Narrator's POV
Pumwesto na sila Ryosuke at Romanio sa battle system at nagsimula na ang kanilang laban.
"Gunpla Battle Combat Mode Startup.Model damage level set to B" Sabi nung computer sa battle system.
"Please set your GP Base" Inilapag na nila ang kanilang mga GP Base.
"Beginning Plavsky particle dispersal" Nagsilabasan na ang mga Plavsky particles sa battle system.
"Field 8: Island" Hinolograph na ng battle system ang battlefield ng mga gunpla at ang kanilang tupada ay ang Cerulean island.
"Please set your Gunpla" Inilapag na sa kanilang mga GP Base ang kanilang mga gawang gunpla at lumabas na ang kanilang mga D-pad controls para magpilot ng kanilang gunpla.
"Romanio Fellini.Zeta Gundam,launch!" Naunang nag launch si Romanio ng kanyang gunpla.
"Ryosuke Hirotami.Gundam Gusion Rebake Full City,taking off!" Nag launch na rin siya ng kanyang gunpla at lumapag na ito sa isang kagubatan sa isla.
Gumamit ng sight mode si Ryosuke sa kanyang Gusion Rebake pero hindi niya nakita ang Zeta Gundam ni Romanio.Nagulat na lang siya na may nag caution signal sa kanyang sensors sa may kanan at hahampasin sana siya ng beam saber pero nakailag agad ito.
"Alisto ka rin pala Ryosuke ha? Tingnan lang natin kung kakayanin mo ang skills ko" Tumira ang Zeta Gundam ng hyper beam cannon sa Gusion Rebake pero nagmintis ito at nasunog ang malaking bahagi ng kagubatan ng isla dahil sa hyper beam.
Tumira ang Gusion Rebake ng long range rifle habang lumilipad ito sa ere at nag evade din ang Zeta Gundam sa mga tira nito.Gumanti din ang Zeta ng beam rifle at umilag din ang Gusion Rebake.Nagpalitan sila ng mga putukan sa ere pero walang ni isa sa kanila ang tinamaan.
"Ang bilis niya sobra.Di ko ma predict ang bawat galaw niya pagdating sa range combat.Bwisit! Bakit itong gunpla pa ang ginamit ko sa laban eh pang close combat lang naman to? Di bale na,lalaban ako sa paraang naisip ko" Humugot ang Gusion Rebake ni Ryosuke ng halberd galing sa likod nito at ipinalo niya ito sa Zeta Gundam pero sinalag ito ng kanyang shield.
"Hanggang basic attack ka lang" Kinuha ng Zeta Gundam ang kanyang beam saber at itinapyas ito sa Gusion Rebake at nahiwa ang kanang braso ng gunpla.
"Hindi pa ako tapos.Humanda ka!" Patuloy pa rin sa pag atake si Ryosuke kahit nag warning sign at nag color yellow na ang kanyang cockpit system dahil sa mild damage na natamo ng kanyang Gusion Rebake.Naghampasan sila ng kanilang mga melee weapons pero nahiwa ng beam saber ng Zeta Gundam ang halberd ng Gusion Rebake at agad itong sumabog.
"Wag mo nang pilitin.Hindi ka talaga mananalo sakin" Pahambog na giit ni Romanio at pinagbabaril ng hyper beam cannon ang Gusion Rebake sa ere at natamaan ito sa kabilang binti at bumagsak ito sa lupa.
"Hindi pwede! Hindi ako pwedeng matalo" Ryosuke na pilit niyang itinatayo ang kanyang gunpla kahit putol na ang isang binti nito.Dahan dahang naglanding ang Zeta Gundam bitbit ang kanyang beam saber.
"Hahahaha! Akala ko magaling ka katulad ng iyong ama Ryosuke,pero isa ka palang lampa.Tanggapin mo na lang na hindi nababagay ang gunpla battle sayo" Dahan dahang naglakad ang Zeta Gundam palapit sa Gusion Rebake at itinutok nito ang kanyang beam sword sa gunpla.
"Wag! Hindi! Hindi ako pwedeng matalo" Sigaw ni Ryosuke habang tumutulo na ang kanyang mga luha.Iginalaw niya ang kabilang braso ng Gusion Rebake para suntukin ang Zeta Gundam gamit ang knuckle guard nito pero hiniwa agad ito ng Zeta Gundam gamit ang beam saber nito at naputol ang natirang braso ng Gusion Rebake.
"Desperate attack huh? Wala ka nang pag asa,di mo ko matatalo.Gaya ng sinabi ko kanina,hindi nababagay ang gunpla battle sayo" Pinutol ng Zeta Gundam ang natirang binti ng Gusion Rebake at katawan na lang at ulo ng gunpla ang natira.
"Hindi pwede to! Hindi!" Nag color red at maraming caution na ang nagkalat sa cockpit system ni Ryosuke.Pilit pa rin niyang iginalaw ang mga D-pad controls pero malfunction na talaga ang buong system ng Gusion Rebake.
"Marami ka pang kakaining bigas bago mo ko talunin.May gatas ka pa sa labi para sa mga ganitong laban.Kaya kung ganyan lang naman ang kakayahan ko sa gunpla battle,magreretiro na lang ako.Ito na ang katapusan mo" Hiniwa ng beam saber ang katawan ng Gusion Rebake na parang manananggal at agad itong sumabog.
Booooooggggssshh!
"Battle Ended" Natapos na ang laban at unti unti nang nawawala ang mga Plavsky particles sa battle system.Dismayado si Ryosuke sa kanyang pagkatalo kaya labis ang kanyang lungkot nang matalo siya sa kanilang laban ni Romanio.
"Di man lang ako pinagpawisan sa laban natin.Teka lang,nabalitaan kong nakasali ka sa tournament.Sa ganyan mong kakayahan makakarating ka ba sa finals? Mangarap ka na lang.Kung ako sayo dapat mag concede ka na lang sa tournament kasi para lang to sa mga magagaling na gunpla fighter tulad ko hindi para sa mga lampang tulad mo! Makaalis na nga lang,sinasayang ko lang ang oras ko sayo sa mga mahihinang tulad mo" Huling sabi nito at bigla na lamang itong umalis at iniwan ang kanyang gunpla sa battle system.
"Ryosuke,ayos ka lang ba?" Pag aalala pa ni Takashi sa kaibigan pero agad tumakbo si Ryosuke dala ang kanyang biniling gunpla papasok sa elevator at tumungo ito sa ground floor at tuluyan nang lumabas ng G-NATION.
#######################
Anong nangyari sa ating bida ? Siguro hindi niya tanggap na natalo siya kay Romanio kanina sa kanilang gunpla battle.Abangan nyo na lang ang susunod na chapter ng Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 10: Fiery Opponents.
Nagustuhan nyo ba ang story ? Vote and comment lang po kayo para naman ganahan ako sa pag update.Thanks sa pagsubaybay at pagsuporta sa story na to and sana marami pa ang bumasa nito.
@CyasineFritzel
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...