"Long time no see Ryosuke,nandito ka pala sa battle royale ngayon" Dito sa semidesert ay nakita ko ang isang Gyancelot Custom na full package na at meron nang mga built in weapons.
"Teka paano mong nalaman na eto ang gunpla ko?" Pagtataka kong tanong kay Ikari.
"Hahahaha! Strike Legacy Gundam pala huh? Maganda ang pagkakagawa,pero anong silbi ng HG class na gunpla kung weak ang gumamit nito?" Pangmamaliit niyang sabi sakin.
"Siguro eto na talaga ang tamang panahon para magtuos tayo ulit.Wala ka pa ring pinagbago hanggang ngayon weak ka pa rin" Dagdag pa nito.
"Tama na ang daldal hinayupak ka! Gaganti ako sayo at ipaparanas ko sayo kung gaano kasakit tanggapin ang pagkatalo."
"Ngayon simulan na natin ang laban!" Ikari at nagsalpukan agad ang mga espada namin.
Nang magkadikit ang mga beam sword namin ng Gyancelot ay bigla niyang sinipa ang gunpla ko at tumalsik papalayo sa kanya at tumira siya ng mga homing missiles galing sa shield nito.
Agad akong lumipad paitaas at sinabayan ko na ng pagtira ng vulcan guns galing sa ulo ng Strike Legacy Gundam para di pumunta sakin ang mga homing missiles at para sumabog ito.
Tugs! Boom! Tugs! Boom! Tugs! Boom! Tugs! Boom! Magkasabay na tunog ng vulcan guns at missiles.
"Magaling! Magaling! Pero mahina mahina mahina ka pa rin.Humanda ka nang matalo ka na naman Ryosuke hahahahaha!"
Lumipad sa ere ang Gyancelot ay pinaulanan niya ako ng mga bala ng sniper rifle at ako naman ay umilag din sabay depensa gamit ang aking shield.Nakipagsabayan din ako sa pagtira at binaril ko siya ng beam pistols at nagpalitan kami ng bawat tira ng aming mga baril.
"Medyo nag improve ka na ngayon ha?" Saad nito.
"Wala akong balak magpatalo sayo.Hindi na ako ang dating Ryosuke na talunan at duwag pagdating sa gunpla battle.Ngayon tapos ka na sakin at ihanda mo na ang basurahan para sa gunpla mo!"
Pinagsabay ko ang beam pistol at beam cannons pero lumipad lipad lang siya sa ere at inevade niya ang bawat tira ko.Gumanti din siya ng tira sa sniper rifle niya at natamaan niya ang shield ko ng maraming beses at nasira agad ito.
"Hahahahaha! Matatalo ka rin naman sakin dahil mahina ka.Hindi ka karapat dapat magkampeon sa tournament na to dahil di naman nababagay sa mga talunan ang tropeo eh" Nakakainis ka talaga Ikari ha sumosobra ka na.
Ang dalawang beam pistols ng Strike Legacy Gundam ay pinagdugtong ko at naging beam rifle ito kaya pinagbabaril ko na ang Gyancelot Custom ni Ikari.
"Ang galing mo na talaga Ryosuke,pero titingnan natin kung hanggang saan lang talaga ang galing mo" Ibinato niya sakin ang kanyang shield at biglang nagsilabasan ang mga missiles nito.
Bumalik agad ang shield sa Gyancelot at tanging mga missiles na lang ang humahabol sakin kaya lumipad ako palayo at pinagbabaril ko ang mga missiles gamit na naman ang mga vulcan guns galing sa Strike Legacy Gundam at sumabog agad ang mga missiles.
"Hindi na ako makapagtimpi syo hayop ka.Tingnan lang natin kung hanggang saan lang din ang yabang mo" Meron akong bagong naisip na istilo kung paano ko matatalo ang Gyancelot Custom ni Ikari.
Nagpaulan ako ng mga bala sa beam rifle ko sabay tira din ng mga beam chakrams sa gunpla ni Ikari at nagpailag ilag ito sa ere at gumanti din siya sa pagbaril ng kanyang sniper rifle pero natamaan ito ng aking beam chakram at sumabog ito.
"Bwisit ka!!!" Mura pa ni Ikari na parang matatalo na.
Iniharap niya ang kanyang shield na bilog at tumira sana siya ng mga missiles pero buti nalang ay natamaan ng dalawang beam cannons ang shield ng Gyancelot at sumabog ito dahil pag nagmintis yun siguradong hahabulin na naman ng mga missiles ang Strike Legacy Gundam ko.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science-FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...