WITCHY 13

28.4K 528 19
                                    

Salamat sa aking mga followers at sa mga readers ng SPELL SISTER'S,thanks din po sa mga nagcocomment at Thanks Guys! Happy 5K of Reads XD wwwiiiieeeeee \(*o*)/.

++++++++++++++++++++++++++

*Mailey*

(nung nawalan siya ng malay)

Ang sarap ng simoy ng hangin.. Napakalameg. Tumingala ako sa kalangitan.. Bughaw na kalangitan.puting ulap.. Mga Witch na sakay sa kanilang walis.. Mga royal guards na sakay sa kanilang magical dragons,mga wizards na nakasakay sa flying carpets.

Teka!

Bakit nasa WONDERLAND CITY ako? Anong ibigsabihin nito? Asan si Ceriz?

Luminga-linga ako upang hanapin siya.. Pamilyar sa akin etong lugar na to.

"inaaaaaaa~"

napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. May isang batang babae na tumakbo papunta sa isang babae na nakaupo sa gilid ng balon.

"Anak.. Tapos ka na ba sa iyong gawain?" nakangiting sinalubong niya eto ng yakap. Kumalas ang bata at pinameywangan siya.

"huh! Tapos ko na po mamaster ang spell na itinuro sa akin ni Gandalf. Madali lang naman eh." pagmamayabang nito. Mahina nmang tumawa ang babae dahil na din sa katarayan ng bata. Pamilyar sa akin. Napahawak ako sa aking noo.

"Mahal.."

napatingin akong muli sa kanila. May lumapit na isang lalaki na magara ang kanyang kasuotan. At may dala etong isang sanggol!

"huuwaaa'huwaaaa"

"owwww. Ssshhhh.. Tama na andito na ang iyong ina"

maingat itong iniabot sa babae at masaya nilang tinitigan ang sanggol.

"waaaa! Ang ganda-ganda naman ng kapatid ko!"

tumatalon-talon pa ang batang babae upang masilayan ang sanggol na hawak ng babae.

"ou naman! Maganda kayong dalawa. Dahil kayo ang aming mga princessa" binuhat siya ng lalaki upang makita pa ng batang babae ang sanggol. Arrgh!

Sumasakit ang ulo ko.. Bakit..

Bakit ko nakikita ang mga pangyayaring eto?

"Mailey.."

napatngin na naman ako sa kanila.

"bakit po ina!?" tanung ng batang babae. Duon ko lang napagtanto na ako pala ang batang iyon!

Ngumiti ang babae sa kanya.

"Huwag na huwag mong pababayaan si Ceriz.."

sabi nito na sa direksyon ko nakatingin. Arrgh! Ang ulo ko!

Si Ceriz..

Dahan-dahan kung idinilat ang aking mga mata habang sapo ko parin ang aking ulo.

Nakaramdam ako ng napakalakas na pwersa! Hindi maaari!

Nasa harapan ko si Ceriz at itim ang kanyang kasuotan. Eto na nga ba ang kinakatakot ko! Hindi pa niya nakakayanang kontrolin ang kanyang kakayahan!.

"Ceriz.."

alam kung narinig niya ako dahil lumingon siya agad. Karumaldumal ang kanyang itsura!

"Mailey!" nilapitan niya ako at mukha na siyang kumalma.

"ayos ka lang ba? Masakit pa ba ang ulo mo? Mailey ano?" nasa mukha niya ang labis na pagaalala. Lumingon ako sa kapaligiran. Nagkalat ang madaming bola. Mukhang takot naman ang mga kalalakihan samantalang ang mga babae naman ay mukhang wala pa din sa kanilang sarili. Sinasabi ko na nga ba at may nagpapakilos sa kanila.

Nginitian ko siya.

"ayos lang ako"

"waaaaa! Nagalala ako" niyakap niya ako ng mahigpit.

"alam ko.. Pero kailangan kung gawin eto"

tinignan niya ako na mukhang gulat na gulat. Tsaka siya yumuko.

"pasensya na.."

hinawakan ko siya sa ulo at ginulo ang kanyang buhok. Madami ang nakakita kaya kailangan kung gawin ang nararapat. Para sa kaligtasan namin.

+ ferum..

Cerea.. Funtie..

Ferum.. Cerea..

Funtie!..+

*Someone Pov*

lumakas ang hangin ng banggitin niya ang mga katagang iyon.

+Ferum..

Cerea.. Funtie!..

Ferum.. Cerea..

Funtie!..+

isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa kabuoan ng gym.

*L.A*

Huh??

Nilingon ko ang mga katabi ko. Si Peter Justine nagbabasa ng Libro. Si Peter Joe naman nakaupo at mukhang nagtataka. Samantala si Peter June naman.

"what happen? Talo ba sila Jenny my Labs? Bakit madaming bola na nagkalat sa baba?"

tanung niya sa akin. Aba! Malay ko ba? Pare-pareho kaming nanunuod dito. Tumingin ulit ako sa court. Nakatayo ang kaklase naming mga babae at sapo ang kanilang ulo. Ang Wierd ng magkapatid dahil sila lang ang maayos na nakatayo.

*Jenny*

Arrgh! Ang sakit ng ulo ko. Parang inuntog sa pader. Ano bang ngyari? Aist. May gusto akong isipin pero kahit na anong gawin kung isip dito sumasakit lalo ang ulo ko.

*Peter Justine*

tss. Parang tapos na ako sa page na to ah? Bakit parang naulit lang. Tsaka parang may ngyari na hindi ko maalala.

*Someone Pov*

Napangiti na lang ako. Eto pala ang kapangyarihan nila.. Umaayon lahat sa aking plano.

"hanggang kailan ka ba maglalaro?"

Hindi ko siya nilingon dahil kilala ko na kung sino siya.

"nagawa mo ba?"

"ou. Maganda siyang makalaro. Nabitin ako hihi"

i rolled my eyes. Muli akong napatingin sa baba upang tignan ang aking mga laruan.

"Canberra.. Hanggang kailan ka ba maglalaro?"

hanggang kailan nga ba?

"nageenjoy pa ako."

+++++++++++++++++++++++++

hope you like guys :)

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon