Romanio's POV
Sa kalagitnaan ng gunpla battle ay may nakasagupa na naman akong gunpla fighter.Ang kanyang gunpla ay isang Freedom Gundam kaya medyo nahihirapan akong talunin ito dahil sa high mobility na disenyo ng kanyang gunpla.
Muntik ko nang malimutan,magpapakilala muna ako.Ako nga pala si Romanio Fellini,oo tama ang nabasa nyo,Fellini ang apelyido ko.19 years old at ako lamang ang bunsong kapatid ni Ricardo Fellini na dating sumali sa Gunpla World Battle Championship 7 years ago pero di siya nanalo dati dahil natalo siya ni Aila Jyrkiäinen sa semi finals.Dahil umuwi na siya sa Italy,ako naman ang pumunta rito sa Japan para sumali sa papalapit na Gunpla Battle West Tokyo Qualifiers.Ang bagong gunpla ngayon ni kuya Ricardo na parang babae at ang pangalan ng kanyang gunpla ay Wing Gundam Fenice Rinascita at siya din ang gumawa sa gunpla ko at ang pangalan nito ay Wing Gundam Transcend.
(Author's Note: XXXG-O1Wt Wing Gundam Transcend ay isang gunpla na kasingdisenyo ng Wing Gundam Fenice.Meron itong kulay na puti,stripes na blue at green na hinaluan ng yellow at red sa mga pakpak ng transcend.Armado ito ng beam swords,twin buster rifles tulad ng Wing Zero,four packed 45-mm machine cannon na nakamount sa mga balikat nito,anti beam coated beam shield for better protection para sa beam attacks at vernier leg and back thrusters para sa high speed flight and additional mobility.Meron din itong self destruct system na naka overload sa system ng gunpla kung sakaling wala nang paraan na maisip ang user kung paano niya tatalunin ang kalaban o para hindi ito magapi ng kalaban,suicide attack kumbaga.)
Balik na tayo sa story.Canyon nga pala ang battlefield namin at tinitira ako ng Freedom ng beam rifle at umilag naman ako habang lumilipad sa ere ang aking Wing Transcend.Tumira rin ako gamit ang aking twin buster rifle sa Freedom pero mabilis agad itong nakailag,grabe ang bilis talaga niya.
"Mabilis ka rin ha" Sabi ko na tila bilib na bilib.
"Mas mabilis pa ako sayo.Ngayon katapusan mo na!" Sigaw nung matanda at muling tumira ang kanyang Freedom ng beam rifle pero nasalag ko iyon ng aking shield.Nagpalitan kami ng mga tira at sa huli ay natamaan ko ang mga pakpak ng Freedom at bumagsak ito sa lupa.
"Bwisit! Hindi maari to.Tatalunin kita Romanio humanda ka sakin" Pilit niyang itinayo ang kanyang gunpla pero natutumba ito dahil damaged na ang isang binti nito.
Ipinuwesto ko ang aking Wing Transcend sa pinakatuktok na bato ng canyon malapit sa Freedom at itinutok sa kanya ang aking twin buster rifle habang nakabuka ang kanang pakpak ng aking gunpla.
"Kahit anong high grade gunpla pa ang gamitin mo,kapag bobo ang gumamit ay wala pa ring saysay ang high grade quality ng isang model.Matanda ka na sana dapat pang beterano na dapat ang skills mo,pero parang simulation mode lang ang skills mo sa laban natin ngayon.Kaya dapat sa susunod,galing galingan mo kasi para di ka matalo talo.Salamat sa magandang laban,grazie" Pagkatapos kong magsalita at pinagbabaril ko na ang Freedom hanggang sa ito'y sumabog.
Boooogggssshhh!
"Battle Ended" Pagkatapos naming maglaban ay nakita ko ang kanyang gunpla na basag talaga ang buong katawan nito dahil sa natamong severe damage sa laban kanina kasi sa A namin sinet ang model damage level kaya nung natalo siya ayun sira na gunpla niya.
Umuwi na ako pagkatapos ng nakakapagod na laban.Haay kelan pa magsisimula ang Gunpla Battle West Tokyo Qualifiers? Naiinip na ako talaga.
#######################
Ryosuke's POV
Sabado ngayon at walang pasok kaya ako na ang nagbabantay ng aming shop.Maya maya pa'y may bumukas sa pinto ng shop.
"Ryosuke! May good news ako sayo" Anak ng tinapa! Ikaw lang pala yan Takashi.
"Ano na naman yan?" Tanong ko na tila naiirita na habang nagtatanggal ako ng mga abo sa mga paninda naming mga gunpla plastic models.
"Diba nag register ka dun sa Gunpla Battle West Tokyo Qualifiers?"
"Oo.Bakit naman?"
"Kabilang ka na sa mga sasali sa tournament!" Sabi niya at ipinakita niya sakin ang isang flyer na may mga lista ng mga pangalang sumali sa kumpetisyon at kasali na rin ang pangalan ko.
"Tama nga! Salamat talaga Takashi"
"No problem basta ikaw" Sabi naman nito at nag handshake kami.Matagal na kaming magkaibigan ni Takashi mula pa nung pagkabata kaya close kami hanggang ngayon kahit medyo may pagka tarantado din ito minsan.
"May request sana ako sayo"
"Ano yun Ryosuke?" Ani Takashi habang tinitingnan ang mga gunpla collections ko sa may glass shelf.
"Pwede mo ba akong samahan bukas sa grand opening ng G-NATION? Wala kasi akong kasama eh"
"Pag iisipan ko...bukas ng umaga mangingisda kami ni papa ko pero uuwi kami ng tanghali.Anong oras ka pupunta ng G-NATION?" Tanong ni Takashi sakin.
"Bukas ng tanghali.Ano sama ka ba?" Yaya ko pa.
"Sige may free time ako dyan.Kita na lang tayo sa may park bukas ng tanghali.Paano Ryosuke alis muna ako" Lalabas na siya ng shop pero nakalimutan niyang buksan ang glass door namin kaya nabangga siya dun sa pinto at dumikit ang kanyang mukha dun.
"Aray...akala ko ba bukas na ang pinto" Sabi pa nito habang nakadikit pa ang kanyang mukha sa glass door.
"Ayan kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo.Hindi mo ba nakita ang karatula dyan sa harapan mo na GLASS DOOR BE CAREFUL?" Tarantado ka talaga kahit kailan Takashi.
"Hindi ko kasi nakita eh.Sige alis na ako" Binuksan na niya ang pinto at umalis na siya sa shop.Ako na lamang mag isa at nagpapagpag ako ngayon sa mga paninda naming mga gunpla plastic models.Habang naglilinis ay tiningnan ko ang aking Strike Legacy Gundam na nakadisplay sa aking counter.Wag kang mag alala,pupunta ako sa G-NATION bukas para bibili ng mga spare parts mo.1 week na lang at magsisimula na ang Gunpla Battle West Tokyo Qualifiers.
#######################
Vote at comment lang kayo sige pa damihan nyo pa para mag update pa ako ng mas mabilisan.Abangan nyo ang susunod na chapter ng Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 8: Unexpected Encounter.Hanggang sa susunod na update bye !
@CyasineFritzel
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...