Ryosuke's POV
Kinabukasan,maaga akong nagising galing sa pagkakatulog dahil naramdaman kong parang giniginaw ako.Pagsilip ko sa aking alarm clock ay 5:30 pa lang,masyado pa kong maaga para gumising.
Hindi na ako nakatulog ulit kaya imbes na matulog ulit ay binuksan ko na lamang ang ilaw ng aking kwarto.
Wala man akong ibang gagawin kaya kinuha ko ang isang black box na binigay ni Yumi sakin nung nakaraang buwan.
"Ano kaya ang laman nito?" Inaalog alog ko muna pero parang styrofoam lang ang laman nito eh.
Kaya binuksan ko na talaga ito at sa pagbukas ko ay nagulat ako sa aking nakita.
"Isang gunpla" Sabi ko sa aking sarili.
Mico's POV
Bumisita ako ng maaga sa bahay nila Ryosuke at kasama ko nga pala si Yumi na nagtungo dun.
Pagpasok namin sa shop ay nakita namin agad si Ryosuke na nagbabantay ng mga paninda nilang mga gunpla.
"Hirotami Gunpla Shop,ano po order nyo?" Parang hindi niya kami kilala kung makaasta ah.
"Pwede ba kitang makausap sandali?" Sambit kong tanong kay Ryosuke.
"Sure bakit naman hindi?" Ani pa niya.
"Ano ang pag uusapan natin Mico? Uhmm Yumi kumusta?" Sambit niya sa'ming dalawa.
"Ayos lang naman" Tugon ni Yumi.
"Mabuti naman kung ayos ka lang.Pero mas maayos talaga pag sinagot mo na ako" Ayan ka na naman kaaga aga bumabanat ka na naman.
"Assuming ka talaga hahaha" Lols sablay😂
"Hindi naman ako assuming,deserving lang talaga ako sa pag ibig mo" Ano ba yan na o-op na ako sa inyo.
"Guys alis lang muna ako ah baka nakaistorbo ako sa inyo" Interrupt ko pa pero pinigilan ako ni Yumi.
"Diba may pag uusapan pa kayo ni Ryosuke?"
"Di bale na,ipagpatuloy nyo lang ang ligawan moment nyo" Sabi ko na tila nagtatampo.
"Mico pasensya ka na kung na OP ka.Teka ano nga pala ang pag uusapan natin?" Tanong ni Ryosuke sakin habang nagwawalis sa sahig.
"Limang araw na lang ay magsisimula na ang ating quarterfinals,wala ka bang balak baguhin o icostumize sa iyong gunpla?"
"Parang wala naman ata siguro...ok na yun hindi ko na babaguhin ang disenyo ng Strike Legacy Gundam" Giit ni Ryosuke.
"Ryosuke tandaan mo to,malalakas ang mga kalaban natin ngayon sa quarterfinals kaya maglaan ka ng oras at panahon mo para mag tune sa iyong gunpla"
"Malalakas mga kalaban natin ngayon,hindi mo alam,hindi ko alam,o hindi natin alam kung sino ang mga makakalaban natin" Paalala ko na tila nagseseryoso na.
"Siguro panahon na para buksan mo ang laman ng black box" Sabat pa ni Yumi.
Umalis muna si Ryosuke at may kinuha siya sa kanyang kwarto.Pagdating niya ay may dala siyang itim na kahon at ipinakita ito sa amin.
"Mga spare parts lang ng gunpla ang laman nito" Sambit ni Ryosuke habang pinakita niya sa'min ang laman ng black box.
"Hindi mo ba nabasa ang label?" Huh? May label pa palang nakasilid dyan.
"Saan ang label?" Pagtatakang tanong nito.
"Nasa ilalim ng mga spare parts nandyan ang parang may nakasulat dyan na label sa papel"
Kinuha niya ang mga hindi pa na cutter na mga gunpla spare parts at totoo nga,may nakalagay pa iyong sulat sa papel na sinasabi ni Yumi na label.
"Anong nakasulat sa papel" Tanong ko kay Ryosuke habang nagbabasa siya.
Pinakita niya sakin ang nakasulat pero di ko maintindihan kasi puro Japanese letters lang nakikita ko.
"Paano ko yan babasahin di ko maintindihan?"
"Sige ako na ang magtatranslate" Buti na lang may kasama akong hapon dito na translator.
"Eto ang nakasulat" Saad ni Yumi at nagsimula na siyang magbasa.
Dear Mr. Hirotami,
Itong mga gunpla parts na to ay ginawa ko para kay Ryosuke Hirotami,nalaman ko ang tunay niyang galing at determinasyon niya sa gunpla battle nung inutusan ko ang kaibigan ko na si Mr. Ral na maghanap ng kanyang mga tuturuang mga bata kung paano maging isang tunay at malakas na gunpla fighter. Ang nga gunpla parts na ito ay para lang talaga yan sa iyong Strike Legacy Gundam,at bagay na bagay ito para sa skills mo bilang isang gunpla fighter.
Gawin mo ang best mo para manalo ka sa tournament at ipagpatuloy mo ang iyong journey bilang isang gunpla fighter,wag kang titigil hangga't hindi mo naabot ang mga pangarap mo.And take note,ikaw na ang bahalang magpangalan sa gunpla mo...dahil lalabas na ang tunay na kapangyarihan niya at ikaw lang ang tanging makakapagbukas ng kapangyarihan na ito.Hanggang dito na lang and goodluck
– Mr. Sei Iori
"Sei Iori? Diba siya yung dating 2 time defending champion sa nakaraang Gunpla Battle World Championship?" Pagtataka kong sabi sa kanila.
"Ibig sabihin,si Sei Iori ang sinasabi mong kaibigan mo?" Tanong ni Ryosuke kay Yumi.
"Oo siya nga yun.Masaya ako para sayo dahil ikaw lang ang binigyan ng ganyang kagandang gunpla" Proud na sabi ni Yumi sa kanyang manliligaw sabay yakap nito.
"Goodluck sayo at goodluck sa'tin sa darating na quarterfinals" Seryosong saad ko sa kanya.
"Salamat sa inyo Mico at Yumi" Sambit ni Ryosuke habang niyakap siya ni Yumi.
"Gawin mo best mo para manalo ka sa tournament" Nakakainggit kayong dalawa ha?
"Salamat ulit" Ani pa niya.
"O sige alis na muna kami ha? Magkita na lang tayo sa gunpla stadium next week"
"Ryosuke alis na muna kami" Sabi ko sabay labas namin sa shop.
############################
Isa palang gunpla parts ang laman ng black box na ibinigay ni Yumi kay Ryosuke.Ano kaya ang magiging resulta ng pag tune niya sa kanyang gunpla gamit ang mga bagong parts ? Yan ang dapat nating abangan.
Abangan pa ang mga susunod na chapter sa Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 38: Strike Legacy Gundam's Complete Package.
Hit vote at comment lang po kung nagustuhan nyo po.Thanks po ng marami.
@CyasineFritzel
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Ficção CientíficaGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...