"Bwisit! Wala na ang kaliwang braso,pero I can still fight pa.Hindi ako susuko kahit anong mangyari.Akin ang labang ito!" Giit ni Ryosuke at umatake ang kanyang Wing Zero at hiniwa ng beam sword ang shield ng Gyancelot Custom ni Ikari pero agad niya itong binitiwan ang kanyang shield at agad din itong sumabog.
"Medyo alisto ka na ngayon Ryosuke,pero ganun pa rin ang istilo mo" Pagmamayabang pa ni Ikari at sinugod na niya ang Wing Zero pero lumipad ito papalayo.
"Hoy duwag lumaban ka ng patas wag mo kong takasan" Pinagbabaril ng Gyancelot Custom ang Wing Zero gamit ang kanyang sniper rifle pero nakailag naman ang Wing Zero ni Ryosuke at gumanti ang gunpla ng burst fire sa twin buster rifle pero nailagan din agad ng Gyancelot at nagdash ito papalapit sa gunpla at hiniwa ng beam sword ang twin buster rifle ng Wing Zero at binitiwan ito ng gunpla at sumabog.
"Shit!" Napamura na lang si Ryosuke at humugot ang Wing Zero ng beam sword at nag fencing na ang dalawang gunpla.
"Matatalo din kita Ikari.Hindi ako susuko sa pangarap ko,gagawin ko ang lahat para maging isang magaling at malakas na Gunpla fighter!" Humampas ang Wing Zero ni Ryosuke ng beam sword at nag evade ang Gyancelot Custom ni Ikari.Sa bilis ng mobility ng gunpla ni Ikari ay nag dash ang Gyancelot at pinutol niya ang kanang braso ng Wing Zero ni Ryosuke at sinipa niya ang gunpla at bumagsak ito sa lupa.
"Walangya ka Ikari!" Sabi ni Ryosuke habang pilit na ginagalaw ang mga round D-pad controls para patayuin ang kanyang gunpla pero di na ito makatayo dahil wala na ang mga braso nito.
"Hahaha! Katapusan mo na ngayon Ryosuke.Kung ako sayo,mag quit ka na lang sa Gunpla battle,dahil hindi ka karapat dapat maging gunpla fighter kailanman" Huling sabi ni Ikari at lumapit na ang kanyang Gyancelot Custom sa well-damaged na Wing Zero at itinusok ng kanyang beam sword ang dibdib na bahagi ng Wing Zero at lumalabas na ang mga spark ng kuryente na galing sa gunpla.Lumipad palayo ang Gyancelot Custom sa Wing Zero at sumabog na ito.
Boooogggggssssh!
"Battle Ended" Sabi nung computer sa battle system at mabilis na nawala ang mga Plavsky particles.
"Hahaha! Talunan ka pa rin,next time dapat bagu baguhin mo na.Akin na ang Gunner Zaku na naging usapan natin bago tayo maglaban" Iniabot niya kay Ikari ang isang box ng Gunner Zaku na gunpla at umalis na siya pagkatapos makuha ang kanyang gusto.
"Siguro hindi talaga ako karapat dapat na maging isang gunpla fighter" Sabi nito sa kanyang sarili habang hawak niya ang nasirang gunpla.Nilinis ni Ryosuke ang kalat sa battle room at lumabas siya at isinarado niya ang pintuan nito.
Sa counter ng kanilang tindahan ay napansin ng kanyang inang si Masaki ang pinta ng mukha ni Ryosuke kaya nilapitan nito ang anak.
"Ryosuke ayos ka lang ba?" Tanong nito sa anak.
"Ayos lang ako Ma,kaso natalo ako sa gunpla battle kanina kay Ikari.Siguro hindi talaga nababagay sakin ang gunpla at ang gunpla battle" Sabi ni Ryosuke sa kanyang ina.Banaag sa kanyang mga mukha ang lungkot na nadarama kaya pinatatag ni Masaki ang loob ng anak.
"Anak wag kang magsabi ng ganyan.Alam kong magaling kang gunpla builder at fighter,manang mana ka sa papa mo.Kung ano ang nararamdaman sa puso mo,yun din ang sundin mo.Follow your heart and follow your dreams to win to the top.Ikaw ang magbubuklod ng legacy sa ating pamilya bilang mga gunpla fighters sa susunod pang mga henerasyon kaya cheer up na Ryosuke,tuparin mo kung ano ang gusto mong makamit at susuportahan ka namin.Mahal na mahal ka namin ng papa mo anak" Niyakap ni Ryosuke ang kanyang ina at napaluha na lamang siya dahil sa mga sinabi ng kanyang ina sa kanya.
"Teka lang Ma,may naisip ako" Giit ni Ryosuke na tila may malalim na iniisip.
"Ano yun anak? Parang nag level up ka na ah"
"Gagawa ako ng sarili kong gunpla,yung mas malakas pa kesa sa lahat ng mga gunpla dito sa Tokyo.Salamat sa comfort Ma punta na ako sa kwarto ko!" At patakbong umalis si Ryosuke at tumungo sa kanyang kwarto para gumawa ng kanyang sariling gunpla.
"Gagawa ako ng sarili kong gunpla,at papatunayan ko sa kanilang lahat na ako ay magiging pinakamagaling na gunpla fighter sa buong mundo! Yes puno na ako ng mga inspirasyon at tiwala sa sarili...kaya sisimulan ko na ang paggawa!" Kinuha niya ang lahat ng mga kagamitan sa paggawa ng gunpla at nagsimula na siyang gumawa.
#######################
Ano kayang gunpla ang igagawa ni Ryosuke ? Abangan nyo na lang ang next update hehe medyo matatagalan ko pa ang pag UD sa story ko na to kaya sana maunawaan nyo😊Abangan sa susunod na chapter ng Gundam Build Fighters Legacy Chapter 3: The Birth of the New Legacy
Hanggang sa susunod po na update bye😃✋mwah !😘
@Cyasine Fritzel
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...