Chapter 52: The Finals

66 4 0
                                    

Drasten's POV

Ngayon na ang araw na pinakahihintay ng lahat,at yun ay ang huling laban ng dalawang natitirang magagaling na gunpla fighters na tinatawag na finals.

Habang nasa backstage sa isang silid sa gunpla stadium at nag customize ako ng konti sa aking Gundam Kimaris Dracarys Whippist.Mga ilang sandali pa ay dumating si Coach Peter.

"Drasten handa ka na ba sa finals?" Tanong ni coach sa akin.

"Oo handa na ako kaso parang kinakabahan ako ng konti" Sagot ko.

"Wag kang kabahan.Huminga ka ng malalim at isipin mo na kaya mong talunin ang kalaban mo ngayon"

"Sana nga po.Napakagaling na ni Ryosuke ngayon.Hindi na siya ang dating Ryosuke na nakilala ko"

"Kaya mo yan Drasten,sundin mo na lang ang lahat ng tinuran ko sayo" Sabi ni coach sa akin.

"Opo coach.Sige aalis na ako dahil huling laban ko na to" Sabi ko sabay labas.

Humanda ka na sa pagkatalo mo Ryosuke Hirotami.Sisiguraduhin kong magiging akin ang tagumpay.

Narrator's POV

Samantala,naghahanda na rin si Ryosuke para sa gaganaping huling laban niya kay Drasten Freinheit.

"Kinakabahan ka ba Ryosuke?" Tanong ni Yumi sa kanyang manliligaw.

"Medyo eh.Pasensya ka na kung wala akong time na manligaw sayo" Giit ni Ryosuke.

"Naku wag mo nang isipin yan.Saka na yan pag tapos na to,ang ifocus mo muna ay ang laban nyo" Saad ni Yumi.

"Salamat sa pag intindi mo sa akin"

"Tandaan mo to Ryosuke ha.Mag ingat ka sa mga hit and run attacks ng Gundam Kimaris Dracarys Whippist,lalo na ang buntot dapat maging alerto ka sa mga bawat atake niya" Turan pa ni Mico.

"Oo tatandaan ko yan" Tugon ni Ryosuke.

Mga ilang sandali pa ay may isang lalaking lumapit kay Ryosuke.

"Hoy nakalimutan mo na ba talaga ako? Porket nawala ako ng ilang buwan ganyan ka na porket nakapasok ka na sa finals"

"Takashi? Uy bakit ngayon ka lang nagparamdam?" Tanong ni Ryosuke.

"Nasa Kyoto kasi ako nagbabakasyon kaya ngayong nakauwi na ako,nandito ako para manuod sa laban mo at suportahan ka" Sambit ni Takashi.

"Salamat talaga sa pagsuporta mo sakin"

"Teka sino yang mga kasama mo Ryosuke?"

"Ahhh sila nga pala ang mga kaibigan ko.Siya si Mico...eto si Rinkashi...ang pinsan kong si Rui...coach ko,si Coach Ral...at ang future girlfriend ko na si...basta kilala mo na kaklase natin siya" Pakilala ni Ryosuke sa kanyang mga kasama.

"Ano? Nililigawan mo na si Yumi? Wow hanep ka ang bilis na ng panahon ngayon" Takashi na tila di makapaniwala.

"Guys siya nga pala ang kaklase namin ni Yumi at kaibigan ko din,si Takashi" Pakilala din ni Ryosuke sa kaibigan niya.

"Nice to meet you sayo" Sabi nilang lahat kay Takashi.

"Same din" Giit nito.

Mga ilang sandali pa ay nag announce na ang MC sa tournament.

"At eto na ang pinakahihintay ninyong lahat! Ang huling laban ng dalawang magagaling at mahuhusay na gunpla fighters at eto ang finals ng tournament!" Naghiyawan ang buong audience dahil sabik na sila sa masasaksihan nilang huling laban ngayon.

"Ang huling maglalaban ngayon sa finals ay sina Ryosuke Hirotami at Drasten Freinheit na merong mga parehong bagong gunpla.Kaya ano pa ang hinihintay natin? Simulan na ang laban!" Sabi ng MC kasabay ang sigawan at mga cheer ng mga tao.

"Ryosuke! Ryosuke! Ryosuke!" Yan ang nangingibabaw na sigaw ng mga tao na sumusuporta sa kanya.

"Ang daming nag cheer para sayo Ryosuke kaya galingan mo sa laban mo.Goodluck" Sabi ni Yumi kay Ryosuke at hinalikan niya ito sa pisngi.

"Salamat pero sana dagdagan mo pa ng isa pang kiss pero sa lips naman" Biro pa ni Ryosuke.

"Sira ka talaga.Sige na pumunta ka na sa battle arena" Ani Yumi sabay alis ni Ryosuke papuntang battle arena.

Someone's POV

Sa basement ng gunpla stadium ay nandun ang co-chairman na si Mr. Orland Wilson na nagmamasid sa bawat trabaho ng mga programmers at mga I.T. experts na nagmamanipula sa bagong Plavsky crystal sa stadium.

"Inuutusan ko kayong lahat.Iactivate nyo ulit ang Neureon system at ikonekta mo sa GP base data ni Ryosuke Hirotami at sa data ng gunpla niya" Utos ni Mr. Wilson.

"Yes sir!" Sabi ng lahat ng mga programmers at sinunod nila ang pinapautos ng kanilang co-chairman.

*fast forward*

Sa isang madilim na silid sa basement ay doon nakahandcuffs ang mga paa at kamay ng ama ni Ryosuke na si Ryouei habang nakaupo ito sa isang upuang may sandalan.

Binisita ni Mr. Wilson si Ryouei para makatiyak ito na hindi makakatakas ang kanyang bihag.

"Kumusta ka na Ryouei? Eto na ang araw ng huling laban ng anak mo sa tournament kaya panuorin mo ito ngayon" Sabi ni Mr. Wilson habang inilapag nito ang isang portable TV sa lamesa sa harapan ni Ryouei.

"Walanghiya ka! Ano naman ang ginawa mo sa anak ko hayop ka?!"

"Chill ka lang.Wala akong ginawang masama sa anak mo.Binigyan ko lang siya ng mga kaunting kundisyones" Saad ni Mr. Wilson.

"Kapag nagpatalo siya sa finals laban kay Drasten Freinheit at naibigay ng iyong mag ina ang perang hinihingi ko,pakakawalan kita at hindi na kita gagambalain pa at ng pamilya mo.Pero kung hindi ka tumupad sa usapan,sorry na lang dahil hindi ko matitiyak ang susunod kong gagawin sayo" Dagdag na sabi nito.

Walang magawa si Ryouei kundi mangigil na lang sa galit.

"Kilala ko ang anak ko.Kilala ko si Ryosuke.Kahit mahina ang kanyang loob,kahit kailan hinding hindi yan magpapatalo sa anumang labang kanyang haharapin.Kahit patayin mo man ako ngayon,magiging masaya pa rin ako na kahit sa huling sandali ng aking buhay ay nakikita ko ang aking anak na tinutupad niya ang mga pangarap niya.Pinagmamalaki ko ang anak ko at hangang hanga ako sa kanya" Sambit ni Ryouei habang nakayuko ang ulo nito.

"Masyado kang madrama.Manuod ka na lang dyan at hintayin mo na rin ang katapusan ng buhay mo.Hahahahahaha!!!" Sabi ni Mr. Wilson habang lumabas siya sa silid at isinarado ng mga guwardiyang sundalo ang pinto nito.

############################

Susundin ba ni Ryosuke ang sinabi ni Mr. Wilson alang alang sa kanyang ama ? O susundin niya ang sinabi ni Drasten na lumaban ng patas para sa kanyang ama ? Sobrang hirap magdesisyon sa lagay na yan kung ako lang ang nasa sitwasyon ni Ryosuke.

Abangan ang mga susunod na update sa Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 53: Freedom vs. Kimaris (Ryosuke vs. Drasten).

Hello sa inyo ! Natetense na ako ng konti habang nagsusulat ako dahil malapit nang magtapos ang GBFL kaya salamat sa mga nagvote,nagbasa,at nag add ng story na to sa kanilang mga reading list.Kung hindi dahil sa inyo,hindi aabot ng 2k ang reads nito.Salamat talaga maraming salamat.







@CyasineFritzel

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon