Mga ilang sandali pa ay nagsalita na naman ang battle system.
"Enemy destroyed.Change difficulty from hard to extreme.Opponent change" Naku extreme na ang difficulty sa simulation mode,parang di ko na kakayanin to.
"Medyo mahihirapan ka sa pakikipaglaban basta extreme na.Dyan ka mas challenge pag mahirap ang iyong kalaban,ibuhos mo lahat ang makakaya mo Ryosuke" Ani pa ni coach.
Mga ilang sandali pa ay may lumitaw na isang gunpla na gundam frame type at isa ata itong HG or High Grade gunpla.Nang malapit nang makita ang buong katawan ng gunpla ay dun na ako nagulat sa aking nakita.
"Gundam Barbatos Lupus.Patay..." Biglang nag spark ang kulay green sa mga mata nito at lumipad ito malapit sa Strike Legacy dala ang weapon nito na dual anti armor club at agad na itong umatake.
"Ang bilis niya! Di ko makita ang weakness niya" Umatake na rin ako at nakipag close combat na lang ako sa Barbatos gamit ang aking beam sword.Nung nagsalpukan ang mga melee weapons namin ay nahiwa ko ang kanyang dalawang metal club at agad iyong sumabog.
Kumuha ang Barbatos ng isang malaking espada mula sa likod nito at pasugod niya akong hinampas ng kanyang espada,buti nalang at sinalag ko iyon ng dalawang beam swords sa magkabilang kamay ng Strike Legacy.
Nagtataka ako sa nakita ko,bakit hindi man lang nahiwa ang kanyang espada sa mga beam swords ko?
"Coach bakit hindi nahihiwa ng beam sword ko ang espada ng Barbatos Lupus?" Tanong ko kay Coach Ral habang naghahampasan ng kanilang mga espada ang Strike Legacy Gundam at Gundam Barbatos Lupus.
"Isa yang reactive armor.Katulad ng phase shift armor,hindi natatablan ng kahit anong beam at metal weapons ang isang gundam frame o melee weapon na nilagyan ng pandagdag armor" May reactive armor ang kanyang espada,pero ewan ko sa body structure ng gunplang yan.
Sa totoo lang,nahihirapan na ako ngayon sa training na to kasi nakaset na sa extreme difficulty sa simulation mode.Masyadong aggressive ang Barbatos Lupus lalo na sa close battles at strategy tactics.Kada attempt kong atake at tira sa aking mga ranged weapons ay napepredict pa niya kahit gaano pa kabilis ang timing dahil meron itong Alaya-Vijnana system na nakakatulong ito sa combat capabilities sa isang pilot ng gunplang ito.
Sobrang bilis talaga niya grabe di ko siya matatamaan kahit daplis lang,dahil na rin siguro to sa 2x Ahab Reactor thrusters sa likod nito,magkaparehas lang ata sila ng bilis at mobility ng twin GN particle drive boosters ng Gundam 00 Raiser.Hindi ko kayang tapatan ang bilis at lakas ng Barbatos Lupus.
Nakatutok sa aking Strike Legacy ang foldable long ranged rifle ng Barbatos Lupus na nakamount sa magkabilang braso nito at bigla niya itong pinaputok.Di ko nailagan agad ang mga projectile shells ito kaya tinamaan ang gunpla ko ng apat na beses na siyang ikinaalarma ng cockpit ko at nag color yellow ang buong bahagi ng cockpit maliban sa radar at front and rear camera nito.Tiningnan ko ang status ng Strike Legacy Gundam sa may link system panel at nagtamo lamang ito ng mga minor damage dulot ng long ranged rifle ng Barbatos Lupus.
"Mag ingat ka sa bawat galaw ng Barbatos Lupus,masyado yang agresibo at dinesenyo ang gunplang iyan sa close quarters combat kaya talas talasan mo ang paningin mo Ryosuke" Sobrang matalino at madiskarte sa labanan ang kalaban ko kahit AI lang sa battle system,parang tao din ang nagkokontrol sa gunplang yan.Kailangan makaisip ako ng paraan bago pa mahuli ang lahat.
Lumayo muna ako ng mga ilang metro sa kalabang gunpla at tumira na ako ng laser beam cannons pero nailagan lang yun ng Barbatos Lupus at sinasalag din niya ito gamit ang kanyang malaking espada.Gumanti din siya ng putok ng kanyang long ranged rifle pero nailagan ko din ang bawat tira niya.Heh kahit may Alaya-Vijnana system ka pa,sigurado akong matatalo talaga kita.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...