3rd Person's POV
Sa Plavsky crystal center kung saan nandoon si Mr. Wilson na nagmamasid sa bawat trabaho ng mga developers at I.T. engineers sa Yajima Labs.
Mga ilang sandali pa ay may iniutos si Mr. Wilson.
"I activate nyo ang Noumenon System sa data ng gunpla ni Ryosuke Hirotami,siguraduhin nyo na 100% nakakonekta ang kanyang senses sa kanyang gunpla para kung sakaling magtamo ang kanyang gunpla ng kaunti o malaking damage ay masasaktan siya kahit pilot lang siya ng kanyang gunpla,maliwanag?"
"Yes sir!" Tugon ng mga developers at mga I.T. experts at sinunod na nila ang sinabi ng co-chairman.
"Tingnan natin kung hanggang saan ang kakayanin mo Ryosuke" Ani Mr. Wilson kasabay ng kanyang nakakakilabot na halakhak.
Ryosuke's POV
Sa battle arena ay nauna na akong pumuwesto para maghanda sa laban namin ni Reiner McMullins.
Natatandaan ko pa ang mga tinuran sa akin ni Mico.
"Hindi lang lakas,firepower,accuracy,at sensor rate ang importante sa gunpla battle.Mas importante ang mobility,reaction speed,at evasion rate para mas magtagal ang iyong gunpla sa laban.Alam kong pinakamalupit mong kalaban si Drasten Freinheit,kaya galingan mo kung sakaling maglaban kayo sa finals at galingan mo din sa laban nyo ni Reiner McMullins mamaya"
"Naintindihan ko na" Sabi ko sa aking sarili habang hawak ko ang aking Strike Legacy Gundam Ignition.
Mga ilang sandali pa ay dumating na ang katunggali ko na si Reiner.
"Nararamdaman ko na ako ang susunod na makakaharap kay Drasten Freinheit sa finals" Kumpiyansang sabi ni Reiner.
"Wag kang pakasiguradong mananalo ka sa laban natin" Seryosong saad ko.
"Hahaha natalo ko na ang iyong ama sa championship dati kaya ikaw na isusunod kong dudurugin,Ryosuke Hirotami"
Hibang talaga siya na talunin ako sa semifinals.Hindi man lang ako natinag ng konti sa mga pinagsasabi niya.
"Sige simulan na natin" Sabi ko kasabay ang pag on ng battle system.
"Gunpla Battle Combat Mode Startup.Model damage level set to A"
"Please set your GP Base"
"Beginning Plavsky particle dispersal"
"Field 6: Desert"
"Please set your Gunpla"
"Battle Start" Nagsimula na ang laban namin kaya nauna na si Reiner na mag launch.
"Reiner McMullins.Gundam Cerberus,launch!"
Pagkatapos niyang ilaunch ang gunpla niya ay sumunod naman ako.
"Ryosuke Hirotami.Strike Legacy Gundam Ignition,launch!"
Pagkatapos kong ilaunch ang gunpla ko ay lumanding na ito sa isang malawak na disyerto.
Tsssiiiwwwww!!!
Blinock ko ang beam attack na yun gamit ang aking shield pero napaatras nito ang gunpla ko ng konti sa sobrang lakas ng pwersa ng tira ng Gundam Cerberus.
"Alerto ka rin pala Ryosuke hahaha! Saktong sakto din sakin ang lugar na to" Sabi ni Reiner na tila kampanteng mananalo siya sa akin.
Tumira siya ng isang napakalakas na hyper beam particle cannon galing sa dibdib nito kaya naman ay nag evade na ako paatras at antimanong lumipad paitaas para gumanti sa pagbaril gamit ang beam rifle.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...