Ryosuke's POV
Mga 8:00 ay pumunta akong mag isa sa Gunpla Mania dala ang aking Strike Legacy Gundam.Hindi ko na dinala ang aking bagong Strike Legacy Gundam Ignition dahil gagamitin ko lang yan sa tournament.
Pagpasok ko sa Gunpla Mania ay pumunta ako agad sa gunpla battle corner at doon ko nakita si Drasten na nakikipaglaban sa mga batang gunpla fighters na gusto ding matuto kung paano maging isang mahusay na gunpla fighter.
"Ryosuke buti nandito ka" Mahinahong sabi ni Drasten sakin dahil katatapos lang niyang makipaglaban.
"Wala napapasyal lang ako" Sagot ko sabay lapit sa kanya.
"Balita ko isa ka sa mga nakapasok sa quarterfinals" Tanong ni Drasten sakin.
"Siguro chamba lang yun.Ikaw din nakapasok ka din"
"Oo nakapasok din ako pero sisiw lang yun para sakin"
"And by the way gusto mo mag ensayo tayo? Sparring sessions kumbaga" Seryoso ka? Ikaw at ako maglalaban?
"Ahh...ehhh..." Speechless ako sa kanyang mga sinabi.
"Diba dati palagi mo akong hinahamon na lalabanan mo ako? Syempre ito na ang pagkakataon mo na makalaban ako"
Mga ilang sandali pa ay may isang bata na humawak sa braso ko.
"Oniichan ikaw po ba si Ryosuke Hirotami?" Tanong nung bata.
"Oo ako nga yun bakit?" Tanong ko sa bata.
"Idol po kita oniichan eh,alam mo nung tinalo mo yung Kolin grabe ang tindi mo nun dahil napigilan mo ang mga funnels ng gunpla niya.Paano nyo po ginawa yun?"
Hay naku pag nagkakafans nga naman hahaha.
"Salamat sa pag idolo mo sakin bata" Sabi ko sa bata.
"Ano Ryosuke,practice muna tayo para sa quarterfinals?" Yakag pa ni Drasten sakin.
Tumango na lang ako at pumayag kaya pumuwesto na kami sa isang maliit na battle system.
"Alam kong mabilis ang mobility speed ng iyong Gundam Kimaris Dracarys pero pipigilan ko ang bilis mo" Kampante kong saad.
May iba akong balak kay Drasten para matalo ko siya.
"Kung kaya mong tapatan ang bilis mo.Ibibigay ko talaga sayo ang gunpla ko pag natalo mo talaga ako,pero imposible talagang mangyari para sa isang mahinang tulad mo Ryosuke" Seryosong sambit ni Drasten.
"Simulan na natin" Sabi ko habang naka on na ang battle system.
Maraming nanunuod sa laban namin lalo na ang mga bata kaya inihanda ko na ang sarili ko.
"Gunpla Battle Combat Mode Startup.Model damage level set to B" Sabi nung computer sa battle system.
"Please set your GP base"
"Beginning Plavsky particle dispersal"
"Field 1: Space"
"Please set your Gunpla" Inilagay ko na ang gunpla ko sa gilid ng battle system.
"Battle Start" Hudyat ng battle system at magsisimula na ang laban namin.
"Ryosuke Hirotami.Strike Legacy Gundam,launch!" Nauna nang nag launch ang aking gunpla at lumipad na ito sa outer space.
Habang lumilipad sa outer space ay...
Swooooosssshhhhh!!!
Biglang sinugod ng Gundam Kimaris Dracarys ang aking Strike Legacy Gundam pero buti na lang alisto ako at binunot ko agad ang anti armor spear at sinalag ang kanyang gungnir pero bumagsak ang gunpla ko sa malaking asteroid dahil sa sobrang lakas ng pwersa ng gunpla ni Drasten.
Dikitan ang spear at gungnir namin nagtutulakan pa at naghahampasan ng aming mga melee weapons.
Ang lakas talaga ng gunpla niya grabe parang mababali na ang mga braso mo kakapigil sa mga D-pad controls pero pinipilit ko pa rin na pigilan ito.
