Narrator's POV
Namasyal sina Yumi at Ryosuke sa Gunpla Mania na naganap sa isang malaking park sa West Tokyo.
Nagbuild silang dalawa ng gunpla,tinuruan ni Ryosuke si Yumi kung paano maglaro at makipaglaban sa gunpla battle,at kumain ng mga snacks at delicacies galing sa minoldeng tinapay na disenyong gunpla.
At nang sumapit ang tanghaling tapat ay bumalik na ang tatlong kasama nila ni Ryosuke at napagpasyahan nilang mananghalian sa isang maliit na restaurant na nakadisplay sa may kabilang banda ng Gunpla Mania.
Habang kumakain...
"Ang saya nung laban natin Mico hahaha!" Rinkashi.
"Oo eh pero natalo kita,ang lampa mong gumamit ng Gundam Bael" Ani Mico.
"Hindi ah! Sadyang di ko lang inayos ang paglalaro natin" Katwiran pa ni Rinkashi.
"Lampa ka lang talaga.Matatalo ka nyan sa close combat pag di ka marunong makipag mano mano sa kalaban mo,mas importante pa yan kesa sa mga beam rifles,sniper rifles,at mga buster rifle" Turan pa ni Mico.
"Paano kung wala ka nang weapon sa gunpla mo? Ang natatanging sandata mo na lang ay ang beam sword o ang mga braso at binti na lang ang tanging pag asa mo kaya mas mainam na mas matuto ka sa close quarters combat" Dagdag pa niya.
"Tama si Mico,dapat mong matutunan yan sa panahon ng kagipitan" Dugtong pa ni Rui.
"Kung wala ka na talagang choice,kumanta ka na lang ng ganito...🎵Kung wala ka nang maintindihan.Kung wala ka nang makapitan.Kapit ka sa akin,kumapit ka sa akin.Hindi kita bibitawan!🎵" Sabi ni Mico sabay kanta.
"Grabe nakakakulili ka sa tenga kang kumanta" Reklamo pa ni Ryosuke.
"Hahaha umeefort lang ano ka ba.Teka tapos na ba akong kumain? Kumanta na kasi ako eh" Mico.
"Oo ikaw pa nga nag ubos sa sushi" Sabi ni Rinkashi.
"Hahaha pasensya na.Ngayon lang ako makakain ng mga Japanese foods,remembrance ko na lang to bago ako umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng tournament" Kwento pa ni Mico.
Mga ilang minuto pa ay tapos na silang kumain.Maya maya ay sama sama na silang namasyal sa buong Gunpla Mania at nilibot libot nila ang buong paligid nito.
"Rui merong mga video game corner dito oh.Akala ko wala tong mga to eh" Yaya pa ni Mico.
"Sige ba! Tara Rin sama ka sa'ming maglaro" Yaya din ni Rui sa kaibigan.
"Sige ba,maglalaro ako ng EOPH dyan"
"Ako din,maglalaro din ako ng DWO ngayon magpaparank up lang ako saglit" Sabi pa ni Rui.
"Sa CFO ko magpaparank up din ako,sadyang napabayaan ko na din account ko nun" Ani pa ni Mico.
"Grabe kayo mga adik sa online games" Saad pa ni Ryosuke sa tatlo.
"Bakit hindi ka ba sasama sa'min?" Tanong pa ni Rui sa kanyang pinsan.
"Hindi na,walang kasama si Yumi eh.Idedate ko pa to" Ryosuke sabay holding hands kay Yumi.
"Date ka dyan" Sabat pa ni Yumi.
"Sige pasok na kami dun.Goodluck sa date nyo,pero wala pa ring forever!" Sigaw ni Mico sabay pasok sa video game corner.
Sumunod na din sina Rui at Rinkashi.
"Paano Yumi tayo na namang dalawa ang naiwan dito,pasyal pa tayo?" Yaya pa ni Ryosuke.
"Gusto ko munang magpahinga.Dun muna tayo maupo sa may bench oh,sa may ilalim sa puno"
Nagpahinga muna ang dalawa at dun na naupo sa may malaking bench sa ilalim ng puno.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Ficção CientíficaGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...