Habang nagkukunwaring nakabantay sina Mr. Ral at Rui ay nagchichikahan pa ang dalawa.
"Natatawa ako sa sinulat mo sa mga pinatay mong guwardiya kanina" Panay tawa na sabi ni Mr. Ral.
"Wag po kayong maingay sir baka mabisto po tayo ng mga guwardiya sa loob" Sita ni Rui.
Rinig na rinig nilang dalawa ang sigawan ng mga taong nanunuod sa laban nina Ryosuke at Drasten.
"Paano natin malalaman kung sino ang nanalo sa kanilang dalawa?" Tanong ni Rui.
"Syempre papakinggan natin ang announcement ng MC sa tournament.Sana manalo si Ryosuke ngayong finals" Panalangin pa ni Mr. Ral.
"Sana nga po.Malaki ang tiwala ko sa batang yan na mananalo siya sa tournament dahil malakas ang potensyal niya bilang isang gunpla fighter dahil ang aking tito ang kanyang tanging inspirasyon para maabot niya ang kanyang pinapangarap na maging isang mahusay na gunpla builder at fighter" Saad ni Rui.
Samantala sa gunpla battle ay nawasak na nilang dalawa ni Drasten ang mga Moebius type mobile suits.
"Tinapos mo ang kalahating bilang ng mga mobile suits Ryosuke" Saad ni Drasten.
"Binack-upan lang kita dahil maglalaban pa tayo" Sabi ni Ryosuke.
Nagkaharap muli ang kanilang mga gunpla sa gitna ng isang malaking colony.
"Simulan na natin.Handa na akong talunin ka" Itinapon ng Gundam Kimaris Dracarys Whippist ang kanyang shield.Tanging ang broad sword,gungnir,at ang Hashmal tail na lang ang tanging weapon nito.
"Ganun din sakin.Hindi ako magpapatalo sa aking pinakamalupit na karibal,Drasten Freinheit" Itinapon rin ng Freedom Legacy Gundam Ignition ang shield nito sabay bunot ng beam saber.
Sabay sumugod ang dalawang gunpla at nag clash ang ito at nagkasalpukan ang kanilang mga espada.
Sa kabilang banda naman,habang nagbabantay sina Mr. Ral at Rui sa pinto ng opisina ng co-chairman ng Yajima Labs ay may naisip na naman si Rui.
"Saan kaya natin makikita si tito Ryouei?" Tanong ni Rui.
"Hindi ko alam" Sagot ni Mr. Ral.
"Tara hanapin natin ang pinaka basement ng stadium kung meron.Baka posibleng nandun nakakulong si tito" Tumakbo ang dalawa para hanapin ang pinakabasement ng stadium.
Naghanap at naghanap sila kung nasaan ang pinto papuntang basement.Mga ilang minutong paghahanap at natagpuan na nila ang pintuan ng basement.
Nakatago muna sila sa gilid ng pader dahil merong dalawang guwardiya pa ring nakabantay sa pinto.
"May naisip ako sir wait lang kayo dyan" Sabi ni Rui na tila may magandang naisip.
Unti unting naglakad si Rui sa harapan ng mga nakatokang mga guwardiya at ginawa na niya ang kanyang naisip na plano.
"Charap charap charap charap,charap mag cha-cha! Charap charap charap charap..." Sumayaw sayaw si Rui na nag cha-cha ala pambata.
"Nababaliw na ba yan? Hahaha" Guwardiya 1.
"Kulang ata sa isang untog yan" Guwardiya 2.
Sumayaw sayaw si Rui habang lumalapit ito sa dalawang guwardiya.Mukha na siyang baliw na sumasayaw na walang music kung iimaginin nyo.
"Hoy saan ka pupunta?" Parang napansin ng mga guwardiya kung ano ang binabalak ni Rui kaya sinimulan na niyang gawin ang kanyang tunay na balak.
"Sir ngayon na!" Hudyat ni Rui at sinuntok niya sa mukha ang isa sa mga guwardiya at sinipa niya ang isa.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Ciencia FicciónGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...