Drasten's POV
Habang abala ako sa pag customize ako sa aking Gundam Kimaris Dracarys para sa darating na quarterfinals.
Maya maya ay dumating sina Clyde at Coach Peter...
"Drasten parang pursigido kang nagtutune sa gunpla mo" Sambit ni Clyde sakin.
"Hayaan mo na si Drasten,determinado siyang manalo sa tournament kaya nag focus siya ngayon para manalo" Sabi ni Coach Peter kay Clyde.
"Coach may hihingin sana akong pabor sayo" Sabi ko kay Coach Peter.
"Ano yun Drasten?" Tugon niya.
"Pwede po bang gawan nyo po ako ng panibagong parts sa gunpla ko?" Pakiusap ko sa aking coach.
"Bakit may babaguhin ka pa sa Gundam Kimaris Dracarys mo?" Tanong din ni coach sakin.
"Parang may kulang pa kasi sa mga weapons niya maliban sa gungnir at mga leg boosters at Dracarys booster"
"Bakit ayaw mo na ba sa close quarters combat?" Tanong ulit ni coach.
"Hindi naman sa ganun.Gusto ko lang maiba ang gunpla ko at para makapaghanda na rin ako sa darating na quarterfinals"
"Sige gagawin ko ang makakaya ko para manalo ka sa tournament" Seryosong saad ni Coach Peter.
"Salamat" Sabi ko sabay kuha sa aking gunpla at umalis na ako.
Reiner's POV
Sa isang condominium kung saan ay abala ako sa pagtune ng aking Gundam Cerberus hanggang sa dumating si Dr. Charles sa aking silid.
"Reiner parang abala ka ngayon sa gunpla mo ah?" Sambit niya sakin.
"Opo doc,mag quarterfinals na kasi" Sagot ko naman.
"I hope you will win this competition Mr. McMullins,siyanga pala meron akong ginawang tests kanina sa iyong gunpla at iniba ko ang mga specs nito lalo na ang accuracy at fire rate ng hyper particle beam cannon ng tatlong ulo ng gunpla mo kapag nasa lycan true form ito"
"Salamat doc" Saad ko.
"Walang anuman.Lalabas lang muna ako saglit may bibilhin lang ako" Sabi ni Dr. Charles at umalis na siya.
Ryosuke's POV
Isang araw na lang bago magsimula ang quarterfinals sa Gunpla Battle West Tokyo tournament,so bukas na pala kaya naghahanda na ako para sa aking bagong gunpla.
Naging abala na ako sa pag customize sa Strike Legacy Gundam at pinalitan ko ito ng mga parts na bigay sakin ni Sei Iori.
Apat na oras akong nagliliha,nagpaint,at nag assemble sa mga gunpla parts at natapos ko agad ang complete package.
"Hay sa wakas nakumpleto na rin kita...Strike Legacy Gundam Ignition" Sabi ko habang humihikab at nakatulog ako sa lamesa dahil sa sobrang antok.
Mga ilang oras akong natulog siguro mga tatlong oras ata.Ginising na ako ni papa ko kaya gumising na ako.
"Ryosuke anak kakain na" Pag aalalang sabi ni papa sakin.
Nakatingin si papa sa aking gunpla na siyang ikinamangha nito.
"Full package na yan lahat ah.Saan mo binili ang mga parts sa gunpla mo? Ngayon lang ako nakakita ng ganitong model sa mga Strike models" Tanong ni papa sakin.
"Hindi ko po yan binili.May nagbigay sakin ng mga parts nito" Sagot ko sa papa ko habang tinitingnan ang gunpla ko.
(A/N: Eepal muna si author ha ? Ang gunpla na nakikita nyo sa pic ay isa yang complete package gunpla ni Ryosuke at ang pangalan ng gunplang yan ay Strike Legacy Gundam Ignition,isa itong high mobility land and aerial mobile suit na konti lang ang armor pero mabilis naman sa reaction speed at mobility.Sagana din sa weapons ang gunplang ito dahil gawa to ni Sei Iori,ang dating GBWC former 2-time defending champion 5 years ago.Ginawa ni Iori ang mga gunpla parts na yan para kay Ryosuke dahil bilib siya sa kakayahan ng binata kaya ginawa niya ang mga parts na yan para sa kanya.Ang Strike Legacy Gundam Ignition ay successor ng Strike Legacy Gundam (dalawa na ang gunpla ni Ryosuke,bakit siya gumawa ng isa pang gunpla anong nakain niya ?😂) Meron ding mga malalakas na weapon ang Strike Legacy Gundam Ignition at ito ang kanyang high energy beam rifle na mas accurate ang accuracy range at mas pinalakas ang fire rate,dalawang high energy CIWS beam cannon na nakamount sa magkabilang beywang,beam coated shield na merong Absorb System,isang system na katulad ng Discharge System sa Star Build Strike Gundam na siyang hihigop sa bawat beam attacks ng kalaban at meron din itong Buster System na ididischarge lahat ng naipong beam particles galing sa shield sa pamamagitan ng beam rifle at strike funnels nito,mga strike funnels na nakaequip sa dalawang wing thrusters nito at ginagamit ito para sa suppression fire at burst attack,at dalawang beam swords na nakaequip sa itaas ng beam cannons for close ranged attack.o siya,tapos na kong mag discuss kaya balik na tayo sa story.)
"Sino ang nagbigay sayo ng mga parts na yan?"
"Sei Iori,siya ang gumawa at nagbigay ng mga parts nito"
Nang nasambit ko ang pangalang yun ay malalim na nag isip si papa.
"Sei Iori? Siya yung dating 2-time defending champion sa GBWC tournament limang taon na ang nakakalipas" Seryosong saad ng papa ko.
"Opo siya po" Sambit ko.
"Alam mo anak,proud ako sayo ngayon dahil unti unti mo nang maaabot ang mga pangarap mo bilang isang gunpla fighter.Ipagpatuloy mo lang yan at wag kang titigil na maabot mo ang pangarap na gusto mo.Kung saan ka masaya,susuportahan ka namin ng mama mo.Mahal na mahal ka namin Ryosuke"
"Salamat po papa.Mahal na mahal ko din po kayo ni mama" Sabi ko sabay yakap kay papa.
"Sige na anak kakain na tayo" Ani ni papa at sabay na kaming lumabas sa kwarto ko para maghapunan.
############################
May bago nang gunplang binuild si Ryosuke,complete package pa.Ang tanong,ano kaya ang kalalabasan sa pakikipaglaban ng bago niyang gunpla sa quarterfinals ? Yan ang pakatutukan natin.
Abangan pa ang mga susunod na update sa Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 39: Strategy Method.
Tulog na ko guys ha ? Inaantok na si author eh.Nyt😴
@CyasineFritzel
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...