My first action story, hope you like it!
[WARNING AHEAD:
This story is NOT NORMALIZING or ROMANTICIZING death, violence or abuse, self-harm or crime in any way or form! THIS IS ALL WORK OF FICTION, the place, names and scenes are PURELY COINCIDENTAL OR FICTION. If you are sensitive in this kind of story content, you can stop reading this story. Again! THIS STORY IS NOT ROMANTICIZING MURDER OR ANY CRIME. THIS IS ALL WORK OF FICTION]
©All Rights Reserved 2017 by: CKyl Szaetania
***
"Ate, tulungan mo 'ko! Hindi ko na kaya, ate." Umiiyak na sabi ng kapatid ko sa kabilang linya. Rinig na rinig ko ang sakit at hirap sa tinig ng kapatid ko. Kung pe-pwede ko lang paliparin ang sasakyang 'to ay gagawin ko.
"Bunso, papunta na ako." Pilit kong tinatatagan ang sarili pero kanina pa naguunahan sa pagtulo ang mga luha ko. "Jacob, please, wag ang kapatid ko! I'm on my way! Tayo ang mag tuos, wag mong idamay ang kapatid ko! Please..."
Mahigpit ang kapit ko sa steering wheel habang patuloy naman ako sa pagluha. Pigil na pigil ko ang sarili, ayokong malaman ng demonyo na 'to na umiiyak ako, sobra sobra na ang pagmamakaawa ko and that's enough. Hindi ko alam na darating ako sa puntong magmamakaawa ulit.
"Where's the fun in that? You know Chrizshel, If I can't break you, then it'll just be those around you. That's even better." Nang aasar na sagot niya. "You can save her anytime, 'yon, eh, kung aabot kapa."
"Wag ang kapatid ko, Jacob. Nakikiusap ako sayo! Ako na lang wag na ang kapatid ko." Kung kinakailangang lunukin ko ang lahat ng pride na meron ako gagawin ko, basta maging ligtas lang ang kapatid ko. Hindi ko na alam kung gaano kabilis ang takbo ko dahil nasa daan na lang ang paningin ko.
"Aww, what a sweet and loving sister." He said mockingly, "Hey, your sister is so sweet like you!" Narinig kong tawa niya sa kabilang linya, kaya mas lalo kong binilisan ang pag da-drive ko. Hindi ko alam kung paano pa ako nakakapag maneho ng maayos, nanginginig ang buong katawan ko, natatakot ako.
God, please.
"Arghh a-ate please tulong!" Daing ng kapatid ko pagkatapos ay sunod sunod na ang narinig kong mga paghampas at daing ng kapatid ko.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at mas nanginginig na ang kalamnan ko dahil sa kaba at gigil.
Hindi, hindi pwede.
"Bunso, malapit na ako jan, onting tiis na lang. Malapit na, onti na lang!" Pang aalo ko sa kapatid kahit na alam kong hindi nakakatulong 'yon. Mas humigpit ang kapit ko sa steering wheel. "Fuck you, Jacob! Ipinapangako ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!" Banta ko na tinawanan niya lang.
"Matatakot na sana ako pero naalala ko hindi mo nga pala ako kaya. Magkita na lang tayo sa impyerno!" Malakas siyang tumawa bago pinatay ang linya.
Fuck!
"Shit, shit, shit!" Sunod sunod na mura ko.
Please lord ngayon lang ulit ako manghihingi ng pabor, wag mong hayaang mapahamak ang kapatid ko, please.
Naihinto ko ang kotse nang makarinig ako ng mga putok ng baril. Alam ko namang ako ang pinapatamaan ng mga ito dahil ang kotse ko na lang ang umaandar sa madilim na highway na 'to. May nakita akong kotse na huminto sa gilid ko. Nang makita kong lumabas ang mga hindi ko kilalang lalaki ay lumabas na rin ako at ako na rin ang unang lumapit pero ilang hakbang lang ang layo ko sa kanila, sakto para makita ko ang mukha nila.
"Alam niyo bang ayokong may humaharang sa daan ko lalo na't nagmamadali ako?" Galit na tanong ko at kita ko naman ang pag atras nila. Sino kaya ang bobong amo ng mga ito? Talagang itinaon pa ngayon.
"Napagutusan lang," mayabang na sagot ng isang lalaki na mukhang wala namang ibabatbat.
Tignan natin kung saan ka dadalhin ng kayabangan mo.
Malamig ang tinging ngumisi ako sa kanila na nauwi sa ngiti nang makita ko ang kinang ng takot sa mga mata nila.
"Balak ko sanang buhayin kayo pero mukhang wag na lang," ngising demonyong sabi ko. Kung kanina ay kita ko ang takot nila, ngayon naman ay damang dama ko na kahit pa ilang hakbang ang layo ko sa kanila.
Hindi na ako nagdalawang isip pa, inilabas ko ang dalawang baril ko at walang kurapan silang tinaniman ng bala sa katawan. "Oops, sorry! I pulled the trigger!" Sigaw ko at itinutok ko naman ang baril ko sa mga ulo nila bago isa-isa silang pinaputakan.
Nanginginig kong binaba ang dalawang kamay ko nang makita silang sunod sunod na bumagsak sa lupa. Nanghihina akong bumalik sa kotse ko at nilagay sa dashboard ang baril. Naiiyak na inihilamos ko ang kamay ko sa mukha at nagsimulang mag drive ulit.
Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon.
Ganito ba talaga ako kasama kaya pati kapatid ko kailangang madamay? Ito naba ang karma ko? Fuck this! Hindi ko ginusto ang mga nangyayaring 'to! Ilang beses kong hinampas ang manibela at mas binilisan ang pagmamaneho. Hindi ko mawari kung bakit kailangang mangyari 'to. Agad agad kong ipinark ang kotse ko sa tapat ng isang gusali, kung nasaan ang kapatid ko at sila Jacob. Nanginginig ang mga tuhod ko at gusto ko na lang maupo dahil sa panghihina pero hindi pwede, hinihintay ako ng kapatid ko. Nang makapasok ako sa loob ng isang kwarto ay halos magunaw ang mundo ko. Gustong sumabog ng puso ko.
Nakita ko ang kapatid ko sa sahig habang naliligo sa sarili niyang dugo. Daglian akong lumapit sa kanya at marahan siyang niyakap. Tuloy tuloy ang naging pag agos ng luha ko, mga luhang puno ng sakit, lungkot, galit at pagsisisi.
"You came, ate, thank you," mahina at hirap na sabi ng kapatid ko.
Pilit siyang ngumiti sa akin na siyang mas ikinadurog ko. Dahan dahan ko siyang binuhat para mailabas sa madilim at nakakasulasok na lugar na ito.
"Baby, kapit lang please. Magiging maayos din ang lahat." Umiiyak na usal ko at mas lalong binilisan ang pag mamaneho ko.
I failed again...
***
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...