Chapter 30: Dracarys Rage (Rui vs. Drasten)

72 3 0
                                    

Narrator's POV

Sa isang malaking silid sa bandang backstage ng gunpla stadium ay naghahanda na si Drasten sa kanyang laban kay Rui Akazawa.

"Medyo umaangat na ang skills mo kahit papaano,Ryosuke Hirotami" Wika ni Drasten habang nakatingin sa match scores sa computer.

"Handa ka na ba sa susunod mong laban Drasten?" Busising tanong ng kanyang Coach Peter habang papalapit ito kay Drasten.

"Sino ang susunod kong makakalaban coach?" Tanong pa nito sa kanyang coach.

"Ang makakalaban mo ngayon ay si Rui Akazawa,isang Japanese gunpla fighter na nagrepresent sa bansang Canada" Sabi ng kanyang coach habang kiniclick ang personal information ni Rui sa computer.

"Bukod sa kanyang fighting skills ay may kakaiba ring taglay na fighting style ang kanyang gunpla na tinatawag niyang Demon Astral Gundam dahil sa apat niyang katana swords sa mga arms at sub arms nito kaya mag ingat ka sa kanyang dashing ability" Paalala pa ni Coach Peter.

"Siya ang dapat mag ingat coach" Ika pa ni Drasten.

"Wag kang masyadong kampante sa mga kakayahan mo bilang gunpla fighter dahil baka may posibilidad na mas magaling pa siya sayo" Pag aalala pa ng coach niya.

"Coach,kung dashing instincts lang ang pag uusapan ay mas mabilis pa rin ang aking Gundam Kimaris Dracarys dahil sa mga leg boosters na nakasilid nito kaya magtiwala kayo sakin"

"Wala pang nakakatakas sa talas ng gungnir ng Gundam Kimaris Dracarys kaya di siya makakahabol sa kakayahan ko kahit mag Trans-Am pa siya.Mahuhulog pa rin siya sa mga kamay ko" Dagdag pa ni Drasten kasabay ng pagkuyom ng kanyang mga kamay.

"Kung ganun,sana manalo ka sa laban mo.Umaasa kaming lahat sayo na makuha mo ang kampeonato sa paaralan natin"

"Makakaasa po kayo" Sabi ni Drasten sabay alis palabas ng kanilang silid.

Samantalang sa kabila naman ay nag uusap sila Ryosuke at ang mga kaibigan at mga kasamahan niya.

"Sino ang makakalaban mo Rui? Balita ko mukhang malakas din yun" Rinkashi.

"Si Drasten Freinheit ang kalaban ko ngayon" Tugon ni Rui.

"Hindi lang siya malakas,mabilis din ang kanyang Gundam Kimaris Dracarys kapag sa hit and run attacks kaya dapat kang mag ingat sa bawat kilos nito" Ayon ni Ryosuke.

"Ibig ko mang makalaban ko si Drasten,hindi ko pa rin makakalimutan sa isip ko ang sinabi niya na hindi siya makikipaglaban sa mga mahihinang tulad ko.Kaya Rui insan,gawin mo lahat ng makakaya mo para manalo sa eliminations" Dagdag pang saad ni Ryosuke.

"Gagalingan ko para sa inyo" Sabi ni Rui sabay tayo sa kanyang kinauupuan.

"Goodluck sayo Rui sana manalo ka" Bati pa ni Yumi sabay ngiti.

"Umaasa kami sayo na makakasama ka namin sa quarterfinals" Mico.

Tumango lamang si Rui at bumaba na siya patungong battle arena.

Drasten's POV

Nauna na akong pumwesto sa battle arena at sumunod din si Rui.

"Alam kong isa kang magaling na gunpla fighter pagdating sa close combat.Tingnan lang natin kung hanggang saan ka lang aabutin ng lakas at bilis ko" Saad ko sa kanya na may halong yabang.

"Yabang mo din pala Drasten,mabilis ka lang hindi ka malakas" Sabi naman ni Rui na tila naiinis na.

"Siguro hindi mo pa kilala ang totoong kakayahan ko,pwes humanda ka na ngayon" Banta kong sabi sa kanya.

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon