WITCHY 69- IT ENDS -

10K 210 3
                                    

*KAREN*

"dalian natin!"

paakyat na kaming lahat sa palasyo. Paakyat na ako ng hilain ako ni Peter Joe.

"ano ba--"

Nagulat ako ng bigla nalang niya ako yakapin..

"please.. Kahit ngayon lang." - Peter Joe

hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Pero.. Masaya ako.

"ano bang ginagawa mo.. Joe. Baka maiwan tayo. Hinihintay na nila tayo sa taas"

Imbes na sagotin ako mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.

"take care of yourself.. And stay alive for me.. Please"

Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Hoy! Ano ba! Tamana muna yang landian niyo! Kailangan nila ng tulong!"

sigaw ni Peter June sa taas.

Hinila na ako ni Peter Joe at magkahawak kamay kaming tumakbo.

*L.A*

"Dito ang daan"

sinundan namin si Millen kasunod ko si Ceriz. Hindi pa din ako makapaniwala dahil sa nangyari kanina. Ang mahalaga safe siya.

"bilis!"

pumasok kami sa isang kwarto.

*Mailey*

Napahinto kami ni Zeon sa malaking pintuan. Eto na ang kwarto kung saan nagtatago si Azlia..

Hinawakan ni Zeon ang kamay ko.

"Baby.."

hinarap niya ako at nasa mga mata niya ang pag-aalala.

"i know we can do it.. Makakaya natin to. Matatalo natin si Azlia"

Nginitian ko siya. Tinawid ko ang natitirang distansya sa amin at hinalikan ko siya.

"makakaya natin to.. "

Bumukas ang pintuan at bumungad duon sa amn ang nakatalikod na babae. Unti-unti siyang humarap sa amin at doon ko nakilala kung sino siya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay.

"Maligayang pagdating sa aking kaharian"

Nakangiting sabi ni Azlia.

"Azlia.."

Sumeryoso ang kanyang mukha.

"Lapastangan!"

kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang pag labas ng itim na usok na siyang sumugod sa amin.

Magkahawak kamay kami ni Zeon na pinipigilang matumba.

*3rd person*

Tumalon si Zeon at hinila si Mailey. Ikinumpas ni Azlia ang kanyang kamay. May mga blade at ibat'ibang matatalim na bagay ang sumugod sa kanila. Umiwas silang dalawa.

"Mailey! Zeon!"

napatingin silang lahat sa pintuan. Nanduon na sila Ceriz,L.A,Luke,Alliyah,Peter Justine,Jenny,Karen,Airey,Niel,Peter Joe at Peter June.

Ikinumpas ni Azlia ang kanyang kamay kila L.A. Isa-isa silang lumutang at Lumipad sa eri.

"F*ck! Anong nangyayari!" - Peter June.

May mga usok na nagform na kamay at isa isa silang sinasakal.

"White Magic of Spell!"

Lumiwanag ang kapaligiran ng isinigaw ni Ceriz at Mailey iyon. Nawala ang dark spell. Ngunit may mga binigkas si Azlia na siyang dumilim na naman ang kapaligiran.

"sa tingin niyo ba ay matatalo ako?" mahinahon na sabi ni Azlia.

Nagulat ang lahat ng makita nilang may hawak na ispada si Millen na siyang nasa likuran ni Azlia.

"Eto na ang kataposan mo Azlia!"

Bago pa man mailapat ni Millen ang ispada. Sinakal niya si Millen. Dahilan para mabitawan neto ang ispadang hawak niya.

"AGH!" - Millen.

"Millen!"

Sumugod si Peter Justine ngunit iwinasiwas lang siya ng hangin.

Sumunod si Ceriz na may hawak na pana. At pinatamaan si Azlia ngunit nasalo lang ng isang kamay niya ang arrow tsaka eto binali.

Pinagsaklob ni Mailey ang kanyang kamay at may binulong.

"Ed mie rah ni kum had ni lu kum nah. Ed mi rah ni kum had ni lu kum na!"

paulit-ulit na bigakas ng dalaga. May puting liwanag na siyang pumalibot sa kanyang mga kamay. Inihampas niya ang puting liwanag sa sahig dahilan para mapunta ang puting liwanag na iyon kay Azlia. Nakuryente si Azlia at nabitawan si Millen.

"ginagalit mo ako!"

Sumugod si Azlia kay Mailey.

Lumipad ang dalawa sakay sa walis at nagpapalitang ng puti at itim na energy balls.

At mga spell.

"Umpisahan na ang ritwal!" sigaw ni Mailey ng iwasan ang dark spell ni Azlia.

Inilabas nila Cerez,Peter Justine,Peter JUne,Peter Joe at Jenny ang kanilang book of spell. Pumuwesto naman sa gitna sila Airey,Neil,L.A, at Karen, ang four elements. Gumawa ng Harang si Millen habang inuumpisahan na ni Mailey at Ceriz ang Ritwal.

****************************

2 chapters na lang! XD Last Chapter and Epilogue sana magustohan niyo ang ending sa Next update

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon