Narrator's POV
Nang idinala si Kolin sa isang sikretong laboratoryo ng mga bodyguard ng isang pinakamayamang scientist sa Sweden na si Dr. Cruzky Brusshart ay nagpupumiglas ang dalaga at nagsisigaw.
"Bitiwan nyo ko! Ayoko nang experimentuhan sawang sawa na ko" Sigaw pa ni Kolin sa mga bodyguards habang nakatali ang mga kamay nito.
"Wag ka na kasing magtangkang tumakas bata.Mahahanap at mahahanap ka rin namin kahit saan ka pa magpunta" Sabi nung isang bodyguard.
"Bitiwan mo ko sabi eh! Pag nakawala ako sa tali na to,bubugbugin ko kayo" Sigaw ulit ni Kolin.
Mga ilang sandali pa ay may sinambit ang isa pang bodyguard.
"Boss! Ayan na po ang pinapahanap nyo sa'min natagpuan na namin" Sambit nung isa pang bodyguard at tumigil na sila sa paglalakad nang dumating na si Dr. Brusshart.
"Mabuti naman kung ganun" Sabi ni Dr. Brusshart habang pumapalakpak.
"Gusto mo na ba akong takasan Kolin? Baka nakakalimutan mo,malaki ang ibinayad ko para sayo para maging isa kang magaling na gunpla fighter at malaki ang expectations ko para sayo na manalo ka sa tournament" Sabi ni Dr. Brusshart habang lumalapit kay Kolin.
"Gusto ko lang naman na maging malaya at masaya eh.Gusto kong maranasan ang isang tipikal na buhay na ginagawa ng karamihan" Sa sinabing yun ni Kolin ay sinampal agad ito ng scientist.
Pak!
"Maging malaya? Maging masaya? Sa tingin mo malaya ka ba sa pinagdaanan mo dati? Sa tingin mo masaya ka nung natutulog ka sa kalsada at namamalimos dati?! Diba hindi?! Ano gusto mo nang bumalik sa iyong normal na buhay? Kaya mo na ba ang sarili mo? Kung yan ang gusto mo bumalik ka na sa buhay mong dugyot!!!" Galit na sigaw ni Dr. Brusshart.
Wala nang maisagot si Kolin kundi ang humikbi na lang dahil wala na siyang ibang sandigan kundi ang isang scientist na kumupkop sa kanya simula nung bata pa siya.
"Sige paturukan nyo yan ng tranquilizer para makatulog siya" Utos pa ni Dr. Brusshart at mga ilang sandali pa ay dumating na yung isang tauhan ng scientist na may dalang injection.
"Bitiwan nyo ko! Ayokong ekspirementuhan na naman ako hirap na hirap na ang katawan ko sa mga tinuturok nyong aparato sakin.Bitiwan nyo ko!!!" Sigaw ni Kolin habang pilit niyang kumawala sa kanyang mga tali at sa mga kamay ng mga bodyguards.
Hanggang sa maturukan si Kolin ng injection pampatulog at unti unti nang nanghihina ang katawan nito dahil sa epekto ng tranquilizer na ininject sa kanya.
"Bitiwan nyo ko! Ayoko na hirap na hirap na ko di ko na kaya...bitiwan nyo na ko...bitiwan nyo ko..." At tuluyan na ngang nakatulog si Kolin at binuhat na lang siya ng isang bodyguard sa isang secret room.
Kolin's POV
Nagising na lang ako nang nakahiga ako sa isang plain na higaan na stainless steel.Tatayo sana ako pero nakagapos ang mga kamay at binti ko pati na rin ang katawan ko kaya di ako makawala.
Pagtingin ko sa sarili ko ay may mga nakakabit na mga aparato sakin at nakasuwero pa ako.Ayoko na ng ganito palagi hindi na kaya ng katawan ko.
"Pakawalan nyo ako dito! Pakawalan nyo ko!!!" Sigaw ko pero walang ni isa ang nakarinig.
Ilang beses na akong sumisigaw pero walang ni isa ang nakarinig.Hanggang sa may napansin akong isang CCTV camera na nakatutok sakin.
"Anong lagay ng mga vital signs niya?" Tanong ni Dr. Brusshart sa kanyang tauhan.Narinig ko lang sa kabilang sulok ng closed room kung saan ako nakatali.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Fiksi IlmiahGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...