Tatlong araw na rin kami namamalagi sa mundo ng mga Mortal. At sa tatlong araw na iyon ay hindi pa din namin mahanap ang Prince of Fire Land,. Tch
ano na naman kaya ang nasa isip ng matandang iyon at kami pa ang pinaghanap sa the lost prince! Eh ang dami-dami naman royal guards sa palasyo!
"your spacing out again Mailey"
nakatingin silang dalawa sa akin ni Ceriz. Nasa harapan na pala kami ng Classroom.
"ganyan lang talaga siya Millen! Huwag mo ng alalahanin"
"pfft. Alam niyo the way you talk. Para kayong galing sa sinaunang panahon!"
nagkatinginan kami ni Ceriz at sinulyapan siya na papunta na sa kanyang upuan.
"tama siya ate"
bulong ni Ceriz.
"dapat siguro magpaturo na tayo sa kanya"
bago kami umupo ay nakita ko pa ang mga sulyap ni Ceriz sa Mortal na nagngangalang L.A! Hmmm.
"goodmorning class!!"
pumasok ang aming guro na may malapad na ngiti sa kanyang labi.
"ang pogi talaga ni Sir!"
"ou nga. Mukang masaya siya"
"malamang malapit na valentines day!"
"naku baka may date sila ng girlfriend niya"
hindi ko nalang pinansin ang bulungan nila at tumingin sa harapan.
"alam niyo naman siguro na malapit na ang valentines day right?"
iginala niya ang paningin.
"yes sir! May Party na naman po ba this year?" tanung ni Millen.
"Merun! Every year naman yon. By the way maaasahan ko ba kayo boys?"
tinignan niya ang Grupo ng mga lalaki sa aming likuran.
"Ou naman sir!"
"yes na yes sir!"
"tss. As always"
"opo sir"
ano ba ang gagawin nila?
"kakanta sila sa party,every year yan" napatingin ako kay Millen. Paano niya nalaman ang iniisip ko?
"how about your Vocalist? Mukhang hindi payag?"
lahat kami ay nakatingin sa kanya na bahagyang nakapikit at mukang walang pakealam.
"dude.."
siniko siya Ni L.A,dahilan ng pagdilat ng kanyang mga mata.
"what?" napansin niya siguro na sa kanya nakatingin lahat.
"nagtatanung ako kung ayos lang ba na kumanta kayo sa Valentines Party" tanung sa kanya ni Sir. Kumonot ang kanyang noo at tinignan ako.
*Lubdub*lubdud*lubdub*
napahawak ako sa aking dibdib.. Bumibilis na naman ang tibok ng aking puso sa tuwing sinusulyapan niya ako.. Nakatitig lang siya sa akin na para bang humihingi ng permiso.
"yes.."
sagot niya na sa akin naman nakatingin!
****************************
*wooooshh*
sakay ng aking walis lumabas ako sa portal na ginawa ni Gandalf. Nandito na naman ako. Ang tagal ko ding nawala. Siguro mga tatlong araw na din? Simula ng ipinatawag ako ng Hari. Bumaba ako sa mapunong parte ng school.
*snif*snif*
nakakaamoy ako ng isang Vampira!
Iginala ko ang aking paningin at pinakiramdaman ang paligid.
'gotcha!'
nagtatago siya sa isang puno at may pinagmamasdan sa isang silid! Kunot-noo ko etong tinitigan. Bakit niya minamatyagan ang mortal na iyon?
Tumalon ako at pumunta sa kanyang likuran.
"anong tinitignan mo diyan?" bulong ko sa kanyang likuran. Napalundag eto atbumaba sa punong kinukublihan. Nanlalaki ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Ganun ba ako kapangit!? Tss.
"bakit mo tinitgnan ang mortal na yun?"
"hindi ko sasabihin!"
inilabas niya ang kanyang mga pangil at mga kamay na matutulis. I smile kakarating ko pa lang bakbakan na? Inilabas ko ang wand ko.
"ah ganun huh! QUINEA!"
naglabasan ang ugat ng mga puno at pumulupot eto sa kanyang katawan.
"hindi ka pa din magsasalita?"
"aggghh! Ou na! Ou na! Sasabihin ko na!"
pinakawalan ko siya ngunit may nakahawak pa din sa kanyang paa at kamay.
"si..siya! Siya ang Prinsepi!"
Prince of fire land? Muli kong sinulyapan ang silid na yun. Siya? Ang Mortal na yun ang Prince of Fire Land??.
****************************
hope you like it Guys :):):)
Millen on the side
----->
BINABASA MO ANG
Spell Sister's
AdventureMeet the Spell Sisters! Ang Magkapatid na pasaway at puro kalokohan ang alam!. Dahil sa kanilang kalokohan ay ipinatapon sila sa mundo ng mga Mortal!. At sa pagpunta nila sa mundo ng mga mortal may bago silang makikilala. Matuto kaya sila at magbago...