"Ano kaya mo pa ba Ryosuke?" Tanong ni Drasten sakin.
"Di ako magpapatalo sayo" Buong lakas kong tinulak ang D-pad controls at tumilapon ang Gundam Kimaris Dracarys ni Drasten.
Lumipad ang aking Strike Legacy Gundam patungo sa buwan habang pinagbabaril ako ng vulcan gun galing sa gungnir ng Gundam Kimaris Dracarys at dinodge ko ang mga ito.
Gumanti ako ng tira gamit ang aking beam rifle sabay tira ng high energy beam cannon pero pasimple lang niya itong inilagan ang bawat tira ko.
"Hindi mo mapipigilan bilis ko.Charge!" Pasulong na sumugod ang Gundam Kimaris Dracarys sa aking gunpla at pumunta din ito sa buwan.
Mabilis niya akong hinahagip ng kanyang gungnir na sibat pero dinodge ko ang hit and run attack niya sabay tira ulit ng beam rifle pero madali din itong inilagan.
"Bwisit!" Napamura na lang ako dahil di ko talaga matamaan ang gunpla ni Drasten dahil sa sobrang bilis nito.
Naghit and run pa rin ang Gundam Kimaris Dracarys sa aking Strike Legacy Gundam,parang nag bullfighting kaming dalawa ako ang matador siya ang toro.
Patuloy pa rin akong tumira gamit ang aking beam rifle pero ganun pa rin eh easy lang sa kanya na ilagan bawat tira ko,pati vulcan guns iniwasan niya rin.
"Hindi mo nga ako kaya kahit anong gawin mo" Ani ni Drasten.
"Akala mo ba sineryoso ko ang laban na to?" Tuso kong saad na siyang ikinagulat niya.
"Ano? Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ni Drasten.
"Alam ko na istilo mo,hit and run pala.Nauunawaan ko na" Sabi ko habang nakangisi sa aking kalaban.
"Isa lamang decoy ang gunpla na gamit ko ngayon para masaksihan ko kung paano ka talaga makikipaglaban.Salamat sa pagkakataon na to,Drasten Freinheit"
"Walangya ka Ryosuke! Dudurugin kita at ang gunpla mo sa tournament! Charge!!!" Galit na sambit niya at mabilis na sumugod ang kanyang Gundam Kimaris Dracarys sa gunpla ko.
"Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para lumaban kaya humanda ka sakin Drasten,ako ang magpapatumba sayo" Seryosong sabi ko kasabay ng pagtama ng gungnir sa Strike Legacy Gundam.
"Hindi ko hahayaang matalo mo ako ng basta basta.Hindi mo mapapantayan ang totoong lakas ng Gundam Kimaris Dracarys!"
Dalawang beses sinaksak ng gungnir ang kawawang gunpla ko at sumabog na ito.
Boooggssssshhhh!!!
"Battle Ended" Sabi ng computer sa battle system.
Pinagmamasdan ko si Drasten na hingal na hingal matapos ang aming laban.
"Tandaan mo to Ryosuke,kahit kailan hindi mapapasayo ang kampeonato ng Gunpla Battle West Tokyo championship.Ako ang karapat dapat na manalo at hindi ikaw yun!" Sabi ni Drasten sabay alis.
Kinuha ko sa battle system ang aking nasirang gunpla...
"Kawawa ka naman Strike Legacy Gundam.Di bale,nag retire ka na kaya oras mo nang magpahinga sa laban" Sabi ko sabay bulsa ng aking gunpla sa gunpla case.
############################
Bakit hinayaan ni Ryosuke na masira sa laban ang kanyang gunpla ? Grabe ka bat mo hinayaan ? Di bale na meron ka pa namang reserbang gunpla eh.
Abangan pa ang mga susunod na update sa Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 40: The Quarterfinals.
Pasensya na sa late UD haha natagalan ako kasi nilalagnat ako ngayon pero malapit na kong gumaling kaya sana maunawaan nyo po.
@CyasineFritzel
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science-FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...