Chapter 40: The Quarterfinals

63 5 0
                                    

Narrator's POV

Pagkatapos matalo ni Ryosuke sa kanyang unang laban kay Drasten ay nakahanap siya ng butas sa kanyang pinakamalupit niyang karibal sa tournament.

Habang nag aayos siya sa nasirang Strike Legacy Gundam ay biglang may tumawag sa kanyang cellphone kaya sinagot niya ito.

"Hello" Sambit niya.

"Ryosuke balita ko nakipaglaban ka kanina kay Drasten sa Gunpla Mania" Saad pa ni Rui galing sa linya.

"Oo bakit?" Tanong ni Ryosuke.

"Nanuod ako saglit dun pero di ko na lang kita tinawag nun dahil tila focus ka kanina sa laban" Giit nito.

"Ah ganun ba? Pero nagpatalo ako sa kanya" Sabi ni Ryosuke na siyang ikinagulat ng kanyang pinsan.

"Ano?! Nagpatalo ka sa Drasten na yun? Bakit mo naman ginawa yun? Sana dinurog mo na lang ang gunpla niya kanina" Gulat na reaksyon ni Rui.

"Hindi naman tournament yun para aking seryosohin ang laban.Sa halip,may nakita na akong weakspot sa fighting style niya at sa kanyang gunpla" Ryosuke habang nag tune na naman sa kanyang Strike Legacy Gundam Ignition.

"Tuso ka pa rin talaga kahit kailan insan"

"Ganyan talaga pag naghahanap ka ng strategy at paraan para matalo mo ang iyong kalaban"

"Tama ka nga" Sang ayon pa ni Rui.

"Ikaw insan handa ka na ba bukas sa quarterfinals" Tanong ni Ryosuke.

"Oo handa na ako.Sige na matutulog na ako magkita na lang tayo sa tournament bukas"

"Okey sige bye" Ryosuke sabay end call sa kanyang phone.

Napatingin siya sa kanyang bagong ayos na Strike Legacy Gundam at kinuha ito.

"Magpahinga ka muna Strike Legacy Gundam,salamat sa lahat" Sabi ni Ryosuke at inilagay niya ang kanyang gunpla sa kanyang drawer.

*fast forward*

Sa gunpla stadium...

Maingay ang buong paligid ng stadium dahil sa mga maraming manunuod na nag aabang para sa quarterfinals ng tournament.

"Grabe ang ingay nila parang nasa tupada tayo" Reklamo pa ni Rinkashi sabay takip ng kanyang tenga.

"Mukhang mas maaksyon na ata ang quarterfinals" Saad pa ni Mico habang bitbit niya si Kring.

"Guys wag kayong kabahan sa laban natin.Kung sakaling magkataon na maglalaban tayong apat kahit sino sa'ting apat,wag nyong kakalimutan na magkakaibigan tayo lalo ka na Ryosuke" Bilin pa ni Rui sa kanilang tatlo.

"Oo walang samaan ng loob" Ani ni Ryosuke..

"Sports lang tayo dito,manalo man o matalo" Rinkashi.

"Kayong apat goodluck sa laban nyo" Sabi ni Yumi sa kanilang apat.

"Oo" Sabi nila.

"Ryosuke,concentrate lang sa laban at wag kang panghinaan ng loob katulad ng dati.Tandaan mo lahat ng itinuro ko sayo" Turan pa ni Mr. Ral sa kanyang estudyante.

"Opo coach" Tugon ni Ryosuke.

"Tiwala ako sayo na mananalo ka sa quarterfinals,at sa inyong tatlo dyan goodluck sa inyo" Sabi ni Mr. Ral sa kanilang tatlo.

"Opo!" Sabay sambit nila.

Mga ilang sandali pa ay lumapit si Romanio kay Ryosuke.

"Hindi ko akalain na nakalusot ka pa rin dito.Tandaan mo pag ako ang nakalaban mo,sisiguraduhin kong hindi ka mananalo" Ani ni Romanio sabay alis.

"Gusto mo suntukin ko yun insan? Ang yabang yabang eh kung makaasta akala mo kung sino" Gigil na sabi ni Rui habang nakakuyom ang mga kamao nito.

"Wag mo nang pansinin yan.Siguro may dynamo na utak nyan" Giit ni Ryosuke.

"Hahahaha! May dynamo ang utak hahaha" Panay halakhak pa ni Rinkashi.

Mga ilang sandali pa ay natahimik na ang buong stadium dahil nag announce na ang MC o announcer ng tournament.

"Welcome sa quarterfinals stage ng Gunpla Battle West Tokyo tournament.Sa dating 100 na gunpla fighters na sumali ay 8 magagaling na lang na mga gunpla fighters ang magtatagisan para sa top 4 sa susunod na semifinals.Congratulations sa mga top 8 na nakapasok sa quarterfinals" Sabi nung MC kasabay ng pagpalakpak ng mga audience sa stadium.

"Eto ang mga maglalaban laban ngayon sa quarterfinals" Sabi ulit ng MC at lumabas sa isang malaking screen ang lineup kung sino ang maglalaban laban sa tournament.

1st Match: Mico Andrade vs. Rinkashi Kagumiya

2nd Match: Ryosuke Hirotami vs. Romanio Fellini

3rd Match: Mixhi Glaire Roenfeit vs. Drasten Freinheit

4th Match: Reiner McMullins vs. Rui Akazawa

"Kami nga ni Romanio ang maglalaban" Sambit ni Ryosuke habang nakatingin sa screen.

"Kami? Kami ni Mico maglalaban?" Gulat na reaksyon  ni Rinkashi na parang hindi makapaniwala sa kanyang nakita.

"Mukhang mahirap tong makakalaban ko ngayon" Rui habang nangigigil sa galit.

"Sa 1st match ay magsisimula na ang laban nina Mico Andrade laban kay Rinkashi Kagumiya.Pumuwesto na kayo sa battle arena" Mention pa nung MC sa mga unang lalaban.

"Mico pare walang hard feelings ha? Kung sino man ang mananalo sa atin dapat kaibigan pa rin tayo" Ani ni Rinkashi sa kanyang kalaban.

"Wag kang mag alala Rin di ko makakalimutan yun basta ibuhos mo lahat ang kakayahan mo sa laban natin" Saad pa ni Mico.

"Tama na ang drama nyong dalawa.Pumuwesto na kayo dun" Ani ni Mr. Ral sa dalawa at pumunta na silang dalawa para pumuwesto sa battle arena.

Nag on na ang battle system at nagsimula na ang battle sequence.

############################

Yes nagsisimula na ang quarterfinals at magsisimula na din ang laban nina Mico at Rinkashi.Sino kaya ang mananalo sa kanilang dalawa at makakapasok sa semifinals ?

Abangan ang mga susunod na updates sa Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 41: Friendly Match (Mico vs. Rinkashi).

Hit vote naman kayo at comment kung nagustuhan nyo po ang story.Pasensya na kayo sa matagal na UD.



@CyasineFritzel

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon