Matapos kaming mapagalitan ng HARI at REYNA ay dumiretso na kami sa kwarto namin para maghanda sa pagalis namin.
"Mailey.. Hindi ba masyadong dilikado ang parusa sa atin ng Hari?"
tinignan ko si Ceriz na nakadapa sa kama ko at may kinakaen na lollipop.
Sa dami ba naman ng kalokohang ginawa namin. Malamang gumaganti na sa amin ang matandang iyon!. Kanina bago kami huliin ay itinakas namin ang forbiden book of spell ng Mga Warlocks. Hmmp! Sabi naman kasing titignan lang eh,tapos umapila ang matandang warlock. Sa inis ko kinuha ko to. Kahapon naman nagustuhan namin ni Ceriz ang Pegasus ng mga air benders sa air land. Kaya naman kinuha namin sila at pumunta sa water land para sana makipaglaro sa mga mermaids duon. Dahil dun nakatira ang kaibigan naming si Riuhe(sirena) malay ba naming hindi pala pwedi ang pegasus duon!. Ang nangyari biglang nagkagulo ang mga sirena muntik pa nga kaming malunod dahil nagpanic ang Pegasus at nilaglag kami sa Tubig.
"hello!? Mailey?"
kumurap ang mata ko ng kinumpas ni Ceriz ang mga daliri niya. Hmmpx! Kung iisa isahi ko pa ang kalokohan namin. Hindi na kami makakapagayos ng dadalhin namin sa mundo ng mga MORTAL
"Tara na nga. Dalhin mo na ang dapat mong dalhin"
*****************************
Agad kaming pumunta sa Hari at Reyna. Kahit ayaw pa namin eh sinundo na kami ng mga Royal Guards! Atat lang sila!.
Humanda sa akin tong mga to pagbalik namin. Tsk.
Naabotan namin ang Hari at Reyna na para bang nagtatalo sila.
Yumuko ang mga Royal Guards pagdating namin at ng Tumayo ang Hari sa kanyang kinauupuan. Kami? Wala. Nakipagtitigan sa matandang eto.
"akala ko eh tatakasan niyo na naman kami"
inirapan ko lang siya.
"makakatakas ba kami kung punasundo mo kami ha Tanda?"
sinamaan ako ng Tingin ng mga Royal Guards.
"hahahaha!"
napatingin kaming lahat sa Hari na bigla na lang Tumawa.
"Mamimiss ko kayo pag napunta na kayo sa mga Mortal. Magiging tahimik ang Wonderland City pag Wala kayo"
napansin kung malungkot ang Reyna na nakatingin lamang sa amin. Pati si Ceriz,marahil ay iniisip din niya ang pweding mangyari sa amin sa mundo ng mga Mortal.
"Ipatawag niyo si Gandalf para sa Portal" sabi ng Hari.
"Hindi na kailangan" tumayo ang Reyna at Humakbang pababa sa kanyang Kinauupuan.
"..ako na mismo ang gagawa ng Portal"
tinignan siya ng Hari na para bang hindi makapaniwala. Maski ako ay nagulat din.
"masusunod aking mahal na Reyna"
duh!! Ew! Ew! Ang tatanda na nila para sa ganyan!.
Ngumit naman ang Reyna
itinaas niya ang kanyang dalawang kamay.
Gate of Portal
Way to Other dimension..
Gate of Portal
Way to Other Dimension..
Gate of Portal
Way to Other Dimension!
Bigla nalang may Bilog na Portal ang lumabas sa Harapan namin.
Eto na.
"Tanggapin niyo ang kwentas na eto. Makakatulong eto sa inyo para mahanap ang Prince"
iniabot sa amin ni Tanda ang Kwentas na may palawit na Batong kulay Pula.
"Alalahanin ninyo. Makakabalik lamang kayo dito kung mahanap niyo na ang Prince at maisama dito."
nagkatinginan kami ni Ceriz at magkahawak kamay na hinarap ang Portal.
Wala na talagang atrasan eto!.
Tinignan ko ang kabuoan ng Buong palasyo. Iiwan na namin ang mundong eto at haharap sa panibagong mundo. Anong mangyayari sa amin duon?
Humakbang kami ni Ceriz sa Portal na Ginawa ng Reyna. Katabi siya ni Tanda na nakatingin sa amin. Malungkot silang nakatingin..
Bago kami tuluyang makapasok sa Portal ay narinig ko pa ang mga katagang sinabi ng Hari na siyang nakapagpaluha sa akin.
"magiingat kayo.. Mga ANAK"
****************************
sorry po sa mga Typo Errors :(
BINABASA MO ANG
Spell Sister's
AdventureMeet the Spell Sisters! Ang Magkapatid na pasaway at puro kalokohan ang alam!. Dahil sa kanilang kalokohan ay ipinatapon sila sa mundo ng mga Mortal!. At sa pagpunta nila sa mundo ng mga mortal may bago silang makikilala. Matuto kaya sila at magbago...