Chapter 20: Snow Haired Girl

143 7 5
                                    

Ryosuke's POV

Mahimbing sana akong nakatulog nang naramdaman kong may pumapalo sakin ng unan,siguro tatlo yung humahampas sakin ng unan kaya nagising na lang ako bigla.

"Ano ba?! Natutulog yung tao iniistorbo nyo pa!" Sigaw ko pa sa namamalo sakin ng unan.

"Ryosuke gising na uy! Lakas makatulog nito" Saad ni Mico habang tinatakpan ang mukha gamit unan.

"Mico? Rui? Rinkashi? Paano kayo nakapunta sa kwarto ko?!" Gulantang kong sabi sabay talukbong ng kumot.

"Nakiusap ako kay auntie na gisingin ka kasi tanghali na" Rui.

"Tingnan mo ang orasan,alas dose pasado na" Dagdag pa ni Rin.

Tiningnan ko ang aking alarm clock at...WHAT?! Alas dose nga!!!😱Lampas 8 hours na akong nakatulog...😪

"Guys? Baba muna kayo dahil kakain na" Sabi ni mama galing sa baba.

Sabay na kaming bumabang apat galing kwarto ko at pumwesto na kami sa Japanese table para mag abang sa pagkain na niluto ni mama.

"Eto na ang ulam at kanin.Sige na kain na tayo" Ani mama at umupo na rin siya.

Ang sarap ng ulam namin ah.Beef steak with teriyaki sauce,Japanese prawns na dineep fry at mga sushi.

"Thank you po mama" Sabi ko sabay bow sa kanya.

"Salamat po auntie Masaki" Rui at nag bow din sya.

"Salamat po Mrs. Hirotami!" Rin at Mico pero si Rin lang ang nag bow at si Mico ang hindi kaya siniko agad to ni Rin at nag bow na rin sa wakas si Mico.

"Walang anuman sa inyo.Sige na kakain na tayo" At nagsimula na kaming kumain ng pananghalian.

"Congrats nga pala sa inyong apat dahil nakapasok kayo sa top 60 at sasalang na kayo sa susunod na eliminations"

"Thank you po" Sabay naming saad.

Habang kumakain ay may napansin ako kay Mico,parang ginagawa niyang gunting ang chopsticks para lang makuha ang kanin.

"Ano ba to? Ang hirap naman" Mico habang abala sa pagcha-chopstick.

Nang mainis na talaga si Mico sa pag chopstick dahil di nya makuha ang kanin sa bowl kaya tinusok na lang niya ang kanin gamit chopstick at sa ulam na rin na beef steak itinusok niya rin gamit chopstick sabay subo.

"Ang sarap pala nito! Ang sarap nyo palang magluto" Nakatingin lang kaming lahat sa kanya habang pinagmamasdan namin siya na kumakain.

"Mico bat mo ginawang pangtuhog ang chopsticks?" Sita pa ni Rin.

"Di ako marunong eh kaya itinuhog ko na lang.Pagpasensyahan mo na Mrs. Hirotami hindi talaga uso sa amin ang ganito eh" Ani Mico sabay kamot sa kanyang ulo.

"Taga saan ka nga pala Mico?" Tanong pa ni mama.

"Sa pilipinas po bayan ko.Di kasi uso ang chopstick sa amin eh,kutsara't tinidor lang or kamayan style" Nag react kaming lahat sa sinabi ni Mico.

"Kamayan style???" Agad naming reaksyon.Di namin maintindihan kung ano yun.

"Kamayan style,yung kamay lang ang gamit mong kutsara.Mas madali yun eh" Mico.

"Ah ganun ba? Mag kutsara't tinidor ka na lang" Rui at kumuha siya ng kutsara't tinidor at ibinigay iyon kay Mico.

"Ay salamat nga pala Rui" Pasalamat aniya.

After naming kumain ng pananghalian ay ako pa ang lugi.Bago ako umalis ay ako pa ang pinaghugas ni mama sa pinagkainan namin huhuhu😭Yan ang pinaka ayaw ko eh! Ang maghugas ng pinggan.I hate it I hate it!!!

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon