Ryosuke's POV
2 weeks pa naman ang second series ng eliminations at meron nang top 20 gunpla fighters na nakapasok at kabilang na ako dun pati sila Mico,Rui,at Rinkashi ay nakapasok din.Proud na proud si mama sakin kasi magaling na daw ako na gunpla fighter kaya gagawin ko ang best ko para manalo sa tournament.
Ang tanging wish ko lang naman kapag sasalang ako sa tournament ay manunuod si papa sa bawat laban ko,namimiss ko na siya eh.Sabi ni mama nasa trabaho siya overtime palagi pero 3 months nang di na siya umuuwi ng bahay at di pa tumatawag kaya labis din ang aking lungkot dahil di niya napanuod ang bawat laban ko.
Pagkatapos kong maglinis sa buong shop namin ay lumabas muna ako ng bahay dahil 4:00 na ng hapon.Doon ako nagpunta sa isang playground at dun ako naupo habang inilagay ko ang aking Strike Legacy Gundam sa tabi ko.
"Sana dumating ka na papa" Sabi ko sa aking sarili.
Habang nakatanaw sa mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada ay biglang may nagsalitang isang dalagang babae.
"Ang ganda ng gunpla mo.Ikaw ba ang gumawa nito?" Paglingon ko sa likod ko ay isang babaeng mala snow ang buhok at puro puti ang suot niyang dress habang hawak niya ang gunpla ko.
Pamilyar sakin tong pagmumukha ng babaeng to eh.Siya yung nilibrehan ko ng siopao sa may Harajuku mall nung mga nakaraang linggo.
"Teka ikaw yung nasa mall ano? Yung nilibrehan ko ng siopao" Tanong ko sa babae.
"Oo ako yun" Sagot pa niya habang ibinalik niya ang gunpla ko.
"Teka anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Kolin nga pala pangalan ko.Sorry kung di kita nasagot kahapon,nagmamadali kasi ako eh may naghahanap sakin nun"
"Ah ganun ba? Eh sino naman ang naghahanap sayo?" Tanong ko ulit.
"Manager ko" Sagot niya.
"Teka isa ka bang gunpla fighter Ryosuke?" Tanong niya sakin.
"Oo,at sumali ako sa tournament ngayon" Sagot ko naman.
"Magaling ka ata siguro ano?" Ani pa ni Kolin.
"Hindi naman masyado.By the way gusto mo gagala tayo ngayon? Tayong dalawa lang" Yaya ko pa sa kanya.
"Sige ba,di ko tatanggihan yan" Saad niya at umalis na kaming dalawa para maglakad lakad.
Kumain kaming dalawa ng siopao na paborito niya at nahiga kaming dalawa sa damuhan habang nagkukuwentuhan hanggang sa inabutan na kami ng gabi.
Bumalik kami sa park at dun na kaming naupong dalawa.
"Ang saya mo namang kasama Ryosuke,sana maulit pa to" Sabi niya habang nag blush ang mga pisngi nito.
"Sana nga" Ani ko.
Maya maya ay may narinig akong boses ng isang lalaki na parang hinahanap niya si Kolin.
"Hindi namin mahanap si Kolin Rüssfuort,kahit saang banda dito sa Tokyo di namin siya matagpuan." Sabi nung lalaki malapit sa park habang nagsasalita sa radyo.
"Ryosuke magtago tayo hinahanap nila ako" Hinila ako ni Kolin at nagtago kami sa mga puno.
Habang nasa puno kami ay bigla niya akong niyakap para hindi siya makita ng tuluyan.Ayan na naman dama ko na ulit ang mga malalambot niyang mga gelatin dahil mahigpit ang pagkakayakap niya sakin,kaya di ko rin maiwasang sumulpot ang hidden tesla ko😂
"Bakit ba tayo nagtatago?" Mahinang tanong ko sa kanya.
"Basta wag ka na lang maingay dyan" Sabi lang niya sakin at tumahimik na ko.
Maya maya pa ay nakita kami ng dalawang lalaking naka tuxedo at naka shades pa,siguro mga bodyguard to ni Kolin.
"Anong ginawa mo sa kanya bata?" Hinablot ako ng isa pang lalaki at itinulak niya ko at bumagsak ako sa may puno pagkatapos ay sinuntok niya ko sa mukha at sa katawan.
"Wag please! Wag nyong saktan si Ryosuke maawa kayo" Sigaw ni Kolin habang umiiyak ito.
Gusto ko sanang ipagtanggol siya sa mga bodyguard na naghahanap sa kanya pero di ko kaya dahil pinagtatapakan nila ako at ginulpi.
Pagkatapos nila akong gulpihin ay kinuha na nila si Kolin.
"Sorry talaga Ryosuke dahil nadamay ka,sorry" Sabi ni Kolin sakin.
"Wag ka nang magpumiglas pa,hinahanap ka na ni Dr. Brusshart dahil experimentuhan ka na naman" Sabi nung isang bodyguard at tuluyan na silang umalis at sumakay ng isang van.
Ako naman ay dahan dahang tumayo dahil sa sakit ng katawan ko dahil ginulpi ako ng dalawang guard.Chineck ko ang aking gunpla sa gunpla case at buti na lang hindi to nasira.
"Si Kolin,experimentuhan? Imposible ata yun" Bulalas ko sa sarili ko at mag isa na kong naglakad pauwi.
############################
Sino si Dr. Brusshart na sinasabi ng bodyguard na dumukot kay Kolin at bakit naman experimentuhan ang dalaga ? Pati si author nag wonder na sa mga pangyayari ha ? Abangan na lang natin ang buong istorya sa susunod na chapter ng Gundam Build.Fighters Legacy.Chapter 25: Kolin's Past.
Sensya na guys kung konti lang ang naisulat ko sa chapter na to kasi nag iipon pa ko ng ideas sa susunod na chapter eh sana maunawaan nyo ako.Vote at comment na din kayo para bilisan ko pa ang pag update.Thanks po sa inyo.
@CyasineFritzel
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...