Eto po yung Nangyari kay Mailey :) Gagamit ako ng 3rd Person POV
++++++++++++++++++++++++
Sinangga ni Mailey ang Itim na usok na lumabas mula sa bibig ng Ahas. Ngunit nabigla siya ng Tumagos lamang eto sa Ispadang hawak niya.
"AGH!"
Pumalibot sa kanya ang itim na Apoy at nakaramdam siya ng kakaibang sakit.
"Hahahahaha! Papahirapan kita! Papahirapan kita!"
Paulit-ulit na sigaw ng Kalaban habang nakasakay siya sa kanyang ahas.
"Nasaan ako!?" - Mailey
Pinipilit niyang makawala sa Kulungan na salamin.
"PAKAWALAN NIYO AKO DITO!!"
Pinagsisipa at Pinagsusuntok niya ang kulungan na salamin.
"Arg!"
Napaupo na lang siya ng mapagod sa kanyang ginagawa.
"Nasaan na ba ako?.."
Tumayo na naman siya ng makarinig ng nagtatawanan sa paligid.
Kumirot na naman ang kanyang puso ng mapagsino ang mga iyon.
"Masayang masaya talaga ako at kasama kita.."
Malambing na sabi ng Babae habang nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ng katabi nitong lalaki.
"Ako din naman.. Masayang masaya na ikaw ang kasama ko."
Tumulo ang kanyang Luha ng marinig ang sinabing iyon ng lalaki.
"HINDI.."
napaatras siya at natulala.
"Mahal na mahal kita.."
Napakagat siya sa kanyang ibabang labi at hinihintay ang sasabihin ng lalaking nasa harapan niya.
"Mahal na mahal din kita.. Alliyah"
Napahawak siya sa kanyang magkabilang Tenga habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya at lalo lamang siyang nasasaktan.
"AAAAAAAAHHHHHHH! TAMA NA! TAMA NA!"
Mas lalo niyang tinakpan ang kanyang tenga ng marinig niya ang masasayang tawanan ng nasa harapan niya.
"Paano si Mailey?"
Hindi niya napigilang makinig ng sinabi iyon ni Alliyah. Humarap sa kanya si Zeon at nginitian siya.
"Ikaw ang mahal ko Alliyah.. Ikaw lamang.."
Duon na siya lalong nasakatan. Pakiramdam niya ay dinudurog ang kanyang puso. Halo-halong damdamin ang nasa kalooban niya.. Lungkot at Galit.
"AAAAAAAAAHHHHH! HINDI! AAAAAAHHHHHH!"
'hindi to totoo! Hindi to totoo! Hindi to totoo!'
Paulit-ulit na sinasabi niya sa kanyang isipan. Pinipilit niyang isipin na hindi totoo ang mga nangyayari. Dahil ayaw niya ang mga nakikita niya.
"Mahal na Mahal kita Alliyah.."
Hindi niyamatagalan ang mga naririnig at nakikita niya dahil parang totoo talagang ang mga eto.
"AAAAAAAAHHHHHH! AYOKO NA! AYOKO NA!"
Mas lalo siyang natulala sa sumunod na nangyari. Parang slow motion ang bawat pangyayari.. Ang dahan-dahang paglapit ng muka nila sa isat-isa.
"AAAAAAAAAAAHHHH! AYOKONG MAKITA TO! TAMA NA! AAAAAHHHHHH!"
Masakit at Nakakalungkot sa kanya ang makitang may kahalikan ang Lalaking Mahal niya. Ang lalaking kanyang kahinaan..
"ZEEEEEEOOOOOOON!!"
+++++++++++++++++++++++++
"DAMN!"
Paulit-ulit lang siya sa kanyang ginagawa. Sinusubukan niya pa ding makalapit sa itim na harang na siyang nakapalibot sa dalaga.
Wala siyang pakialam kahit na masaktan siya. Wala siyang pakialam sa iniindang sakit ng dahil sa pagkakatalsik niya. Ang tanging gusto niya ay mailigtas ang babaeng kanina pa tumatawag sa pangalan niya.
"Holy Shit!"
Hindi niya pinapansin ang mga kasama na nakaakyat na din. Muli na naman siyang lumapit ngunit katulad ng una tumalsik na naman siya at nasugatan.
"Zeon! Ang dami mo ng sugat!"
Hindi niya tinapunan ng tingin si Alliyah na gusto siyang lapitan. Ngunit takot ang dalaga na lapitan eto dahil sa kanyang itsura. May matatalim na kuko.. Pulang mga mata.. At dudugan na katawan.
"dude.. Tama na--AGH!"
Hinawakan niya sa leeg ang akmang hahawak sana sa kanya. Hindi niya alam kung sino eto.. At wala siyang pakialam na inihagis niya lamang eto sa kung saan. Wala na siya sa kanyang sarili ang gusto niya ay mailigtas si Mailey.
"PETER JUNE!"
Agad na nilapitan ng mga kasamahan nila si Peter June na inihagis ni Zeon.
++++++++++++++++++++++++++
*CERIZ*
Nilapitan namin kaagad si Peter June.. Nakakatakot.. Sobrang nakakatakot si Zeon.. Wala na siya sa kanyang sarili. Sige pa din siya sa paglapit kay Ate Mailey ngunit tumatalsik lamang siya. Malakas ang pwersa na nakapalibot dito kaya hindi niya magawang makalapit.
"ang sakit!" - Peter June
inalalayan siyang tumayo ni Jenny. Kita din ang bakat ng kamay ni Zeon sa kanyang leeg.
"Kundi ka ba naman sandamukal na hunghang! Nilapitan mo agad!"- Jenny
Napatingin na naman ako kila Ate at kay Zeon na tumalsik. Teka..
"L.A? Gumawa ka ng apoy. Patamaan mo ang harang"
Nalilito silang tinitigan ako.
"Ano? Baka masunog sila!" - Karen
"ou nga! Gusto mo bang matusta sila?" - Peter Joe
ugh! Sinamaan ko sila ng tingin at bumuntong hininga.
"L.A gawin mo na!"
Nagulat siya sa akin at mukhang kinakabahan.
"Paano? Kasi..kasi.. Hindi ko alam kung paano?" - L.A
Napatanga kaming lahat habang siya ay napakamot sa kanyang batok.
"GAWIN MO NA! DALIAN MO!"
Nataranta siyang pumikit at ikinumpas ang kanyang kamay sa deriksyon nila Ate Mailey.
"sige na..sige na.." - L.A
I rolled my eyes at bumulong sa kanya.
O____O
iyan ang reaksyon naming lahat ng makapagpalabas siya ng Napakalakas na apoy na siyang lumalon sa itim na harang.
+++++++++++
Haha ano kaya binulong niya?
BINABASA MO ANG
Spell Sister's
AbenteuerMeet the Spell Sisters! Ang Magkapatid na pasaway at puro kalokohan ang alam!. Dahil sa kanilang kalokohan ay ipinatapon sila sa mundo ng mga Mortal!. At sa pagpunta nila sa mundo ng mga mortal may bago silang makikilala. Matuto kaya sila at magbago...