Chapter 17: Demon vs. Angel (Keith vs. Rui)

159 14 2
                                    

"Umalis ka na dito Rinkashi.Ako na ang bahala sa gunggong na to,laban ko to" Pakiusap ko kay Rin.

"Sigurado ka Rui? Sige aalis na ako talunin mo siya ha? Maghihintay ako sayo sa elimination" Saad ni Rin at lumipad na ang kanyang gunpla palayo sakin.

"Hindi ka pwedeng umalis!" Tumira ang kalaban ng kanyang sniper rifle pero dineflect ko yun gamit ang aking katana at tumama sa ibang direksyon ang kanyang beam imbes kay Rin sana tatama.

"Magaling ka rin pala,Rui Akazawa" Teka paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Simulan na natin to!" Sabi ko sabay sugod ko sa aking kalaban.

Keith's POV

Naunang sumugod si Rui at bumunot siya ng katana pero nasalag ko naman ito gamit ang aking dalawang beam sabers.

"Mukhang magiging maganda ang laban na to" Sabi ko kay Rui.

"Patikim pa lang ito ng kakayahan ko.Isa akong demonyo at ihahatid ko ang gunpla mo sa impiyerno at ang aking Demon Astal Gundam ang tatapos sayo!" Itinulak niya ang Astral Gundam ko at nag espadahan ang aming mga gunpla.

Demon Astral Gundam,yan ang pangalan ng unit ng kanyang gunpla.Tama nga ang hinala ko,halos kapareha ko ng unit ang gunpla ko at ang gunpla niya pero kahit tablado kami sa laban na to ay ibubuhos ko lahat ng mga makakaya ko para matalo siya.

Tsing! Zap! Tsing! Zap! Tsing! Tunog ng mga nagsasalpukan naming espada.

Aaminin ko,magaling siya sa close combat.Timing na timing niya ang reaction speed ko kada atake pero di niya malulusutan ang evasiveness ko,salamat sa Stinger system dahil mas mabilis ang mobility ng gunpla ko sa ere.

"Hanggang dyan lang ba ang kaya mo Rui?!"

"Nagsisimula pa lang ako hayop ka.Gerbara slash!" Ikinumpas niya ang mga katana niya at lumikha ito ng mga maliliit na letter C na waves galing sa espada nito at ang lahat ng mga sword wave ay paparating sakin.

Umilag ako sa mga sword waves at hinarangan gamit ang aking shield pero nasira agad ito dahil sa lakas ng pwersa ng kanyang sword wave.

Patuloy pa rin siyang nagpapakawala ng mga sword waves at umilag ilag naman ako at may blinking effect din ako kaya mabilis kong na evade ang mga waves na yun.Pagkatapos ay lumipad ako ng paitaas at binaril ko siya ng dalawang beam cannons.

Pagtira ko ng mga beam particles galing sa beam cannons ko ay sinalag ng Demon Astral Gundam gamit ang mga espada nito at pinorma niya ito ng letrang X at lumihis ang mga beam particles sa ibang direksyon.

"Anong?!" Gulat kong reaksyon nang nakita ko na walang damage na natamo ang gunpla ni Rui.

"Kilala ko na kung sino ka,ikaw si Keith Johannes na taga America tama?" Nalaman mo rin sa wakas ang pangalan ko.

"Oo ako nga.Ang weak mo Rui hanggang dyan ka na lang" Pangmaliit ko pang sabi sa kanya.

"Tingnan lang natin kung sino sa'tin ang weak" Tinira ko siya ng beam rifle pero dineflect lang niya lahat yun gamit ang kanyang mga espada.

Parang nakita ko na yang ganyang tactic sa pakikipaglaban,katulad din ito sa naganap na laban nina Nils Yajima at Sei Iori 8 taon na ang nakakalipas.Gamit ang kanyang Sengoku Astray Gundam ay merong high output beam coating ang mga katana nito at dinesenyo para mag alterate at mag deflect ng mga beam particles ng mga weapons sa kalaban.At ang particle energy na naipon ng katana dulot ng na deflect na charged particles ay lumilikha ito ng mga sword waves.

Ngayon alam ko na kung bakit nakikipagsabayan sa ranged combat ang Demon Astral Gundam ni Rui,parang wala na talagang silbi ang mga ranged weapons ko.

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon