Chapter 13: Gunpla Acquaintance

155 12 2
                                    

Dinala ako ni Coach Ral sa wardrobe area doon sa kanyang bahay ar pinapasukat niya ako ng mga polo at tuxedo.

"Ano bang klaseng gunpla acquaintance ang pupuntahan natin?" Sabi ko habang pilit kong niluluwagan ang bowtie na nasa leeg ko kasi ang higpit eh.

"Malalaman mo din yan pag nandun na tayo.Sige na bilisan mo na dyan" Kainis naman di pa kay ako sanay na magsuot ng mga ganito.

Pagkatapos kong magsukat ng mga damit ay dyaran! Nakapolo na lang ako ng puti at nakatuxedo pa tas naka slacks na itim tas black shoes same din sa suot ni Coach Ral,parang magtatay lang ah.

Sumakay na kami sa armored jeep ni coach at bumiyahe na kami patungo sa hindi ko alam na lugar kung saan,si Coach Ral lamang ang nakakaalam dyan.

Habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay di ko maiwasang magtanong kay coach.

"Coach saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang nakasandal sa bucket seat.

"Sa may Fujiwara Hotel & Casino,doon magaganap ang gunpla acquaintance" Sagot niya.

"Ah ganun ba?" Yun na lang ang tanging naigiit ko.

"Dinala mo ba ang name card mo sa tournament Ryosuke?" Tanong ni coach sakin.

"Opo coach andito sa gunpla case ko sa may lagayan ng sinturon tsaka isinama ko na rin ang gunpla ko"

"Mabuti naman kung ganun.Hindi ka kasi makakapasok kung wala kang name card na galing sa tournament" Buti nga nadala ko eh haha.

Mga ilang minuto ay nakarating na rin kami sa isang magandang building na parang hotel.Ito nga pala ang sinasabi ni coach na Fujiwara Hotel & Casino kaya bumaba na ako sa armored jeep.

"Ang ganda pala ng hotel na to.Puno ng iba't ibang mga ilaw daig pa ang christmas tree" Sabi ko sa sarili ko habang tinatanaw ko ang buong gusali ng hotel.

"So tara na Ryosuke pumasok na tayo" Ani coach at sabay na kaming pumasok sa may entrance ng Fujiwara hotel.

Bago kami pumasok ay inenspection ng guard nung hotel ang name card ko sabay tanong sakin kung dinala ko ba ang gunpla ko kaya ipinakita ko na din ang aking gunpla.Ang dami namang cheche bureche ng guard na to.

"Sige pasok na po kayo sir" Sabi pa nung guard samin.

Kung maiimagine mo sa loob ng hotel ay marami ang mga pawang mayayaman dun,yung iba ay mga gunpla fighter at yung iba naman ay yung mga coach at staff ata nila.

Pagpasok namin ay medyo naiilang ako dahil sa dami ng tao sa loob ng hotel.Maya maya ay bigla akong kinalabit ni coach.

"Mag CR muna ako sandali Ryosuke ha medyo masakit lang ang tiyan ko.Sige enjoy ka lang muna dyan" Ay grabe ka naman coach wag mo naman akong iwan dito.

Umalis talaga si coach na nagmamadaling naglakad,nag pororot na ata siya sa slacks niya haha.Tsk ka op naman dito wala man lang akong kakilala dito kahit ni isa naupo na lang akong mag isa sa may table at tumawag ng waiter.

"Waiter" Senyas ko pa sa waiter na may dalang mga sari saring beverages at cocktails.

"Ano pong gusto nyong drinks Mr. Hirotami?" Wow kilala na pala ako dito.

"Paano nyo po ako nakilala?" Pagtatakang tanong ko sa waiter.

"Syempre isa kang gunpla fighter at kitang kita ko ang picture mo dun sa may malaking poster sa mga 100 participants ng tournament" Agad kong tiningnan ang malaking poster sa may balcony sa hotel at dun nga kitang kita ang pangalan ko at ang mukha ko.

"Ay oo nga pala hehe akala mo di mo ko nakilala eh" Sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"Ano po drinks na gusto nyo sir? Marami pang naghihintay na mga participants na gustong uminom ng mga drinks" Hala! Naku pasensya ka na madaldal lang talaga ako eh.

"Uhmmm isang red juice na lang po" Sabi ko sabay abot ng waiter sa red juice.

"Thanks" Sabi ko sabay umalis din ang waiter.Hay ang boring talaga pag wala kang kausap dito,sana ka date ko ngayon si Yumi...teka lang bat naiisip ko ang babaeng yun?! Eww ang laki kaya ng gelatin nun eh haha.Ewan basta focus na lang ako sa walang kwentang event na to.

Tumingin tingin na lang ako sa paligid at sa mga taong nagkakasiyahan at nag iinuman habang kausap ang iba't ibang mga gunpla fighters na galing pa sa ibang bansa.Maya maya pa ay may nagsalita sa mic galing sa taas.

"WELCOME SA LAHAT NG DUMALO,ESPECIALLY ANG MGA GUNPLA FIGHTERS AT ANG MGA COACH AT STAFF NILA DITO SA GUNPLA ACQUAINTANCE NA NAGAGANAP NGAYON DITO SA FUJIWARA HOTEL & CASINO.SANA MAENJOY NYO ANG SAYA AT PAKIKIPAGKILALA SA INYONG MGA KAPWA GUNPLA FIGHTERS,SO LETS ENJOY AT SULITIN NYO ANG BUONG GABI NA TO DAHIL BUKAS AY MAGSISIMULA NA ANG KUMPETISYON.THANK YOU AND HAVE A NICE EVENING TO ALL OF YOU" Nagpalakpakan ang mga tao sa natatanging speech na yun,pagtingin ko sa taas ay si Meijin Kawaguchi pala ang nagsalita sa mic.

Medyo hindi ko na talaga matiis ang kabagutan kaya naglakad lakad na lang ako para hindi mabagot sa kakahintay ni coach,ang tagal naman niyang mag CR,bahala ka dyan coach maglibot libot muna ako dito sa buong hotel.

Habang naglalakad ako ay nakita ko si Drasten,gusto ko sana siyang lapitan kaso may kausap siyang babae na chicks.Wow matinik ata to sa babae ah pero may isa akong pinagtataka sa mga emotions ni Drasten,parang galit siya sa chikababes na yun eh...aba malay ko sa kanila usapan nila yan.Makaalis na nga lang.

############################

Ano kaya yung pinagsasabi ni Ryosuke hindi ko ma gets.Sige ako na lang ang mag explain sa totoong nakita sa ating bida,pero sa susunod na chapter nyo yan malalaman about kay Drasten Freinheit dahil ang next chapter is about sa past ni Drasten.So mga readers,magbibigay ako ng dalawang questions at kayo ang sasagot para naman masiyahan at ma thrill kayo.

(Q1: Sino ang babaeng kausap ni Drasten na pinagsasabi ni Ryosuke?)

(Q2: Sino sa buhay ni Drasten ang babaeng kausap niya? At bakit galit si Drasten dito sa babae?)

Last question na to guys ha...

(Q3: Mga ilang minutes pang mag pororot si Coach Ral bago pa siya lalabas ng CR?) Hahaha😂

Sagutin nyo po guys at icomment nyo sa chapter na to ang mga sagot nyo.Abangan nyo ang susunod na chapter ng Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 14: Drasten's Past

Thanks po sa mga bumasa at sumuporta sa story ko at malapit na po siyang mag 500 reads at last! Thanks po sa inyong lahat guys and sana marami pang mag read at mag vote nitong aking story.Thanks po talaga thanks.


@CyasineFritzel

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon