Bantayan nyo yan.Siguraduhin nyo na hindi siya makakatakas" Utos niya sa mga tauhan niya sabay labas sa basement.
Ryosuke's POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali kung ano na ang nangyayari kay papa ngayon doon.Natatakot ako kung meron bang masamang nangyari sa kanya.
"Mama tumawag tayo ng pulis para mailigtas natin si papa" Sabi ko sa aking ina sabay hikbi.
"Hindi natin pwedeng gawin yan anak.Kilala ko si Orland Wilson,meron siyang koneksyon sa militar,pulis,CIA,at Interpol.Malabo natin siyang mahuhuli" Paliwanag ni mama sa akin kasabay ang kanyang pag iyak.
"Tama na po tita at Ryosuke,wag na po kayong umiyak.Mahahanap at mahahanap po natin si tito" Sabi ni Rui sa aming dalawa.
"Tutulong kami sa paghahanap sa papa mo Ryosuke wag kang mag alala" Seryosong sambit ni Rinkashi.
"Tatagan mo lang ang loob mo,lalo na ay semifinals na ngayon kaya ihanda mo na ang iyong gunpla at ang sarili mo dahil may mga malalakas pa tayong makakatunggali.Kahit dinukot ang papa mo kay Mr. Wilson,batid kong buhay pa rin siya at iniisip niya pa rin ang ikinabubuti sa inyong mag ina kaya tiwala lang wag kang panghinaan ng loob" Ani Mico sabay tapik sa aking balikat.
"Salamat sa inyo guys.Tunay nga kayong mga kaibigan" Sabi ko sa kanila sabay punas ng aking mga luha.
"Tama ka Mico,kailangan kong tatagan ang loob ko.Hinding hindi ako magpapaapekto sa nangyayari ngayon,lalaban ako para kay papa at para sa inyong lahat"
"Yan ang tunay na lakas ng loob! Sige dahil siya ang co-chairman ng Yajima Labs,after ng laban natin ay pupuntahan natin kung saan ang opisina niya" Sabi ni Rinkashi.
"Salamat sa inyo" Tanging sambit ko.
"Goodluck sa laban mo Ryosuke,pati na rin ikaw Mico" Sabi naman ni mama sa aming dalawa.
"Opo" Sabay sabi namin ni Mico.
"Ano pa ang hinihintay natin? Tara na!" Rui at nauna na itong lumabas ng bahay.
"Salamat po mama.Pangako ko pong ililigtas ko si papa" Ani ko sabay lumabas kami ng bahay.
Sa gunpla stadium...
"Magsisimula na ang ikaanim na stage ng Gunpla Battle West Tokyo tournament at ito ay ang semifinals!" Announce nung MC kasabay ang palakpakan at hiyawan ng mga taong manunuod.
"Ngayong semifinals ay ipapakita namin sa inyo ang lineup ng mga maglalaban ngayon sa tournament"
Mga ilang sandali pa ay biglang may lumitaw na lineup sa isang malaking screen.
1st Match: Drasten Freinheit vs. Mico Andrade
2nd Match: Ryosuke Hirotami vs. Reiner McMullins
"Bwisit! Siya pala yung kinukwento ni papa sa akin na siya ang tumalo sa kanya" Giit ko sa aking sarili.
"Ikaw pala ang unang lalaban Mico.Natalo na ako ni Drasten kaya mag ingat ka sa mga hit and run attacks niya" Turan ni Rui kay Mico.
"Oo tatandaan ko yan" Sabi ni Mico sabay alis.
Maya maya ay dumating na sina Yumi at coach.
"Ryosuke,balita ko may nangyari daw sa papa mo" Pag aalala ni Yumi.
"Oo dinukot siya ng co-chairman ng Yajima Labs" Sagot ko.
"Alam ko na gusto mong iligtas ang iyong ama pero wag muna ngayon.Magfocus ka muna sa susunod mong laban mamaya,ayos lang ang lahat.Ipagdasal na lang natin na nasa mabuting kalagayan ang papa mo ngayon" Sabi ni Coach Ral sa akin na siyang ikinagaan ng loob ko kahit papaano.
"Salamat po coach.Sana ligtas siya" Tangi kong saad.
Nanuod na lang ako sa laban nila ni Mico at Drasten dahil pagkatapos nila ay ako na naman ang susunod na sasalang laban kay Reiner.Para sayo ang laban na to papa,maililigtas din kita.
############################
Magsisimula na ang unang laban sa semifinals at ang maglalaban ay sina Drasten Freinheit at Mico Andrade.Sino ang mananalo sa kanila? Yan ang dapat nating abangan.
Abangan ang mga susunod na updates sa Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 47: Dracarys New Model (Drasten vs. Mico).
@CyasineFritzel
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Fiksi IlmiahGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...