*Mailey*
*TING*
Sinangga ko ang tatama sa aking ispada na nagmula sa malaking ORG. Itinaas ko ang wand na aking hawak at naging sibat na siyang inihagis ko sa kalaban.
"Mauna na kayo!"
sigaw ni Airey na nakasakay sa kanyang white Air Dragon. Pagkatapos kung makausap si Gandalf mabilis kaming lumusob sa darkness palace.
"Paano kayo?"
Madaming kalaban. Talagang pinaghandaan ni Azlia ang pagsalakay namin.
"Kami na ang bahala" - Niel.
Tinanguan ko sila. Sumunod sa akin sila Zeon,Ceriz,L.A,Luke,Peter Justine at Alliyah.
Dalawa ang hagdan papunta sa itaas na siya naman may dalawang pintuan.
"Sa kanan kami" sabi ni Luke na binalingan ako.
"nasa kaliwa ang daan papunta kay Azlia"
Tinignan ko si Peter Justine. Hawak nito ang kanyang book of spell.
"Ako na ang bahala sa kanya"
Inihanda ko ang wand at ang libro. Ang Forbidden Book.
"Hindi ba sabi ni Ama. Kailangan natin mapalabas ang Forbiden Sword? Bakit ikaw lang ate?" - Ceriz
Hinarap ko si Ceriz. Kitang kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Habang wala pa ang lahat. Ako muna ang haharap sa kanya. Ikaw ang bahala kay L.A.. Protektahan mo siya. Hindi iyon mabubuo pag-wala siya. Ililigtas ko muna si Millen.."
"Per-"
"Mahalaga ang kaligtasan niyo. Para saan pa ang pagiging Spell Sister ko kung hindi ko siya matatalo. Ceriz.. Ano man ang mangyari. Hihintayin ko kayong lahat sa taas."
Pinigilan ko ang luha na gustong kumawala sa aking mata ng makita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa kanyang mata.
"Basta. Hihintayin mo kami ah??"
tinanguan ko siya.
Niyakap niya ako bago sumunod kila Luke.
"Z-Zeon.. Anon--"
Naramdaman ko ang init ng kanyang labi ng dumampi eto sa aking labi.
"hindi ko hahayaan na ikaw lang ang mag-isang haharap sa kanya"
"per--"
"Ako pa din ang masusunod"
Wala na akong nagawa ng hilain niya ako paakyat sa kaliwang hagdan.
*****************************
*Ceriz*
Hinawakan ni L.A ang kamay ko ng tumatakbo kami sa Pasilyo.
Nag-aalala ako kay Ate.
"she will be okay"
tipid kung nginitian si L.A.. Tama siya. Alam kung hindi siya papabayaan ni Zeon. Subukan lang niya!
"Sandali!"
Napatigil kami ng tumigil si Luke. Pigil hininga kami ng may marinig kaming yabag na papalapit.
Humigpit ang hawak ni L.A sa aking kamay ng may anino na papalapit sa amin.
"M-Millen.."
Bumitaw ako kay L.A ng makilala ko kung sino ang nilalang na yon. Si Millen nga!
Tumakbo ako para lapitan siya. Grabe! Sobra akong nag-alala sa kanya.
"Ceriz!!!!"
Huli na.. Huli na ang lahat. Parang slow motion ang pagtawag nila sa pangalan ko..
"B-Bakit..?"
Napahawak ako sa aking tagiliran.. At sa kamay ko na may pulang likido..
Dugo..
Muli kung sinulyapan si Millen na nsa harapan ko..
"Welcome My Friend"
"Ugh!"
naramdaman ko ang sakit ng hugutin niya ang ispadang isinaksak niya sa akin.
"Hindi ka pa mamamatay dahil kumakalat pa ang lason"
Si Millen.. Bakit...
"CERIZZZZ!!!!"
tanging sigaw lang nila ang narinig ko..
Ate.. Sorry.. Hindi na ako makakarating..
*MAILEY*
"What's wrong?"
Hindi ko pinansin si Zeon. Nakaramdam ako ng sobrang kaba.
"w-wala.."
Tumakbo ulit kami.
Hindi ko gusto ang nararamdaman ko.
Sabay kaming tumalon pataas ng may Air Blade na nanggaling sa taas.
Isang napakalakas na halakhak ang namayani sa Malawak na silid.
Lumabas si Devona na sakay ng itim na ibon.
"Kamusta Mailey?"
Naningkit ang mga mata ko. Sino nagsabi na pwede niya ako tawagin sa aking pangalan?
"kasama mo pala ang Bampirang eto."
Sinulyapan niya si Zeon na ngayon ay nakapamulsa lang na nakatingin sa kanya.
"Do you need a help for this trash Baby?"
Halatang nainis si Devona sa sinabi ni Zeon. Inilabas ko ang wand ko at ginawang double sword.
"Ako ng bahala sa kanya"
at hindi na ako magdadalawang isip na patayin siya. Dahil magbabayad siya sa mga ginawa niya. At isusunod ko si Azlia!
****************************
Sorry for the late and short updates. Busy po kasi ako masyado sa school eh. By the way. Okay na. Hindi na ako busy! ^__^
BINABASA MO ANG
Spell Sister's
AdventureMeet the Spell Sisters! Ang Magkapatid na pasaway at puro kalokohan ang alam!. Dahil sa kanilang kalokohan ay ipinatapon sila sa mundo ng mga Mortal!. At sa pagpunta nila sa mundo ng mga mortal may bago silang makikilala. Matuto kaya sila at magbago...