WITCHY 65

13.6K 300 17
                                    

(Darkness Palace)

*Millen/Canberra*

Tinahak ko ang napakadilim na daan sa pasilyo tanging ang hawak ko lamang na Wand ang nagsisilbing ilaw ko. Hindi siya dapat makita ng tauhan ni Azlia.. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Lulusob na sila.. Kailangan namin masabihan sila Cerez.

"Dalian niyo! Baka nandito!"

Agad akong nagkubli upang di makita ng mga alagad ni Ina. Haist.. Nakita na kaya siya? Sinabi naman na huwag na muna lumabas eh..

"Hmmmmmmmmmm!"

Nanlaki ang mga mata ko ng may kamay na tumakip sa bibig ko at ang isang kamay nito ay nakapalibot sa bewang ko.

"Shhhh... Ano to"

Nakahinga ako ng maluwag ng pakawalan niya ako.

"Haist! Ano ba Justine.. Papatayin mo ba ako sa kaba huh?"

bwisit! Akala ko kung sino na. Nakakainis siya.

"pffft. Im sorry okay? Buti nalang nakadating ka dito kaagad. Ano ng balak ni Azlia?" - Justine

Sinabi ko ang lahat sa kanya. Ang plano ni Ina na lumusob sa Witchy City.

"Dalian niyo! Kailangan natin mahanap ang Wizard na iyon!"

Sabay kaming nagkatinginan ni Justine.

"Alam na nilang nakatakas ka" -Me

"Yes. Dilikado na tayo dio. Dahil malamang ikaw ang pagbibintangan ni Azlia"

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Pero Justine.. Kailangan kung maiwan. Mapagtatakpan ko pa eto. Ikaw ang dapat na tumakas. Mlalagot ka kay Ina"

Binawi ko ang kamay ko sa kanya. Alam kung nagulat siya. Pero kailangan niyang makatakas. Yun lang ang alam kung makakabuti sa ngayon.

"Hindi.. Sasama ka sa akin" - Justine

"Justine please.. Kailangan ka nila Cerez. Kailangan mong ipaalam sa kanila ang plano ni Azlia."

"sinasabi mo bang iwanan na kita dito ha?"

may diin ang bawat katagang sinabi niya. Napakagat labi ako. Ang hirap naman nito. Kung kelan okay na kami.

"Iyon lang ang paraan natin.. Please? Kailangan nilang malaman ang plano. Mapapahamak ang buong wonderland City kung di tayo kikilos. Umalis ka na"

Bahagya ko siyang itinulak at lumayo sa kanya.

"M-Millen.. Dont do this.. Sabay natin haharapin to diba?"

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ko.

"Ou sabay natin tong gagawin. Maiiwan ako para mabantayan ang gagawin ni Azlia. Kailangan mong ipaalam sa kanila eto. Justine.. Makinig ka"

Tuluyan na akong nilamon ng emosyon ko ng yakapin niya ako ng sobrang higpit..

"Hintayin mo ako.. Please.. Magiingat ka" - Justine

"pangako" - me

Nagkahiwalay kaming dalawa ng makarinig kami ng sunod-sunod na yabag papalapit.

"Tumakas ka na"

Tinulak ko siya. Muli siyang napatingin sa akin at nagaalinlangan na umalis.

I mouthed 'please' bago siya tumakbo. Sana makalabas siya ng Ligtas sa Darkness Palace.

"Anong ginagawa mo dito?"

pakiramdam ko binuhosan ako ng nagyeyelong tubig ng madinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Humarap ako sa kanya. At katulad ng parin walang emosyon na nakikita sa mukha niya.

"I-ina.."

Hindi umiwas ang kanyang tingin sa mga mata ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Sabi ko anong ginagawa mo dito?"

PAKIRAMdam ko ay naputulan ako ng dila dahil hindi ko masagot ang tanong niya.

"Canberra?"

"Po!?"

Napakunot-noo siya sa lakas ng pagsagot ko.

"Ano.. Kasi.." - me

"Bakit hindi mo sabihin? Dakilang Traidor?"

Mula sa madilim na bahagi ng Pasilyo ay Lumabas si Devona. Shadow Wizard nga pala siya..

"Sabihin ang..?"

Malumanay na tanong ni Azlia. Devona Smirk at me as if she know something. Hindi kaya..

Mas dumoble ang kabang naramdaman ko. Hindi.. Huwag sana..

"My Dear Queen.. Kanina lang kinausap niya ang ikinulong nating Wizard. At siya din ang nagpatakas nito" -Devona

Sumama ang tingin ko sa kanya. Alam nga niya.. Bat hindi ko siya naramdaman..

"Hindi iyan totoo!"

She just smirk. Lumapit pa siya sa akin at nginisihan ako bago bumalik sa tabi ni Ina.

"she's a Traitor my Dear Queen. Dinig na dinig ko ang usapan nila na babalikan siya dito ng lalaking iyon kasama ang magkapatid na Spell!"

Idinuro niya ako at halata sa kanya ang galit. Tumingin sa akin si Ina at katulad pa rin ng dati. Wala ni ano man reaksyon ang makikita sa kanya.

"Hindi totoo iyan ina! Sinungaling siya!" - Me

"ikaw ang sinungaling!" - Devona

"Gusto mo lang maging kanang kamay ni Ina kaya mo iyan ginagawa!" - Me

"Walanghiya ka! Hindi--"

"ENOUGH!"

pareho kaming natigilan ng sumigaw si Azlia. Napatingin ako sa kanya at nakakunot na ang noo nito.

"Devona.. Galangin mo ang anak ko. She's my daughter.. Lumapit ka sa akin Canberra. Bumalik na tayo sa loob"

Napanatag ang kalooban ko ng sabihin niya iyon .masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Devona habang papalapit ako kay Ina. Salamat naman at hindi siya naniwala. Mabuti nalang talaga.---

"I-Ina..?"

Napatingin ako sa kanya ng may maramdaman akong malameg na bagay sa akin likuran.

"Do you think im that kind of dumb?.. Sorry my daughter.. Mas matalino ako sayo"

walang emosyon na mukha niya ang nakita ko bago ako mawalan ng malay.

+++++++++++++++++++++++++

KYAAAAAAA! matatapos na ang SS T.T mamimiss ko to.

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon