Chapter 47: Dracarys New Model (Drasten vs. Mico)

76 5 0
                                    

Mico's POV

Sa battle arena ay nakapwesto na kaming dalawa ni Drasten dahil kaming dalawa na ang maglalaban sa unang laban ng semifinals.

"Mico Andrade,balita ko magaling ka sa long range combat yan ang sabi ng nakararami.Pero hindi yan hadlang sa akin para talunin ka" Sabi ni Drasten sa akin.

Naalala ko ang mga sinabi ni Rui kanina at nag sink in ito sa isip ko.

"Natalo na ako ni Drasten kaya mag ingat ka sa mga hit and run attacks niya"

Oo tama! Kailangan kong maging alisto sa bawat atake ng kanyang Gundam Kimaris Dracarys,lalo na't hit and run ang fighting style nito.

"Ayos lang.Kahit matalo mo ako ngayon tatandaan mo to,hindi ako ang nakatakda para sayo at meron pang isang gunpla fighter na mas malakas pa sayo at nakatakda siya para sayo na talunin ka" Sambit ko kay Drasten.

"Wag na nating patagalin to,simulan na natin" Nag on na ang battle system at magsisimula na ang aming laban.

"Gunpla Battle Combat Mode Startup.Model damage level set to A"

"Please set your GP Base"

"Beginning Plavsky particle dispersal"

"Field 2: City"

"Please set your Gunpla" Sabay naming inilapag ang aming mga gunpla.

"Ito ang bagong disenyo ng aking gunpla,ang Gundam Kimaris Dracarys Whippist" Binago na niya ang model ng kanyang gunpla na siyang ikinagulat ko.

Hindi na pala ito ang dating Gundam Kimaris Dracarys na nasaksihan ko noong mga nakaraang laban ni Drasten.

"Battle Start" Sabi nung computer sa battle system at nagsimula na ang aming laban.

"Mico Andrade.Crossfire Gundam,lets go!" Inilaunch ko na ang aking gunpla at lumapag ito sa isang malaking gusali ng syudad.

Agad lumabas ang caution signal sa likod ng aking cockpit at sinugod ako ng parang isang mahabang buntot na latigo na may matalas na blade sa likod nito,parang katulad sa Hashmal Tail ng Gundam Barbatos Lupus Rex.

Nag dodge ako sa buntot na yun at inilipad ko ang aking Crossfire Gundam sa ere at bumaril gamit ang dalawang beam pistols.

Mabilis na sumugod ang Gundam Kimaris Dracarys Whippist at itinutok niya ang gungnir sa gunpla ko para isaksak pero dinodge ko ito.

Anong pambihirang bilis ang meron sa kanya? Mas mabilis na ang reaction speed at mobility ng gunpla niya ngayon kesa dati.

Lumipad ako palayo at nagtago sa isang abandonadong arena stage at nag sniper mode para asintahin ang gunpla ni Drasten gamit ang sniper rifle.

"Kring,auto pilot engage" Utos ko sa kay Kring at siya na ang may control sa paggalaw ng Crossfire Gundam habang nag sniper ako.

Mga ilang sandali kong pag aabang ay dumating na ang Gundam Kimaris Dracarys Whippist mga 25 meters malapit sa akin ayon sa radar.

"Mico asan ka na? Saan ka nagtatago" Sabi ni Drasten na tila hinahanap niya ang gunpla ko.

Tumira siya ng vulcan guns galing sa kanyang gungnir at pinaulanan niya ang lahat ng mga gusaling nakikita nito.

Nagfocus ako sa pagsnipe hanggang sa direkta ko nang naitutok sa aking scope ang katawan ng gunpla ni Drasten.

Kinalabit ko na ang gatilyo at itinira ko na ang sniper rifle pero sa kasamaang palad ay nablock ito ng shield sa Gundam Kimaris Dracarys Whippist.

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon