Chapter 29: Gundam Kyrios Hydra (Mixhi vs. Hachi)

92 6 3
                                    

Hachi's POV

Hi sa inyo mga readers lalo na kay author,siguro di nyo pa ako kilala.Ang pangalan ko ay Hachi Hikigaya,nakakapagtaka diba kung bakit yan ang buong pangalan ko? Parang halos magkatukayo kami sa buong pangalan ng anime character na si Hachiman Hikigaya sa anime series na Yahari Ore no Seishun Love Come wa Machigatteiru.

Bakit kaya sinadya ng mga magulang ko na ipangalan sakin to? Siguro nung sanggol pa lang ako palagi akong bumabahing kaya Hachi ang pangalan ko,tsaka nagkataon din na Hikigaya ang mga apelyido nila.

Nakatira ako sa Yokohama dun sa Japan at 15 years old na ako.Isa akong gunpla fighter na hindi ako titigil hangga't hindi ako nakukuntento.At isa din akong pilot ng aking gunpla na Gundam Cherudim Pandora.

Isa itong modified na mobile suit na Cherudim Gundam at meron itong GN Shield Bits at kinokontrol ito ng aking organoid na may pangalang Flick kung may paparating na firing attack,at pwede din ma switch ang mga shield bits sa assault mode para maging cannon na aatake sa kalaban.Dalawang GN Beam Pistols na aking secondary ranged weapon at ito ang natatanging closed ranged weapon ko dahil may beam coating ito panlaban sa beam sword.GN Sniper Rifle na primary weapon ng Cherudim Pandora para sa long range attacks,at ang last ay ang GN Missiles para sa counterattack na tira.Meron din itong Trans-Am system na pansamantalang bibilis ang performance capability ng tatlong beses sa gunpla.

Ayan nagkakilala na tayo,o sige na magpapaalam na muna ako dahil kalaban ko ngayon si Mixhi Glaire Roenfeit.Sige babye na,sana manalo ako sa tournament.

Mixhi's POV

Nakahanda na ako sa susunod kong laban kay Hachi Hikigaya,mukhang malakas din to katulad sakin dahil may taglay din itong Trans-Am system sa gunpla niya katulad sa akin.Nalaman ko yun habang nanunuod sa kanyang mga laban.

Pumunta na ako't pumuwesto sa battle arena at sumunod din naman ang kalaban ko at pumuwesto na rin siya.

"Nice to meet you,Mixhi Glaire Roenfeit.Mukhang chicks ang dating mo ngayon ha?" Sarkastikong sabi ni Hachi habang nakatingin sa cleavage ko.

"Bastos ka talagang manyakis ka.Pwes tuturuan kita ng leksyon para magtanda ka" Banta ko sa kanya pero tumawa lang siya.

"Hahaha ako tuturuan mo ng leksyon? Baka nagkakamali ka.Pag natalo kita,magiging girlfriend na kita" Wag kang assuming boy hanggang pangarap ka na lang.

"Wag mo akong mamaliitin dahil babae lang ako.Mahiya hiya ka na mamaya pag natalo kita ng aking well-made gunpla" Sabi ko sabay pakita ng aking Gundam Kyrios Hydra.

"Ikaw pala ang pilot ng bulok na gunplang yan.Pwes di mo ko masisiil girl,ako ang karapat dapat na makapasok sa quarter finals at hindi ikaw" Sabi nung Hachi na may halong kayabangan.

Mga ilang sandali pa ay pinakita niya sakin ang kanyang gunpla na isang custom made na Cherudim Gundam.

"Tingnan lang natin kung sino ang dapat manalo sa'ting dalawa"

Nakakainis na talaga ang lalaking to ang sarap ipa firing squad ni Hitler.

Mga ilang sandali pa ay nagsalita na ang MC sa tournament.

"Ngayon ay magsisimula na ang ikalimang laban sa second series ng eliminations.Ang maglalaban ngayon ay sina Hachi Hikigaya at ang kanyang Gundam Cherudim Pandora,at Mixhi Glaire Roenfeit at ang kanyang Gundam Kyrios Hydra.Mukhang maganda ang laban na to dahil ang mga gunplang ito ay sa Gundam 00 edition series,painit na painit na ang labanan ngayon kahit eliminations pa lang.Kaya simulan na natin ang laban"

Tama ba yung narinig ko? Gundam Cherudim Pandora pangalan ng gunpla ng mokong to.Hindi ako makapaniwalang nakagawa siya ng ganitong kakumplikadong gunpla.

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon