Chapter 34: Flame Blast (Hachi vs. Rinkashi)

63 4 0
                                    

Rinkashi's POV

Manghang mangha ako sa ipinakitang galing ni Rui sa pakikipaglaban sa kanyang bagong gunpla.Sana ako rin maipamalas ko rin ang aking galing sa aking bagong build na gunpla ko.

Katulad ni Rui,nag build din ako ng bago kong gunpla simula nung nasira ang nauna kong gunpla nung laban namin ni Romanio Fellini at natalo ako nung mga araw na yun.

Ipapakilala ko sa inyo ang bago kong gunpla.Pinangalanan ko itong Wing Gundam Pyrotechnic Custom.Ito ang successor ng naunang Gundam Zero Flame Feder Phoenix.Meron din itong mga weapons na pinalitan ko,ito ay ang primary weapon na tinatawag kong Flame Cannon.Isa itong modified na buster rifle na mas doble ang firepower at accuracy nito kumpara sa dating twin buster rifle ng nauna kong gunpla.Dalawang beam sabers,beam coated shield,missile pods,dalawang 75-mm caliber vulcan guns na nakamount pa rin sa magkabilang balikat nito at meron itong operating system na tinatawag na ZERO system.

Ang ZERO system ay isang OS na may kakayahang i synchronize ang connection sa pilot at sa mobile suit sa pamamagitan ng brain wave impulses na magmumula sa utak ng gumagamit nito at patungo sa mobile suit data ng gunpla,kung saan ay may kakayahan itong iimprove ang pilot capabilities ng user at ma predict din ang bawat galaw at atake ng kalaban nang hindi makakasama sa utak ng tao.Pwede rin ito maging Neo-flight mode at magiging parang ibon ang Wing Gundam Pyrotechnic Custom kung kinakailangan.

"Congratulations sayo Rui at nakapasok ka na sa quarterfinals.Masaya kami para sayo" Bati ni Mico kay Rui na kakatapos lang ng kanyang laban.

"Ang galing talaga ng Diablo Astral Mefist Gundam mo" Ryosuke.

"Hindi ba ako ang magaling insan?" Rui.

"Syempre magaling ka,ikaw ang nagpilot eh hahaha" Biro pa ni Ryosuke sa kanyang pinsan.

"Teka maiba tayo,Rinkashi ikaw na ang susunod na lalaban" Paalala pa ni Rui sakin.

"Oo alam ko,at si Hachi Hikigaya nga ang makakalaban ko ngayon" Tugon ko.

"Tsaka may gagawin akong panibagong pakulo sa laban ko ngayon" Sarkastikong sabi ko sa kanila.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Ryosuke.

Ipinakita ko sa kanila ang bagong gunpla ko.

"Isang napakagandang gunpla" Bulalas pa ni Mico.

"Anong klaseng gunpla yan?" Gulat na sabi ni Rui.

"Yan ang hindi nyo alam.Yan ang pinakabago kong Wing Gundam Pyrotechnic Custom" Introduce ko pa sa kanila.

"Ang galing mo mag build ng gunpla Rin ha?" Rui na tila namamangha.

"Hindi naman.Pinaghirapan ko lang tong ibuild para sa wildcard round na ito" Seryosong saad ko.

"Oh siya,aalis na muna ako dahil may nag aabang pang quarterfinals sakin" Sabi ko.

"Sige gudluck" Mico.

"We're counting on you Rinkashi" May pa english english ka pang nalalaman Rui ha😂

Tumungo na ako sa battle arena at pumuwesto na ako.Maya maya pa ay dumating na rin ang kalaban ko.

"Nice to meet you,Rinkashi Kagumiya" Bati ni Hachi sakin.

"Same din sayo,Hachi Hikigaya" Bati ko rin sa kanya.

"Batid kong range type ang Gundam Zero Flame Feder Phoenix mo,pareho pala tayo" Seryosong sabi niya.

"Nagkakamali ka ng gunpla na minention mo" Sabi ko sabay mahinang tawa.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtatakang tanong niya.

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon