Chapter 49: I Will Find You,Dad

57 4 0
                                    

"Nagkakamali ka Reiner.Hindi pa ito ang katapusan ko sa kumpetisyong ito" Kumpiyansa kong sambit sabay kulikot ng D-pad controls at pinindot ang weaponry options at pinindot ang Ignition System.

"May paraan pa para manalo...Ignition System activate!" Naging kulay blue ang aking Strike Legacy Gundam Ignition at nagpalabas ito ng nakakasilaw na kulay asul na liwanag.

"Anong nangyayari? Wala akong makita" Reiner na tila nasisilawan sa kulay asul na liwanag dulot ng Ignition System.

Ang mga naputol na binti ng aking Strike Legacy Gundam Ignition ay nabuo ulit pero kulay blue na liwanag lang ang mga binti nito,parang katulad sa RG System ng Star Build Strike.

"Isa ba itong RG System katulad sa gunpla ng 2 time former defending champion na si Sei Iori?"

"Nagkakamali ka Reiner.Kung akala mo na makakaya mo ako sa sitwasyong ito,pwes nagkamali ka ng kinalaban mo"

Nangigigil na si Reiner at parang gusto niya talaga na tapusin niya ako agad.Nagpapasalamat ako kay Yumi dahil pinaalala niya sa akin na meron pa palang Ignition System na dapat kong gamitin.

"Hahahaha! Kayang kaya kita at hindi mo mahihigitan ang lakas ng Gundam Cerberus.Maghanda ka na sa iyong katapusan...Cerberus Tri Burst Cannon!!!"

Itinira niya ang isang napakalaking pwersa ng pinagsama samang tatlong rays ng charged beam particles at mabilis ito na bumulusok papalapit sa aking gunpla.

Mabilis na umilag ang Strike Legacy Gundam Ignition ko dahil sa effect ng Ignition System,parang isa itong Trans-Am System na inimprove at tumatagal ito ng sampung minuto matapos iactivate.

"Paano mo nailagan ang atake ko?" Gulat na naisambit ni Reiner.

Panay tira ang tatlong ulo ng Gundam Cerberus sa aking gunpla kaya inilipad ko ito paitaas at dinodge ko ang mga tira nito.

"Mahuhulog ka sa mga kamay ko katulad sa pagkatalo ng ama mo!" Tumira ito ng mga missile pods pero lumipad ako palayo habang nag counterattack sa pamamagita ng pagtira ng mga vulcan guns at sumabog ang mga ito.

Lumipad ang aking Strike Legacy Gundam Ignition sa likod ng Gundam Cerberus at tumira ako ng beam cannon at natamaan ko ang dalawang ulo ng gunpla ni Reiner,at ang tanging natitira na lang ay ang isang ulo nito.

"Hindi pwedeng mangyari to! Malas!" Tanging naibulalas lang ni Reiner habang ginagalaw niya ang kanyang mga D-pad controls.

"Para to sa papa ko,at sa lahat ng mga taong nagmamahal sa akin!" Binunot ko ang beam saber at mabilis kong sinugod ang ulo ng Gundam Cerberus.

Tumira ng beam particles ang ulo nito pero sumablay ito dahil naputol ko na ang ulo nito at sumabog.

Booogggggssssshhhhh!!!

"Galingan mo sa susunod nating pagkikita,Reiner McMullins" Itinusok ko ang beam saber sa katawang bahagi ng Gundam Cerberus sabay hiwa pabartikal.Pagkatapos kong hiwain ang katawan ng gunpla ni Reiner ay inilipad ko na palayo ang Strike Legacy Gundam Ignition kasabay ang pagsabog ng Gundam Cerberus.

Boooogggggssssshhhhhh!!!

"Battle Ended" Sabi ng computer sa battle system at tapos na ang laban.

Nagsigawan ang buong manunuod sa nasaksihan nilang magandang laban.

"Ang nanalo sa ikalawang laban ng semifinals ay si Ryosuke Hirotami at ang kanyang Strike Legacy Gundam Ignition! Congratulations at pasok ka na sa finals sa susunod na linggo laban kay Drasten Freinheit,once again congratulations!"

Napaiyak ako sa sobrang saya.Hindi ako makapaniwala na nanalo ako at nakarating ako sa finals sa tournament.

Lumapit sila Rui at ang mga kasama ko pati sila Coach Ral at Yumi para icongratulate ako.

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon