Rinkashi's POV
Sabado ng umaga ay nakatambay ako sa bubong ng aming bahay dahil ito ang favorite kong tambayan kung wala akong ginagawa sa bahay.Maya maya ay may tumawag sa phone ko.
(Incoming call: Rui 📞)
Kaya sinagot ko na agad ito...
"Hello" Sambit ko.
"Hello there Rin,hindi ka ba pupunta ngayon?"
"Pupunta? Saan?" Pagtataka kong tanong.
"Sa bahay nila Ryosuke"
"Ano naman gagawin ko dun?" Tanong ko kay Rui.
"Nandito nga kaming tatlo ni Mico eh ikaw na lang ang kulang"
"Bakit ano bang nangyayari dyan? Birthday ba ni Ryosuke ngayon?"
"Ugok hindi nya birthday.Magpapatulong daw siya sa'tin" Grabe naman makapagsabi ng ugok wagas.
"Patulong saan?"
"Sa gunpla niya.Ikaw tapos ka nang mag customize sa gunpla mo?" Tanong ni Rui sakin.
"Oo tapos na kahapon lang tsaka na repair ko na rin ito" Sagot ko.
"Buti naman kung ganun.Ano susunod ka na lang dito?"
"Sige susunod na lang ako dyan"
"Ok hintayin ka namin dyan babye." Inend call ko na agad ang phone ko at bumaba na ako sa bubong namin.
Nagbihis na ako at kumain ng almusal pagkatapos ay umalis na ako dala ang bagong repair na gunpla ko.
At nang nakarating na ako sa Hirotami Gunpla Shop,kung saan nandun ang bahay ni Ryosuke ay pumasok na ako.
"Tao po!" Sambit ko sa may bandang itaas ng bahay nila.
"Tuloy ka lang dito Rinkashi,naghihintay na ang mga kaibigan mo dito" Yung mama ata ni Ryosuke ang tumugon kaya agad na akong umakyat sa itaas ng kanilang bahay at ayun nakita ko silang tatlo na nag uusap.
"Rinkashi kanina ka pa namin hinihintay" Mico.
"Tulungan mo naman ako dito please" Ryosuke habang nakatitig sa kanyang Strike Legacy Gundam na nakalapag sa kanyang lamesa.
"Bakit nahihirapan ka sa pag tune ng gunpla mo?" Tanong ko.
"Medyo eh.Parang nakakaumay na kasi ang mga weapons nito eh" Sagot aniya.
"Sa palagay ko,lagyan natin to ng buster rifle tulad nung kay Rin" Mico.
"Ayoko nga! Parang masyadong mabigat yan sa gunpla ko" Ryosuke.
"Insan siguro lagyan natin yan ng double handed sword na may beam coating" Ang weird naman ng suggest ni Rui.
"Ano ka ba insan wag mong itulad ang gunpla ko sa gunpla mo.Gusto ko yung may originality ako sa gunpla ko" Ryosuke.
"Ang hirap naman nyan" Reklamo pa ni Mico.
Parang may naisip ako na idea kung ano ang irereplace na mga weapons sa gunpla ni Ryosuke kaya sinabi ko na agad ito.
"Alam ko na kung ano ang dapat na mga weapons ng Strike Legacy Gundam mo Ryosuke!"
"Ano?" Sabay na sabi nilang tatlo.
"Tanggalin mo na lang yung beam chakrams at dalawang beam pistols mo"
Sa sinabi kong yun ay nag react agad si Ryosuke.
"Bakit ko naman tatanggalin yun?"
"Palitan mo ng beam rifle na mas fitted sa gunpla mo,yung mas malakas ang firepower at accuracy nito" Galing kong mag suggest diba?
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science-FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...