Lieutenant Ral's POV
"Sige,ipakita mo kung ano ang kayang gawin ng gunpla mo!" Sigaw ko sabay control ng aking gunpla na Gouf Dom R35 at pinalipad ko yun patungo sa tuktok ng canyon,yun kasi ang battlefield ng battle system.
Agad na bumungad sakin ang isang Kshatriya Gundam galing sa ibaba at hinampasan niya ang gunpla ko ng kanyang beam sword pero agad ko iyong nailagan.Kahit 35 years old na ako ay alisto pa rin ako kahit papaano.
"Hanggang dyan lang ba ang kaya mo bata?" Hambog kong giit at umatake na ako gamit ang aking raketten bazooka at tinamaan ang dalawang kanang thrusters at bumagsak sa bangin.
"Ano ba yan? Galingan mo pa kasi,hindi pa ako naiinitan sa laban" Agad akong pumunta sa bangin kung saan bumagsak ang Kshatriya na gunpla ng binata pero tumira siya ng mga beam funnels galing sa mga natira pang dalawang thrusters at tumira siya sa Blue Giant ko at sinalag ko iyon ng Gatling Shield pero nasira rin ito ng mga funnels at binitiwan ko
at sumabog ang aking shield.Habang lumilipad ay bumaril ako ng 30-mm vulcan guns galing sa balikat ng aking Blue Giant at sumabog ang lahat ng mga funnels nang aking matamaan.
Bumalik ako sa kinababagsakan ng Kshatriya Gundam.Pinipilit pa niyang bumangon pero wala akong awang pinagbabaril ng gatling gun ang gunpla ng binata at agad itong sumabog.
Boooogggssshh!
"Battle Ended" Sabi ng computer sa battle system at unti unti nang nawawala ang mga Plavsky particles.
"Sinong susunod?" Sabi ko sa mga binata pero nakita ko sa aking mga mata na natatakot sila at nangangatog ang kanilang mga binti.
"Sa susunod dapat malakas na ang mga skills nyo pati ang mga gunpla nyo.Haay wala talaga akong nakitang magaling sa inyo,makaalis na nga lang" Lumabas na ako sa bar kung saan dun kami naglaban ni Ricardo Fellini 8 years ago.Saan kaya ako maghahanap ng gunpla fighter na magaling na pwede kong turuan? Haay ang hirap talaga.
And by the way ako nga pala si Ral,35 years old at isa akong dating coach nila Sei Iori at Reiji at coach din ako dati ng mga Try Fighters na nagmula sa Seiho Middle High School last year.Sa ngayon ay naghahanap ako ng isang magaling na gunpla fighter na pwede kong i participate sa nalalapit na Gunpla West Tokyo Qualifiers na magaganap pagkatapos ng 3 linggo.
Extra muna ako dito ah mga readers kasi maghahanap pa ako ng mga gunpla fighter na aking kakalabanin at pipiliing maging estudyante ko.Sige bye!
#######################
Ryosuke's POV
Nakatulog na lang ako sa aking table pagkatapos kong ibuild ang aking sariling gunpla.Nagising na lang ako nang binuksan ni mama ang aking kwarto.
"Ryosuke wala ka bang planong pumasok? 6:30 na oh ma late ka pa" Nagulat na lang ako sa sinabi ni mama at nagmadali na akong nag ayos sa aking sarili at nagmadaling kumain.
"Ma,papasok na po ako" Sabi ko kay mama sabay takbo para kunin ko ang bagong gawang gunpla ko.Dalawang araw ko itong pinagpuyatan pero worth it naman dahil maganda naman ang pagkakagawa.
"Sige anak ingat ka" Nag kiss ako sa pisngi ni mama at nag hug bago umalis.
"Teka muna wag mong kakalimutan ang baon mo" Inabot ni mama sakin ang aking lunch box at inilagay ko yun sa aking bag.
"Salamat.Sige alis na po ako,ingat po kayo dyan" Paalam ko kay mama at umalis na ako dala ang aking gunpla.
Sa sidewalk habang naglalakad ay bigla akong tinambangan ng tatlong lalaki na mga palaboy sa kalsada.
"Andito na ang bully natin.May dala pang gunpla,sayo ba yan?" Sabi nung isang lalaking mahaba ang buhok at naka bonnet.
"Ang ganda ng gunpla oh patingin nga" Sabi din nung isa pang lalaking may dalang tubong pamalo.
"Akin na ang gunpla mo Ryosuke,kung ayaw mo pang mabugbog ulit" Lumapit sakin ang pinuno ata nila at paakmang kukunin ang gunpla ko.Hindi ako papayag na kunin mo ang aking gunpla,sariling gawa ko yan!
Agad kong kinagat ang kamay ng pinuno nila at napa aray ito sa sobrang sakit ng kagat ko.
"Aray! Bwisit kang bata ka" Sinipa niya ako ng malakas at tumama ang aking likuran sa pader.Sa sobrang sakit ng likod ko ay nabitiwan ko ang aking gunpla.Wag! Wag nyong kunin ang gunpla ko.Malilintikan kayo sakin mga hayop kayo.
"Hihihihihi! Akin na ang gunpla...hahaha" Kukunin sana ng lalaking naka bonnet ang gunpla ko nang biglang may sumigaw na isang mama na mataba.
"Hoy! Anong ginawa nyo sa bata?" Agad itong lumapit at pinagtatadyakan niya ang tatlong lalaki.Bleeh buti nga sa inyo! 😜
"Ayos ka lang ba bata?" Pag aalala pa nung matandang mama at itinayo niya ako at kinuha niya ang aking gunpla.
"Wag kang mag alala bata,titingnan ko lang ang gunpla mo" Hinalughog niya ang buong frame ng aking gunpla at ginagalaw niya ang mga kamay ay paa nito.
"Salamat sa pagtulong sakin.Sa likod mo!" Sigaw ko nang nakita ko sa likuran ng mama ang isang lalaking may dalang tubo.Papaluin sana ng lalaking may dalang tubo ang mama pero sinuntok ito ng mama.
"Salamat din bata" Sabi nung mama at ibinalik niya ang aking gunpla.
Tumakbo na ang tatlong lalaki dahil sa sobrang takot.Hahaha mga duwag!
"Ang ganda ng pagkakagawa ng gunpla mo bata.Ako nga pala si Ral" Pakilala pa nung mama.
"Salamat po Mr.Ral.Ako nga din po pala si Ryosuke Hirotami" Pakilala ko din kay Mr.Ral.
"Ano?! Teka lang kaano ano mo si Ryouei Hirotami na nag champion sa Gunpla World Championship dun sa America?"
"Syempre papa ko po yun" Sagot ko.
"Ah ganun ba? Teka lang,ikaw ba ang gumawa ng gunplang yan?" Sabi nya sabay turo sa aking dalang gunpla.
"Opo,ikaw may gunpla ka rin po ba?" Tanong ko rin sa kanya.At dumukot siya sa kanyang asul na tuxedo at ipinakita niya ang kanyang gunpla.
"Ito ang aking gunpla,ang Gouf Dom R35." Ipinakita niya sakin ang kanyang gunpla at kumikinang pa ito sa sobrang kintab ng plastic frame nito.
"Ito din ang gunpla ko,ang Strike Legacy Gundam." Ipinakilala ko na ang aking gunpla kay Mr.Ral.
"Isang modified gundam na pinaghalong Strike at Impulse Gundam" Teka paano niya nalaman ang disenyo?
"Paano nyo po nalaman?" Pagtatakang tanong ko sabay kamot sa aking ulo.
"Sa booster pack pa lang ng iyong gunpla ay parang galing sa Impulse tapos ang ibang parts lalo na sa mga braso't binti ay pawang sa Strike galing,pero ewan ko sa mga magkabilang balikat...siguro may tinatago yang armas.I think mga missile pod yan o funnels" Ang galing ni Mr.Ral manghula,pero di nyo alam ang nakatagong armas sa balikat ng aking gunpla.
"Malalaman natin yan pag naglaban tayo sa pamamagitan ng Gunpla Battle,gusto kong subukan kung gaano kagaling ang aking Strike Legacy Gundam!"
"Hmmm...malakas ang kumpiyansa mo bata.Siguro may kakaiba kang kakayahan sa paggawa at pag control ng gunpla,pero susubukan ko kung hanggang saan ang kaya mo"
"Sige! Simulan na natin" Pumunta na kami sa may battle stadium ng aking paaralan para maglaban kami.Ipapakita ko sayo kung ano ang magagawa ng aking gunpla.
#######################
Panibagong bakbakan na naman.Sino kaya ang mananalo,ang baguhan nating bida na si Ryosuke o ang beteranong coach na si Mr.Ral ? Mga readers sinong bet nyo ? Abangan ang susunod na chapter sa Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 5: Fight! Strike Legacy Gundam.
Sorry sa slow update may lagnat kasi si author sensya na.Vote at comment lang po kayo kung nagustuhan nyo ang kwento.Hanggang sa susunod na update bye !
@CyasineFritzel
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
FantascienzaGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...