WITCHY 43-THE THIEF-

17.4K 275 18
                                    

*SOMEONE POV*

"Agh!"

Bumangon ako kaagad sa aking pagkakadapa. Inayos ang hood ko na natatanggal dahil sa pagkadapa ko isama mo na din ang pagtakbo ko ng mabilis.

"ayon na siya! Engot bilisan mo nga!"

Dali-Dali akong tumakbo!

Kanina pa nila ako hinahabol. Hindi maari to! Hindi nila pweding makuha sa akin ang libro.Niyakap ko ng mahigpit ang libro na hawak ko.

"My Labs naman! Maka-Engot lang?"

Nanlalaki ang mga mata ko ng masulyapan ko sila na nakasakay sa Flying Carpet. Hindi! Maabotan nila ako!

"mga kaibigang hayop.. Tulungan niyo ako! Mga kaibigang halaman tulungan niyo ako!"

Nakarinig ako ng tili at sigaw sa mga humahabol sa akin.

"kyyaaaaaa! Alisin mo sa akin to engot! Gumawa ka ng paraan!"

Napahinto ako upang tignan sila. Pinapaligiran siya ng mga puno at nakapalupot sa kanya ang mga ugat nito.

"Damn! My Labs!"

Tinatanggal niya ang mga ibat-ibang uri ng hayop na sumasalakay sa kanya. Chance ko na to!

Hindi ko na sila pinansin at tumakbo nalang ako ng mabilis.

*PETER JUNE*

"kyyaaaaaa! Engot sabing tulungan mo ako!"

Sigaw ni Jenny my Labs habang tinatanggal ang mga nakapalupot na ugat sa kanya.

"Wait lang My Labs!"

Sinipa ko ang isang lobo na sumugod sa akin. Nilabas ko na ang wand ko. Ayokong makasakit ng hayop pero kailangan.

"Electric Wave!"

Nangisay ang mga hayop na sumusugod sa akin. Nakita ko naman na tumakbo na naman yung magnanakaw! Haist. Pahirap talaga yun.

"Engot!"

Naalarma naman ako at tinulungan ko si My Labs sa pagtanggal ng mga ugat sa kanya.

"aaaagh! I hate this! I hate this! Humanda sa akin ang magnanakaw na yun!"

Galit na galit si My Labs. Tahimik muna ako naku mahirap na!

"agggh! Engot ka talaga! Hinayaan mong makatakas yung magnanakaw na yun!?"

Ay Shit! Nakalimutan ko!

"tara na My Labs. Flappy!"

Sumakay kami kaagad kay Flappy. Sigurado akong hindi pa siya nakakalayo dahil timatakbo lang yun. At tama nga ako kasi nakita ko siya sa baba na tumatakbo pa rin. Hindi ba siya napapagod?

"ayon na siya!"

Bapatingin siya sa amin. Pero hindi namin makita ang mukha niya dahil nakahood siya. Kaya nahihirapan kami kung paano siya hahanapin kung makatakas man siya ngayon.

"humanda sa akin yan!"

Nanlaki ang mata ko ng maging pana ang wand ni My Labs. Oh uh

eto na nga bang sinasabi ko eh nakakatakot magalit si My Labs!

"My Labs! Papatayin mo ba siya?"

"engot ka talaga! Malamang hindi! "

Hindi na ako umimik. Hindi pala niya papatayin eh. Pinatamaan niya yung magnanakaw. Pero hinarangan lang ng mga puno ang pana na tatama sana sa magnanakaw na yun. Hindi kaya isa siyang..

"Engot! Ilapit mo pa si Flappy!"

Mas lumapit kami nila Flappy pero hinaharangan kami ng mga puno!

"Flappy!"

Lumipad kami paitaas. Muntik na kami mahampas ng puno na yun!.

"humanda ka sa akin ngayon!"

Inilabas na naman ni My Labas ang pana niya ng makalabas na sa gubat ang magnanakaw. Ngayon patag na ang tinatakbuhan niya.

Sunod-Sunod na pagpana ang ginagawa ni My Labs pero naiiwasan lang ng magnanakaw ang pana.

Nakita ko ang pinakadulo ng patag. Ngayon wala na talaga siyang takas sa amin!

*THIEF POV*

Aaaaaaah! Hindi.

Mas binilisan ko ang pagtakbo dahil sa pana na tatama sa akin.

Andiyan na sila!

Malapit na ako! Malapit na--

O__O

napahinto ako dahil bangin na ang dulo nito! Napatingin ako sa itaas andito na sila!

"wala ka ng takas magnanakaw! Ibalik mo na ang libro!"

mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa libro. Hindi.. Hindi ko eto ibibigay.

Napatingin ako sa bangin. Matarik.. Kahit sino mamamatay kung malaglag ka man sa bangin na eto.

Pero wala akong pagpipilian. Pumikit ako. Kaya ko to!

*Jenny*

"baliw na siya!!!"

"shit!"- Peter June

Baliw siya! Tumalon ba naman sa bangin!

Ano ng gagawin namin ngayon? Wala na! Patay na siya!

O__O

nanlalaki ang mga mata namin na napatingin sa mga ibat-ibang ibon na kumpol-kumpol na lumilipad paitaas. At ang inililipad nila? Yung magnanakaw lang naman!

Hindi kaya isa siyang..

"Shit! Tama nga ako!"

napatingin ako kay Peter June ng sabihin niya iyon.

Nakatingin siya sa akin na para bang sinasabi na. Your-right-look

Ibig sabihin.. Yung magnanakaw na yun.. Isang.. Isang.. Nymph?

++++++++++++++++++++++++

oh ha! Ayan muna. Thanks guys! Happy 112k of reads! Salamat sa inyo!

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon