Chapter 32: Wild Card Selection

73 5 2
                                    

Narrator's POV

Dahil kulang ng dalawang slots para makumpleto ang top 8 sa quarterfinals,napadesisyunan ng Yajima Labs at ang council sa gunpla battle tournament na ganapin ang wild card category.

Pipili sila ng apat na gunpla fighters na natalo nung nakaraang labanan simula sa eliminations at ito ang mga gunpla fighters na kanilang napili.

1. Hachi Hikigaya
2. Rui Akazawa
3. Jin Ramirez
4. Rinkashi Kagumiya

Binase ng council at mga coordinators ng tournament ang gunpla structure ng kanilang mga gunpla at ang kanilang skills sa nakaraang mga laban kaya silang apat ang napili na maglalaban laban para makapasok sa top 8.

"Wow di ako makapaniwalang kasali pa rin ako sa tournament na to" Gulat na sabi ni Rinkashi na tila di makapaniwala.

"Ako din" Serysosong saad ni Rui.

"Congrats sa inyong dalawa Rinkashi at Rui" Bati pa ni Yumi sa dalawa.

"Salamat sa papuri" Rui.

"Makakasama ko na rin kayo sa quarterfinals" Mico.

"Buti naman at napili kayo sa wild card selection mga bata kaya pagbutihin nyo sa susunod na linggo ang laban nyo" Turan pa ni Ral sa dalawa.

"Opo" Sabay nilang tugon.

Maya maya ay lumabas na sila sa gunpla stadium dahil sa susunod na linggo pa magaganap ang wild card round para mas mahaba din ang preparasyon ng mga gunpla fighters na sasalang pa sa quarterfinals.

Napansin ni Mico na tahimik lang si Ryosuke na naglalakad kaya pinansin niya ito.

"Kanina ko pa napapansin parang kanina ka lang tahimik dyan" Pansin pa ni Mico sa binata.

"Wala may naisip lang ako" Sagot ni Ryosuke.

"Anong naiisip mo?"

"Yung black box na ibinigay ni Yumi sakin.Ano kaya ang laman nun?"

"Ehem sige ka subukan mong buksan yang black box yari ka sakin" Sabi ni Yumi.

"Oo na di ko pa yan bubuksan hangga't hindi pa ko nahihirapan sa laban ko"

"Sige na tama na ang chitchat magsiuwian na tayo malapit nang mag gabi baka mapagalitan ka ng mama mo Ryosuke" Seryosong sabi ni Ral sa kanyang estudyante.

"Opo coach uwi na po tayo.Guys bukas ulit ha?" Paalam ni Ryosuke sa kanyang mga kaibigan.

"Sige kitakits na lang" Sabi din nilang lahat at naghiwa hiwalay na silang lahat na nagsiuwian.

############################

Yeah may apat nang gunpla fighters na napili para maglaban laban sila sa wild card.Congrats sa inyo Rinkashi at Rui dahil nakapasok din kayo sa wakas,galingan nyo guys !

Abangan pa ang mga susunod na update sa Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 33: Melee Combat (Jin vs. Rui)

Pasensya na kayo kung konti lang ang nasulat ko,nag iipon pa ko sa mindset ko para sa next UD sana maunawaan nyo.



@CyasineFritzel

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon