*PATER JUSTINE*
kahit ayaw ko siyang iwanan duon. Wala akong magagawa.. Saby namin tong haharapin. Kailangan ko siyang balikan. Kasama nila..
*BOGSH*
Umiwas ako sa pagsabog na nangyari sa harapan ko. I look back and i see 'her' holding a wand.
Nasundan ako!
"Flap!!"
Mas bumilis ang lipad ng magic Carpet ko. Hindi to pwedi.
"Takbo! Mababang uri ng Wizard!"
Pinatamaan niya ako ulit ng Dark balls.
"Barrier!"
Napalibutan kami ni Flap ng barrier na ginawa ko. Kung naabotan niya ako dito. Ibig sabihin.. Shit! Huwag naman sana.
"Dark magic! Circle of Spell!"
Napalingon ako ng isigaw niya yun. Huli na para makaiwas ako sa napakalaking Bolang Itim. Na ibinato niya sa akin!
"AGH!"
Babagsak ako!
****************************
*CERIZ*
"sandali.."
Napatigil kami ng tumigil si Luke at mukhang may inaamoy.
"Ano yun pre?" - Peter June
Hindi siya sinagot ni Luke. Bagkos ay nakiramdam pa at iginala ang paningin sa buong Gubat.
"May paparating.." -Zeon
Lahat kami ay nakiramdam at naghanda sa maaaring mangyari sa amin dahil sa 'paparating' na iyon.
Inilabas ko ang Wand ko. Habang si L.A naman ay nasa tabi ko nagpalabas ng apoy sa kanyang kamay. Ou kaya na niyang makontrol ang kanyang kapangyarihan.
Sabay-sabay kaming napatingin sa harapan ng makarinig kami ng kaluskos.
*BOGSH!*
"AAAGH!"
Si Luke at Zeon agad ang unang lumapit sa kung ano man ang bumagsak sa aming harapan.
"Ano yan!?" - Peter June
Lahat kami ay naghintay lang na tumayo kung sino man ang bumagsak na iyon.
"Aray.."
Boses lalaki. Teka..
Napakunotnoo ako. At hindi lang ako pati si L.A na nasa tabi ko ay nakita ko din na napakunot-noo.
"JUSTINE!!?" - Peter June at Peter Joe
Napangiwi nalang kami sa lakas ng sigaw nilang dalawa. Teka.. Si Justine? Nasaan si Millen!?
"Agh!"
napahawak si Justine sa kanyang tagiliran kaya naman agad siyang Inalalayan nila June at Joe.
"Buhay ka! Buhay ka nga!" - June
"ou dahil nakikita mo ako ngayon" - Justine
Haha wala pa din siyang pinagbago. Siya pa din ang matino sa kanilang Tatlo.
"Anong nangyari sayo? Paano ka nakatakas?" - Joe
"si Millen?"
Natahimik kami ng tanungin siya ni Mailey. Lahat kami ay nakapalibot sa kanya at naghihintay ng sagot.
*WOOOASH*
Napatingala kami ng sunod-sunod ang pagdaan ng mga mangkukulam na nakasakay sa mga walis.
"anong nangyayari?" - Airey
"nagumpisa na sila.." - justine
"anong nagumpisa??"
kunot-noo kung tanong sa kanya.
Tumayo siya at muling tumingin sa amin.
"Nagumpisa na si Azlia na sumugod sa Witchy City. Eto ang plano niya. Ang salakayin ang Witchy City habang kayo ay naglalakbay. Dahil alam niyang walang matitirang magtatanggol sa Witchy City. Alam niyang ililigtas niyo kami ni Millen. Plano niya etong lahat." - Justine
Hindi ko alam kung paano ko ipapasok sa aking utak ang sinabi niya. Ang witchy city.. Ang buong wonderland..
Sasalakayin ni Azlia ang bayan kung saan ako lumaki.!
"Ate.."
Baling ko kay Mailey na ngayon ay Seryuso lang na nakatingin at pinagmamasdan ang mga mangkukulam na dumadaan sa himpapawid. Kita ko ang kanyang kamao na nakakuyom.
"Tuso ka Azlia.."
Madiin ang bawat katagang binitawan ni Mailey. Alam ko lahat kami ay nagaalala na din. Sila ina at ama. Lalo na ang buong Wonderland. Mapapahamak sila. Hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot.
"Pero mas may utak ako"
Napatingin kaming lahat kay Mailey. Itinaas niya ang kanyang kamay. Umilaw eto at nagkaruon ng puting enerhiya na naging bolang kristal.
"Gandalf" - Mailey
Pinagmasdan namin ang Bolang Kristal.
"gandalf!!"
Napangiwi ako sa sigaw ni Ate. Hindi naman malakas pero nakakatakot kasi.
"WAAAAAA! WAAAA! MAHAL NA PRINSESSA. BAKIT??"
Mula sa Kristal. Kita namin si Gandalf na mukang nasa kanyang Silid. Dahil napakaraming libro ang nanduon.
Bumuntong hininga si Ate Mailey.
"Gusto kung iparating mo kay Ama na Gumawa ng Matibay na Barrier at tipunin ang lahat ng Royal Guards sa Kaharian. Palusob ang hukbo ni Azlia diyan. Magmadali ka!"
Nanlalaki ang mga mata ni Gandalf na Tumayo sa kanyang Upuan.
"MAHAL NA HARI! MAHAL NA HARI! LULUSOB! LULUSOB! LULUSOB!"
Iyon na lamang ang narinig namin dahil tumakbo na siya habang paulit-ulit niyang sisinisigaw iyon.
"Maghanda na tayo. Kailangan na natin taposin ang kasamaan ni Azlia" - Mailey
Tumango kami. Kailangn na namin siyang matalo para wala ng problema pang darating sa amin.
---------------------------------------
Sa kabilang Banda..
*Devona*
"Nahabol mo ba?"
Nagbigay galang ako kay Reyna Azlia bago siya muling tinignan.
"Opo. Ngunit katulad ng inyong sinabi. Hindi ko siya pinatay at pinatakas lamang"
Ngumiti siya sa aking naging sagot.
"Mabuti.. Mas masisiyahan ako kung makakabalik siya dito at muling makita ang aking anak"
Bumaling si Azlia sa kanyang katabi. Wala ni Ano man emosyon ang makikita dito. Ibang-iba sa dating Canberra.. Tuso talaga siya..
"Naaayon lahat sa aking Plano. Maghanda ka. Ikaw ang unang lalaban sa kanila" - Azlia
Nagbigay Galang akong Muli bago tumalikod sa kanya.
"Nagkakamali ka Azlia. Dahil naaayon lahat sa aking Plano"
***************************
BINABASA MO ANG
Spell Sister's
AdventureMeet the Spell Sisters! Ang Magkapatid na pasaway at puro kalokohan ang alam!. Dahil sa kanilang kalokohan ay ipinatapon sila sa mundo ng mga Mortal!. At sa pagpunta nila sa mundo ng mga mortal may bago silang makikilala. Matuto kaya sila at magbago...