WITCHY 64- FOREVER -

14.2K 300 21
                                    

*LUKE*

Nakangiti akong tinititigan siya habang papalapit sa lalaking naghihintay sa kanya sa harapan. Tama naman ang ginawa ko diba? Ang makita siyang masaya ay sapat na para maging masaya ako.

"waaaa! Ang ganda ni Ate" - Cerez

"Naiinggit ka ba? Gusto mo bang magpakasal na din tayo?" - L.A

"ANO!?"

nailing nalang ako sa kanila. At muling itinuon ang pansin kay Mailey. Ang swerte niyang Bampira.

"My Labs.. Nainggit ako" - June

"Oh anong gagawin ko? Psh" - Jenny

Kasabay ng kanta ang pagtuloy ng luha niya. Tears of joy?

"Ang swerte naman ni Zeon! Sana ako din makahanap ng tunay na pag-ibig!" - Karen

"bulag ka lang.. Andito naman ako "

Napatingin ako sa gawi nila Peter Joe ng sabihin niya yun. Mukhang hindi narinig ni Karen.

"successfull ang sinawa natin *o*" - Airey

"ou nga eh" - Niel

Napangiwi nalang akong ibinalik ang tingin ko kay Mailey ng makita kung akbayan ni Niel si Airey. Mukhang ako na lang ata ang walang kapareha. Tumalikod ako ng nabalot ng tili at tukso ang lugar na eto ng halikan ni Zeon si Mailey. Masaya na siya..

"Saan ka pupunta?"

Boses pa lang alam ko na..

"magpapahangin?"

NILINGON ko siya. Wierd.. She still smiling even though deep inside i know she's hurt.

"sama ako!"

Bago ako makatanggi hinigit na ako ng Nimpa na eto.

+++++++++++++++++++++++++

*Mailey*

Malameg ang hampas ng simoy ng hangin.. Mapayapa ang madilim na kalangitan. Nangingibabaw ang liwanag ng napakagandang buwan.

Naramdaman ko ang yakap niya sa aking likuran..

"Baby.."

Hanggang ngayon namumula pa rin ako. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw na eto. Ikinasal kami.. Matapos ng mangyari ang hindi ko inaasahan na pagbabalik ni Alliyah. Akala ko hindi na ako importante sa kanya. Akala ko wala ng mas hihigit pa sa lungkot na naramdaman ko na siyang napawi naman ng ginawa niya.

"anong iniisip mo?" - Zeon

Sunod-sunod ang pagiling ko. Nakaupo kami ngayon dito sa lugar kung saan kami 'Ikinasal'

Umalis na sila. Kami na lang ang naiwan. Gusto daw niya kasing manatili muna kami dito kahit ilang oras lang daw.

"Zeon.."

"Hmmmm..?"

Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya. Natawa tuloy ako.

"Salamat.."

Kumalas siya at tinitigan ako.

Nakita ko sa kanyang mukha ang malapad na ngiti. Ang gwapo niya tuloy. Hinawi niya ang buhok na napunta sa mukha ko. Napalunok ako ng unti-unti siyang lumapit at muli akong hinalikan.

"Im the one who need to be thank baby.. Salamat at mahal mo ako. Kahit na nasaktan kita" - Zeon

Hindi ako makapagsalita. Para bang nawalan ako ng lakas ng loob na magsalita ngayon.

"I Love You Baby.. Your my life now. Promise i will protect you whatever will happen. Hindi kita pababayaan. Kahit na ikamatay ko pa. Ganyan kita kamahal.."

Tinawid ko ang natitirang distansya naming dalawa. Ramdam ko na nagulat pa siya dahil hindi siya tumugon sa halik ko. Pero kalaunan ay tinugon niya din eto.

Nangingislap ang mga mata niya ng maghiwalay kaming dalawa.

"M-mahal din kita.. Mahal na mahal.. Ikaw yung Bampirang nakatingin palagi sa bintana ng kwarto ko. Yung batang nakita kong nakatingin sa amin ni Cerez ng nasa lake of goldenae kami nuon..--"

"I Thought you--"

"i forget you?"

putol ko sa sasabihin niya. Tumango siya. Bumuntong hininga ako.

"Hindi.. Hindi ko kailan man makakalimutan ang batang yun. Siya ang unang pagibig ko. Ang nagparamdam na hindi ako nagiisa. Akala ko nuon ng hindi ka na nagpunta sa Terrace ayaw mo na sa akin at nakalimutan mo na ako. Hinintay kita alam mo ba yun? Hinintay kita magdamag. Nung sumunod na gabi. Nung sumunod ulit na gabi. Hanggang umabot ng ilang taon. Hinintay ko ang batang Bampira.."

Nakatingin lang siya sa akin itinuloy ko ang sinabi ko.

"Gumawa ako ng kalokohan para malibang ako. Kung ano ano ang ginawa namin ni Cerez hanggang sa ipatapon kami sa mundo ng mortal. Alam mo ba? Bumilis ang tibok ng Puso ko ng makita kita sa field nuon na nakatingin sa akin. Bumalik ang lahat ng ala-ala ng Batang Bampira. Akala ko nakalimutan mo na ako"

Tumulo ang mga luha ko. Niyakap niya ako at inalo.

"Akala ko ikaw ang nakalimot.. Akala ko hindi na kita makikita. Nalungkot ako alam mo ba yun?"

Humigpit ang yakap niya.

"Hindi ko alam.. Pero ako din naman natakot at nalungkot. Mahal kita Baby.. Sinabi ko nuon ng makita kita sa mundo ng mortal. Hinding hindi na ako papayag na mahiwalay sayo. Kahit na lokohin ako nila June. Wala akong pakialam. Ang mahalaga nasa tabi kita. Mahal kita. Ikaw lang." - Zeon

Pinunasan niya ang luhang nasa pisnge ko.

"I Love you baby.. I always do loving you. I'll stay beside you.. Forever" - Zeon

Naramdaman ko ang ihip ng hangin. He kissed me passionately and saying to his every kisses that he loves me.

+++++++++++++++++++++++++

Kyaaaaaaa! Pasensya na! Babawi ako!

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon