Ryosuke's POV
Habang nasa labanan ang Gundam Virtue at Gundam Zero Flame Feder Phoenix ni Rinkashi ay nagpalitan sila ng mga tira ng kanilang mga beam particles sa kalagitnaan ng outer space.
"Nakakamatay talaga tong hyper beam cannon hahaha!" Hay naku Rinkashi bat ayaw mong kumalma dyan.
Hibang na hibang talagang lumaban si Rin na parang baliw,parang di niya sineseryoso ang laban at ginagawang laro niya lamang ito.
"Mamatay ka nang hayop ka!" Sinugod niya ang virtue at humugot ang Flame Feder Phoenix ng beam saber at nilapitan niya agad ang virtue.
Kahit pinagbabaril na ng hyper beam cannon ng virtue ang gunpla ni Rinkashi ay dina-dodge lang niya ito habang papalapit ito sa virtue.Ang ganda ng strategy niya,parang naiisip ko rin ang istilo ni Romanio Fellini nung naglaban kami sa may G-NATION.
Nang lumapit ang Flame Feder Phoenix sa virtue ay nag charge na ng beam particles ang hyper beam cannon ng virtue pero hiniwa lang ng Flame Feder Phoenix ang hyper beam cannon ng virtue gamit ang kanyang beam saber at sumabog ito.
Hahampasin sana niya ng beam saber ang virtue nang nag GN field ito at blinock niya lang ang atake ng beam saber ni Rinkashi.
"Bwisit may GN field pa!" Sigaw pa ni Rin at sinipa ng Flame Feder Phoenix ang virtue at nawala na ang GN field nito.
Humugot ng beam saber ang virtue at lumapit ito sa Flame Feder Phoenix ni Rinkashi pero huli na ang lahat nang tinutukan ito ng twin buster rifle ng Flame Feder Phoenix.
"Hasta La Vista baby" Sabi ni Rinkashi at tumira ng napakalakas ang twin buster rifle ng Flame Feder Phoenix at sumabog agad ang virtue.
Booooggggsssshhh! Pagsabog galing sa Gundam Virtue at nagdurog durog ang bawat piraso nito.
"Battle Ended" Sabi nung battle system at natapos na ang laban.Pagkatapos ng laban ay nagsigawan ang mga tao na nanunuod sa buong stadium.
"Congrats sayo Rinkashi!" Bati pa ni Mico.
"Congratulations at nanalo ka sa first series ng eliminations" Rui.
"Buti nadali mo yun,dahil kung hindi baka naunahan ka ng hyper beam cannon nun" Sabi ko.
"Oo nga eh,buti naunahan ko siya gamit ang beam saber ko" Rin.
Sa third match ay ako ang sumalang at nanalo din ako,salamat kay Rinkashi dahil medyo comfortable na akong gamitin ang bagong Igelstellung beam rifle ng Strike Legacy Gundam ko.
Sa fourth match ay nanalo din si Mico Andrade at ang kanyang Crossfire Gundam sa eliminations,ang pinagtataka ko ay si Rui pa ang hindi nakasalang sa eliminations.
"Announcement to all audience especially to the remaining gunpla fighters,bukas ng umaga 7:30 AM ay ipagpapatuloy natin ang first series ng eliminations.Sana maintindihan nyo at goodluck sa mga gunpla fighters na lalaban para bukas"
"Ay grabe naman.Bukas pa ako sasalang" Ani Rui.
"Edi mabuti yun! May panahon ka pa para makapaghanda" Sabi ni Rin.
"Sige guys uwi na tayo,kita kits na lang tayo dito bukas" Mico at nauna na siyang umalis.
"Grabe naman si Mico umalis agad?" Saad ni Yumi habang kumakain sila ng popcorn ni Coach Ral.
"Hayaan mo na lang siya Yumi" Sabi ko.
"Uwi na tayo Ryosuke baka hinahanap ka na ng mama mo" Sabi ni coach sakin.
"Sige guys uwi na ko ha? Rin at insan" Paalam ko sa kanila.
"Sige uuwi na rin kami eh.Sige mauna ka na" Sabi ni Rin at nauna na rin akong umuwi kasama sina Coach Ral at Yumi.
Rui's POV
Mga 7:45 PM ay nandito ako sa isang park at nakaupo sa bench at mag isang tinatanaw ang mga bituin.Maya maya ay may napansin akong kaluskos ako naririnig galing sa isang bush kaya kinuha ko na ang dalawang katana ko at binunot ko ito galing sa mga lagayan nito.
"Sino ka? Magpakita ka!" Sabi ko sa may kaluskos dun sa isang bush.
Sa galit ko ay dinissect ko ang bush na damo gamit ang aking katana at naputol agad ito pero wala namang tao na nakatago dito.
"Saan ka nagpunta tarantado ka?! Magpakita ka sakin!" Mga ilang sandali ay parang may napansin ako sa likod ko na may paparating sakin kaya isinlash ko ang isa ko pang katana at tumama ito sa parang tubo.
Pagharap ko ay nagulat ako nang may isang lalaki na may dalang karit o scythe na parang kay kamatayan at sinalag niya ang katana ko.
"Hahaha! Ikaw si Rui Akazawa hindi ba?" Paano niya ako nakilala?
"Teka paano mo alam ang pangalan ko?" Pagtatakang tanong ko sa lalaki at umatake ako gamit ang isa ko pang katana pero sinalag niya ito gamit ang dulo ng kanyang scythe at nabitiwan ko ang isa ko pang katana at tumilapon ito sa lupa.
"Tayo ang maglalaban bukas sa eliminations.Siyanga pala ang pangalan ko ay Zephyr Kijima,ang kapatid ni Wilfrid Kijima na sumali sa Gunpla Battle West Tokyo Under-19 Championship" Pagpapakilala pa niya sakin na siyang dahilan ng galit ko.
"Anong pakay mo sakin?!" Galit na sabi ko at kinalas ko ang katana ko at umatake sa kanya at nag fencing kami ng aming mga melee weapons hanggang sa magkatutukan kami ng aming mga sandata,nasa tapat ng mukha nung Zephyr ang dulo ng aking katana at nasa tapat ng mukha ko naman ang dulo ng broad scythe niya.
"Kalma ka lang Rui at baka mapatay kita.Hindi ikaw ang pakay ko,ang pakay ko ay ang kaibigan mo" Saad pa ni Zephyr.
"At sinong kaibigan ang tinutukoy mo ha?!" Sigaw ko sa kanya.
"Gusto kong talunin sa eliminations ang kaibigan at pinsan mong si Ryosuke Hirotami,ang gunpla builder at pilot ng kanyang Strike Legacy Gundam" Damn it! Si Ryosuke lang pala ang pakay niya.
"Bakit mo gustong talunin si Ryosuke?" Tanong ko kay Zephyr.
"Dahil pag natalo ko siya,kukunin ko ang gunpla niya at gagawin kong collection para sa pag customize ng Translucent Gundam ko" Sagot niya.
"Hindi ka magtatagumpay sa plano mo dahil ako lang ang tanging makakatalo sayo" Sabi ko at ininaba ko na ang katana ko at ibinaba din ni Zephyr ang karit niya at naging ordinaryong tubo lang ito.
"Hahaha wag kang hibang Rui.Pag natalo kita,akin na ang Demon Astral Gundam mo at makakalaban ko si Ryosuke sa second series ng eliminations at kapag natalo mo ako ay ibibigay ko sayo ang Translucent Gundam ko.So ano deal?" Agad naman akong pumayag sa sinabi niya.
"Deal.Bago mo makalaban ang pinsan ko,dadaan ka muna sakin" Sabi ko.
"Sige ba,yan ang gusto kong laban.Pakisabi na lang kay Ryosuke na tatalunin ko siya.So pano? Kita na lang tayo bukas sa laban natin,paalam Rui" Zephyr at umalis na ito.
Ibinalik ko ang aking mga katana sa mga lagayan nito at umalis na ako sa park.
"Hindi ako papayag na matatalo niya si Ryosuke,humanda ka sakin bukas Zephyr Kijima" Sabi ko sa sarili ko at binunot ko ang isa ko pang katana at itinutok ito kung saan ako nakaharap.
############################
Bukas na bukas ay maglalaban sina Rui Akazawa at Zephyr Kijima sa unang series ng eliminations.Mananalo ba ang Demon Astral Gundam ni Rui sa Translucent Gundam ni Zephyr ? O matatalo siya nito at makakalaban niya si Ryosuke Hirotami at ang kanyang Strike Legacy Gundam ? Abangan nyo na lang ang nakakapanabik na chapter sa Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 23: Chaotic Combat (Zephyr vs. Rui).
CoolKidz11 bro kabahan ka na sa character mo dito hahaha😂sana magustuhan mo ang story.
And thank you sa lahat ng bumasa at nagvote sa Gundam Build Fighters Legacy dahil 1k+ reads na po ito ngayon ! Salamat sa buong suporta sa story na to and sana umabot pa to ng 1M ang reads nito.Thank you po talaga thank you😊
@CyasineFritzel
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...