WITCHY 17

24.3K 396 18
                                    

Masayang naglalaro ang mga batang Bampira. May kanya-kanyang ginagawa ang mga Bampira na naninirahan sa City of Athens. Ang lugar sa Wonderland City kung saan nakatira ang mga Vampires.

"King Astriol!"

isang Bampira ang nagmamadaling tumungo sa kanyang Kamahalan.

"ano iyon?" mahinahon nitong tanung.

"itim na usok! May itim na usok na siyang paparating dito sa City Of Athens!"

napatayo ang Haring Bampira sa kanyang narinig at sumulyap sa bintana na kita ang buong City of Athens. Itim na Usok na parang mga ulap sa lakangitan ang papalapit nga sa kanyang Kaharian.

"ipunin ang mga Bampira! Unahin ang bata at matanda. Lahat ng royal guards ay utusang ilikas sila!"

sumunod naman agad ang Bampira at nagmamadaling lumabas ng palasyo.

"Kamahalan.. Ang King White Wizard po ay nagpapatawag ng isang pagpupulong at kinakailangan kayong dumalo"

sabi ng kanyang kanang kamay. Nilingon niya eto.

"sabihin mo sa kanya na pupunta ako agad!"

hindi na siya nagdalawang isip dahil kaibigan niyang matalik ang White Wizard na siyang naging Katulong nito upang mapanatili ang magandang kabuhayan ng City of Athens.

+++++++++++++++++++++++++

"aaaaaaaaaahh"

bawat matamaan ng itim na usok ay nawawala sa kanilang sarili. Nagiging pula ang kanilang mga mata at itim naman ang kanilang balat.

"Water shield!"

isang Royal Guards ang gumawa ng Water Shield upang hindi makapasok ang Itim na usok sa City of Athens.. Bagamat ang unting parte nito ay nasakop na.

"hindi natin kakayanin eto! Masyadong malakas ang itim na kapangyarihan!" sabi naman ng isang Fire Guards.

Na gumawa din ng Fire Shield.

"kailangan nating pagsamahin ang kapangyarihan ntin upang makagawa ng mas matibay na Harang!" sabi naman ng isang air bender na gumawa ng Shield sa himpapawid.

"paano? Masyadong malakas ang Itim na usok" sabi naman ng isang Earth Bender na gumawa ng Land Shield. Totoo ngang malakas ang itim na usok dahil may kasama etong malakas na Majica na siyang nagpapawalang bisa sa kanilang kapangyarihan.

"WATER SHIELD!"

"AIR SHIELD!"

napatingin ang mga royal guards sa napakalakas na shield na nagawa ng kung sino man. Mas malakas ang harang at mas matibay.

"ang mag Princessa!"

nakasakay sila sa kanilang Magical Dragons.

"huwag na kayong magalala. Mas malakas at matibay na ang harang na ginawa namin" sabi agad ng isang babae na kakababa lamang sa kanyang Magical Dragon Water

"tama siya. Ilikas niyo na ang mga Taga-Athens at dalhin sa WITCHY CITY. Duon ay mas ligtas sila"

sabi naman ng isa na kabababa din sa kanyang Magical Dragon Air.

"opo mga Mahal na Prinsessa!"

sinunod naman sila ng Mga royal Guards at agad na Inilikas ang mga Bampira.

"tingin mo ba ay makakaya natin to?"

tiningnan siya ng kanyang katabi at tinignan ang itim na usok na pinipilit sirain ang harang.

"mas magiging malakas kung kompleto tayong lahat. Lalo na kung nandito ang Prince of Fire Land"

sagot niya dito.

"huwag mo din kakalimutan ang Pasaway na SPell Sisters"

+++++++++++++++++++++++

new characters! ;) sino kaya sila? Paano na kaya ang WONDERLAND CITY? nagkakagulo na! Eh hindi pa nakikita ng Spell Sisters ang Prince of Fire Land!.

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon