Ryosuke's POV
Pagdating namin sa gunpla stadium ay kanina pa pala nandun sina Coach Ral at Yumi sa loob.
"Ryosuke ikaw na daw ang susunod na sasalang" Sabi ni Yumi sakin.
"Sinong makakalaban ko coach?" Tanong ko sa coach ko.
"Hindi ko kilala ang makakalaban mo pero nagmula siya sa Brusshart Corporation,isang pinakasikat na gunpla organization sa bansang Sweden" Sagot ni coach.
Teka lang? Sweden? Parang kababayan yun ni Kolin ah.
"Teka lang Ryosuke parang may pasa ka sa mukha?" Pagtatakang tanong ni Mico sakin habang tinitingnan ang mukha ko.
"Saan mo natamo ang mga pasang yan?" Tila galit na tanong ni Rui habang pinapatunog niya ang kanyang mga daliri.
"Kagabi kasi nabugbog ako ng dalawang bodyguard ng babaeng nakilala ko sa may Harajuku mall" Wika ko sa kanila.
"Sinong babae ang sinasabi mo?" Tanong din ni Rinkashi.
"Hindi nyo kilala eh" Sabi ko.
Maya maya ay nakaramdam na ko ng pananakit ng kanang braso ko.
"Aray! Ang sakit aray ko" Inda ko sa kanang braso ko.
"Ayos ka lang ba Ryosuke?" Pag aalala pa ni Yumi sakin.
"Ayos lang ako...wag kang mag alala" Sabi ko habang hinawakan ko ang aking namamagang braso.
"Makakapaglaro ka pa ba? Sabihin na lang natin sa coordinator ng tournament kung di mo na kaya" Sabi ni coach sakin.
"Hindi,hindi ako susuko ng basta basta.Kahit anong mangyari lalaban pa rin ako para sa papa ko"
"Sige guys sasalang na ko sa eliminations.Goodluck na lang sakin" Sabi ko bago ako bumaba sa upuan ng mga audience.
Pagbaba ko ay pumunta na ako sa battle arena habang tinitiis ko ang pananakit ng kanang braso ko.
"Leche bakit ngayon pa?" Sabi ko na lang sarili ko.
Pagpwesto ko sa battle arena ay may isang babae ang lumabas galing ata sa backstage ng stadium.Nagtaka ako sa nakita ko dahil parang pamilyar sakin ang hitsura ng babaeng yun.
At nang papalapit nang papalapit yung babaeng makakalaban ko ay nagulat ako sa aking nakita.
"Kolin? Hindi maari to.Kasali din siya sa tournament na to?" Pagtataka ko pa habang pinagmamasdan ang mukha ni Kolin na walang imik.
Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang medyo pula niyang mga mata.Hindi naman ganyan dati ang kulay ang mata niya pero bakit naging kulay pula? Yan ang pinagtataka ko.
"Kolin,di ko akalain na ikaw ang makakalaban ko.Marunong ka rin pala sa gunpla battle? Bakit di mo sinabi sakin?" Sabi ko sa kanya pero nanlilisik lang ang mga mata niya na nakatingin sakin.
"Tumahimik ka! Tatalunin na kita ngayon" Sabi niya na may mala demonyong tinig.
Hala? Bakit ganyan boses niya? Parang sinaniban siya ng demonyo at engkanto.Dyan na ako kinilabutan sa kanya dahil palagi pa rin itong nakatingin sakin,parang ayoko nang titigan kasi nakakatakot na.
"Kolin bakit ganyan ka na? Di ka naman ganyan dati eh" Sabi ko habang nanginginig sa takot.
"Sabi kong tumahimik ka na eh!" Ano nang nangyayari sa kanya? Parang hindi na siya normal magsalita.
"Magsisimula na ang ikalawang laban sa second series ng eliminations.Ang maglalaban ngayon ay sina Kolin Rüssfuort at ang kanyang Quadrilon Maximinus na Gundam at si Ryosuke Hirotami at ang kanya ding Strike Legacy Gundam.Wala nang patumpik tumpik pa,simulan na ang laban!" Announce pa nung MC galing sa taas at bigla nang umandar ang malaking battle system.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...