Ryosuke's POV
Tanghaling tapat na at tumambay muna ako sa park at naupo muna ako sa bench gaya nang napag usapan namin ni Takashi kahapon.Mga ilang sandali lang ay nandito na si Takashi na bihis na bihis with his black T-shirt na may checkered polo at naka jeans pa ito.Sa G-NATION tayo pupunta para mag shopping hindi para sa mga chicks.
"Sputting ka ngayon Takashi ah" Kantyaw ko pa sa kanyang pananamit.
"Syempre para gwapo tingnan at para dumikit sakin ang mga chikababes" Gago ka talaga puro lang babae ang nasa utak mo.
"Tara na nga! Baka nagsimula na ang grand opening" Tumakbo kaming dalawa papuntang G-NATION dahil grand opening ngayong araw na ito.Mga ilang minuto ay nakarating din kami sa wakas pero hingal na hingal kami dahil sa pagmamadali.
"Wow! Ang laki pala ng mall na to" Manghang mangha si Takashi habang nakatanaw siya sa gusali.
"Tara na pasok na tayo.Kakaputol lang ng ribbon sa pintuan ng G-NATION" Sabi ko at patakbo kaming tumungo papunta sa loob ng mall.Pagpasok namin ay may lumapit sa'min na isang magandang binibini.
"Hello sir welcome to G-NATION" Bati sa'min nung magandang binibini na guwardiya sa mall.Sa ground floor pa lang ay dagsa na ang mga tao sa loob ng mall at puno rin ng mga exhibits,karamihan dun ay mga gunpla memorabilla at mga gunpla plastic models na nakasilid sa may glass canister.
"Saan yung gunpla section?" Pagtataka ko dahil ngayon lang ako nakapasok sa mall na to at ngayon lang din to nagbukas eh.
"Ryosuke merong directory dito" Sabi ni Takashi sa may malayo habang nakatingin sa isang malaking parang legend map ng buong mall pero directory ang tawag dun.
"Dito sa second floor tara!" Para kaming mga taga bundok na tumatakbo sa buong aisle ng mall at pumunta kami sa elevator at pinindot ni Takashi ang number 2 button ng elevator at nag lift ito pataas sa second floor.
Ting!
Agad na bumukas ang sliding door ng elevator at lumabas na kami at andito na kami sa second floor ng mall.Si Takashi naman na gago ay parang bata na nakatingin sa view dun sa may malaking glass window ng mall at tanaw talaga ang buong tanawin sa labas pati na rin ang Mt.Fuji.
"Ryosuke! Ang ganda ng view oh" Parang ngayon ka lang nakakita ng magandang view eh common lang naman yan dito sa Japan,ignorate ka talaga.
"Ewan ko sayo! Maiwan muna kita bibili lang ako ng mga parts sa gunpla" Umalis na ako at iniwan si Takashi dyan na nakatanaw sa glass window.
Sa kada aisle ng mall ay madaming mga box ng gunpla plastic models ang nakadisplay sa bawat dadaanan mo.Marami ka talagang pagpipilian,tsaka meron na ring mga SD Gundams,o mga gunpla na maliliit na nasa 3.6 inches lang ang haba.
Kumuha ako ng isang box ng Strike Gundam para sa spare parts ng aking Strike Legacy Gundam at pumunta ako sa counter ng mall para bilhin ito.Pagkatapos kong bilhin ang gunpla ay nagtanong ako sa sales clerk ng mall.
"Meron po bang building section dito?" Tanong ko sa sales clerk na lalaki na may mahabang buhok at balbas.
"Oo bata meron.Nandito lang sa gilid ng gusaling ito.Tsaka kung gusto mong itesting at isalang sa laban ang iyong bagong gawang gunpla ay merong battle section sa tabi ng building section.Kung di ka pa marunong gumawa at mag build ng gunpla ay meron namang tutor na pwedeng magturo sayo kung papaano mag build ng iyong sariling gunpla" Sabi nung sales clerk.
"Sige po maraming salamat" Bumalik ako sa kabilang aisle ng mall at pumili ako ng mga gunpla na pwede kong i build para sa katuwaan lamang.Kaya pumili ako ng gunpla na mas hiyang ako sa mga features at performance at ang napili ko ay ang Gundam Gusion Rebake Full City na gunpla.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Ciencia FicciónGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...