Chapter 50: The Birth of Freedom Legacy Gundam Ignition

64 4 0
                                    

Narrator's POV

Sa Hirotami Gunpla Shop kung saan nagbabantay si Ryosuke sa kanilang tindahan ng mga gunpla ay hindi pa rin siya mapakali dahil nag aalala siya para sa kanyang ama.

Pilitin niya mang subukan na iligtas ang papa niya ay wala pa rin siyang magagawa dahil pinipigilan siya ng ina nito na si Masaki Hirotami.Ayaw niyang mapahamak ang kanyang anak pag pinuntahan niya ito kaya wala nang magagawa si Ryosuke kundi umiyak na lang at maghintay ng panibagong pag asa kung kailan niya makikitang muli ang kanyang ama.

Mga ilang sandali pa ay bumaba ang ina ni Ryosuke sa taas ng kanilang bahay.Napansin nito ang kanyang anak na nakatulala habang tinitingnan ang dating gunpla ng kanyang ama kasabay ang pagtulo ng mga luha nito.

Agad naman niya itong nilapitan para samahan ang kanyang anak.

"Ryosuke,alam kong namimiss mo na ang papa mo"

"Opo ma,sobrang namimiss ko si papa" Mahinang sambit ni Ryosuke habang nakatingin sa gunpla ng kanyang ama na nakasilid sa isang glass cabinet.

"Namimiss natin pareho ang papa mo,pero wala tayong magagawa para iligtas siya.Hindi natin alam kung ano na ang kalagayan niya doon"

"Kung may balak kang iligtas ang papa mo,wag mo nang ituloy.Mapapahamak ka lang anak" Dagdag pang sabi ng kanyang ina.

"Wala na lang ba tayong gagawin para mailigtas natin si papa? Maghihintay na lang ba tayo dito at hindi tayo aaksyon dahil mapapahamak lang tayo sa mga kamay ng Orland Wilson na yan? Buhay ni papa ang nakasalalay dito! Ayokong may mangyaring masama sa kanya,gusto ko pang makasama si papa ng matagal"  Emosyonal na sabi ni Ryosuke.

"Nauunawaan kita,malaki na talaga ang ipinagbago mo at malaki ka na Ryosuke.Meron ka nang sariling paninindigan sa sarili mo.Pero sana naman,wag ka munang magpadalos dalos sa mga plano mo.Gagawa tayo ng tamang paraan kung paano natin maibabalik ang papa mo para mabuo ulit ang ating pamilya" Saad nito.

"Pero mama tanong ko lang.Saan tayo makakakuha ng kalahating milyong yen para pangransom?" Tanong ni Ryosuke.

"Yan ang malaking problema natin.Basta wag mo nang isipin yang pera na yan,ang importante anak dapat galingan mo sa finals wag kang papatalo.Wag mong susundin ang sinasabi ni Wilson na kailangan mong magpatalo para lang sa ama mo.Isa yang gunpla battle,dapat lumaban ka sa abot ng iyong makakaya" Turan ng kanyang ina.

"Opo.Pero may problema po ako" Malungkot na sabi ni Ryosuke.

"Bakit naman? Anong problema?" Busising tanong ng mama niya.

"Hindi ko po alam kung saan ko po sisimulan ang pag aayos sa aking Strike Legacy Gundam Ignition,malubhang nasira na po ito nung naglaban kami ni Reiner McMullins kahapon sa semifinals" Sagot ni Ryosuke.

Tumakbo si Ryosuke papunta sa kanyang kwarto at kinuha niya doon ang kanyang gunpla na sirang sira galing pa nung nakaraang laban kahapon sa tournament.

"Eto po ma,sobrang nasira na po siya"

Ipinakita niya ang kanyang gunpla sa kanyang ina.

"Sobrang sira na talaga yan.Sa palagay ko medyo matatagalan ng mga isa o dalawang linggo bago pa ito makumpuni" Paliwanag nito.

"Ang tagal naman po nyan.Isang linggo na lang bago magsimula ang finals" Pag aalala pa ni Ryosuke.

"Pero kung marami ang magkukumpuni nito,siguro hindi ito aabutin ng linggo ang pagkukumpuni sa gunpla mo" Saad ng mama niya.

Mga ilang sandali ay biglang tumunog ang kanilang bell,ibig sabihin nito ay may bumukas ng pinto at may papasok na tao o customer sa kanilang shop.

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon