WITCHY 18- OPERATION HANAPIN ANG PRINCE -

24.2K 366 31
                                    

Ipapaubaya muna natin ang POV kay Ceriz! Huwag niyo mamimiss si Mailey! ;) dahil sa POV niya may malaking pagsabog ang magaganap! :)

++++++++++++++++++++++++++

*CERIZ*

"Huwaaaaattt?" gulat na bulalas ko sa kanya. Nanlalaki pa ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Seryuso ba siya? As in no Joke??

"psh. Ang ingay mo talaga"

naglakad ulit siya kaya naman sinundan ko siya. Oh My God! Si Ate ba to?? Baka naman nasaniban siya ng kung ano kaya niya nasabi iyon! Curious ba kayo kung anong sinabi niya at kung makapagreact ako dito over? Ganito kasi yan..

*FLASHBACK*

naglalakd kami papunta sa room namin.

"kailangan na natin mahanap ang Prince" seryuso niyang sabi na deritso lang ang tingin sa daanan.

Hindi ko siya sinagot at tumango na lang ako,palaging umiilaw ang kwentas pero hindi naman namin alam kung asan ang prince kasi pag-lumalapit kami sa mga classmate namin na lalaki hindi na siya umiilaw.

"Ceriz nakikinig ka ba?"

nabalik ako sa realidad at hinarap siya na tumigil sa paglalakad.

"huh? Ano ba yun?"

bumuntong hininga siya na bahagya pang napapikit. Nginusuan ko siya,eto talagang si Mailey napakaMAINITIN ang ulo. Simula ng mapunta kami dito pansin niyo? Seryuso siya diba?.

"Hahanapin natin ang Prince"

"sabi mo nga kanina"

nginitian ko siya. Sinamaan ako ng tingin eh!

"katulad ng sinabi ko. Hahanapin natin ang Prince"

paulit-ulit siya. Unli ata si Mailey.

"..at uumpisahan natin Kay Zeon at L.A. Ikaw magbabantay kay Zeon at ako kay L.A"

derideritso niyang sabi. Na nagsink agad sa utak ko. Na ako daw magbabantay kay Zeon at siya kay L.A!!

"huwwaaaaattt?!"

*END*

Sigh. Ano ba talagang nasa isip ni Mailey?.

"oh problemada much?" nilingon ko tong katabi ko. Buti pa si Millen.. Walang problema,paano ko ba naman mababantayan si Zeon? Eh ni hindi ko nga yun malapitan or makausap man lang. Tignan niyo nga oh. Nakapikit lang siya sa isang tabi at mukhang wala siyang pakialam kung tinititigan ko siya. Right now!

"uyyyy.. Iba na type mo?"

sigh. Adik tong si Millen. Pagtinititigan Type agad? Hindi ba pweding tinitignan lang?.

Nagulat ako sa biglaan na pagtayo ni Mailey at pumunta sa Harapan ni L.A! Hindi lang ako kundi pati lahat.

"sumama ka sa akin"

napatingin pa si L.A sa magkabilang gilid niya upang makasigurado na siya yung kinakausap ni Mailey.

"Ako?" nakaturo pa yung isang daliri niya sa kanya. Tumango naman si Mailey at naglakad palabas.

"uyyyy! Tol ihahanda ko na yung kabaong mo!" - Peter June

"tsk. Patay ka na" - Peter Justine

"*sniff*pag nawala ka na.. Sino na lang magtatanggol sa akin?" - Peter Joe.

Ano daw!? Ayos talaga Trip ng tatlong to. Wala naman gagawin si Mailey sa kanya. Nasisiguro ko yun.

"a-h.. Z-Zeon.. If you want. Hindi ako sasama sa kanya"

nabaling ang tingin ko kay L.A na kinakausap si Zeon na ngayon ay masamang masama ang tingin kay L.A! Kung nakakamatay lang ang tingin niya. Sigurado ako na nakabulagta na si L.A ngayon!

"psh.! I dont care!" pabalag na pumikit na naman si Zeon na nakakunot ang nuo. Napangiwi naman si L.A samanta yung tatlo naman inaasar si L.A na lumabas na. Sigh..

Bakit ganito? Masyado akong nalulungkot.

"anyare? Bakit si L.A ang kasama ni Mailey?" tanong ni Jenny na lumapit na sa amin. Ayan! Nalungkot na naman ako. Kung bakit naman kasi..

"broken hearted pa yan! Taray huh? May date agad sila ni Mailey" sabi naman ni Millen na nasa tabi ko. Mas lalo tuloy akong nalungkot.

"tumahimik ka nga diyan daldalita. Mas lalong nalulungkot to" turo pa sa akin ni Jenny

"ikaw ang tumahimik diyan sabatera" sagot ni Millen

"abat! Hmmpz daldalita!"

"sabatera!"

"chaka!"

"chakaness!"

"mangkukulam!"

"like you!"

"IMPOSTORA!"

*Gasp*

napatingin ako kay Millen sa naging reaksyon niya. Gulat at galit? Anong merun sa kanila ni Jenny? Ou. Lage silang nagaaway pero iba ngayon. Dahil nagtatagisan sila ng Tingin.

"ah pwedi ba wag kayo dito? Hello? Ako kaya ang topic dito"

nagiwas naman sila ng tingin. Buti nalang baka mamaya magaway pa sila.

"halika na nga Ceriz. Iwanan na natin yang sabatera na yan"

tumayo siya.

"ikaw naman impostora! Sa akin sasama si Ceriz! Baka may gawin ka pang masama sa kanya!"

tumayo din si Jenny. Nasapo ko na lang ang ulo ko.

Naguumpisa na naman sila!

Nahagip ng mga mata ko si zeon na lumabas ng Room. Tinignan ko ulit tong mga nasa harapan ko na nagtatagisan ng Tingin. Dahan-dahan akong umalis sa aking upuan at sumunod kay Zeon. Eto na uumpisahan ko na ang OPERATION HANAPIN ANG PRINCE!!

+++++++++++++++++++++++++

operation hanapin ang Prince daw! :D mahanap na kaya nila ang PRINCE? O mahanap nila ang kanilang LOVELIFE?? tingin niyo?

CERIZ and L.A ---------->

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon