Gagamit ako ng 3rd Person Pov sa Buong Chapter na to.
++++++++++++++++++++++++++
Nagconcentrate si Zeon para makapasok sa panaginip ng mga kasama niya.Binuksan niya ang kanyang mga mata pabagsak siya sa isang napakalawak na lambak. At duon niya nakita si Niel na nakapikit habang sasaksakin na siya ng impostor na Airey.
"Wake up! Its only a Dream! Idiot!"
Sinuntok niya ang impostor na Airey at bigla na lang etong nawala.
"Zeon..?"
hindi makapaniwalang sambit ni Niel.
"Panaginip lang ang lahat ng eto. Nakalaban ko ang may kagagawan ng lahat" - Zeon
"A-ano!?" - Niel
"tsk. Tara na lahat kayo nasa ilalim ng bangungot" - Zeon
"Teka! Paano tayo pupunta sa panaginip ng iba? Possible ba yun?"
hindi makapaniwalang tanong ni Niel.
Zeon smirk..
"I told you its only a dream"
Pagkasambit iyon ni Zeon ay napunta sila sa ibang lugar.
"nasaan na tayo?" Inilibot ni Niel ang paningin niya.. Napakadilim at walang maaninag na kahit na kunting liwanag.
"AAAAAAAAAAAAAAAAH! TULONG!"
Sabay na nagpalingon-lingon ang dalawa ng marinig iyon. Kinabahan si Niel dahil papalapit ng papalapit sa kanila ang mabibigat na mga yabag.
"AAAAAAAAAAAAH! AYOKO NA! AYOKO SA THROLL! TULOOOOONG!"
humahangos na si Ceriz ang lumitaw sa kanilang harapan patakbo sa kanila direksyon.
"Ceriz!" - Niel
"N-Niel? Zeon?" hindi makapaniwalang sambit ng dalaga ngunit pagkalingon niya sa kanyang likuran ay hinablot siya ng Throll na kanina pa humahabol sa kanya.
"Ah! Tulong! Tulongan niyo ako!"
"Ceriz!"
Tutulong sana si Niel pero hinawakan lang siya ni Zeon upang pigilan.
"huwag" - Zeon
"What!? Baka patayin siya!" - Niel
"diba sabi ko panaginip lang eto?"
Natigilan pareho si Ceriz at Niel
"anong..ibig mong sabihin?" - Ceriz
"Wake Up Ceriz.. Its only a Dream.. Hindi totoo ang Throll na yan. Isipin mong wala na siya" - Zeon
Ipinikit ni Ceriz ang kanyang mata at pilit iniisip na wala na ang Throll at hindi eto totoo.
Pagmulat niya ay nasa ibang lugar na naman sila.
"wow! Ang galing galing mo naman Zeon!" Nagtatatalon pa si Ceriz habang nagsmirk lang si Zeon.
"Teka. Nasaang panaginip naman tayo?" -Niel
Inilibot nila ang kanilang paningin. Nasa isang napakagandang lugar sila madaming bulaklak at butterflies.
"Kaninong panaginip to? Unfair! Ang ganda ng panaginip niya!" nakapout na sabi ni Ceriz.
Hanggang sa humangin ng malakas at lahat sila ay napatingin sa itaas. Gulat at Takot ng makita nila si Airey na nakahiga sa itaas at napapalibotan ng hangin.
"Airey!" sigaw ni Niel.
Ngunit hindi iminulat ni Airey ang kanyang mga mata.
"Anong gagawin natin?" - Ceriz.
"Hindi tayo.." sabi ni Zeon kay Ceriz. "kundi siya." dugtong niya na tumingin kay Niel. Napa'huh' naman si Niel sa sinabi ng binata.
"Tss! Sigurado ako na kasama ka sa panaginip ni Airey kaya ikaw ang tumulong sa kanya. Isa pa Earth ang power mo. Mas malakas ka sa hangin" - Zeon
Tumango naman si Niel at gumawa siya ng Surf Land. Sumakay siya duon at sa tulong ni Ceriz napalutang niya ang Surf Land na may Shield. Sa lakas ng hangin ni Airey nagkakalamat ang Shield ni Ceriz.
"Airey!!" ngunit katulad ng una hindi siya narinig ni Airey.
"Airey!.. Gumising ka.. Airey!"
pilit niyang niyuyugyog si Airey. Nagkasugat na din siya sa kanyang pisnge dahil sa hangin.
"N-Niel..?" unti-unti ng nawawala ang hangin ni Airey. Nasalo siya ni Niel at binuhat niya ang dalaga pababa.
"Airey! Ayos ka lang ba?" - Ceriz
"C-Ceriz..? Nandito ka?" sabi ni Airey at muling naalala ang nangyari kanina lang. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso.
"ou. Tinulungan din nila ako sa panaginip ko" nakangiting sabi ni Ceriz.
"Panaginip?" - Airey
"Ou. Lahat kayo nasa ilalim ng napakasamang panaginip" - Zeon
Natauhan naman si Airey sa sinabi ni Zeon at inisip ang mga nangyari sa kanya.
"Ayos ka lang?" - Niel
tumango si Airey sa kanya.
"tara na. May mga ililigtas pa tayo"
Tumango silang lahat upang sumangayon sa sinabi ni Zeon.
Hanggang sa mapunta na naman sila sa Ibang lugar. Sa Palasyo.
"Eto ba Fire Palace?" - Niel
Lahat sila ay napatingin sa Pintuan na nakasara sa kanilang harapan ng may kumalabog dito.
Tumakbo sila kaagad. At sa kanilang pagkagulat ng makita nila si L.A na sinasakal ng Impostor na Ceriz!
"WTH!" sambit nila.
Unti-Unti naman na itinataas ng impostor na Ceriz si L.A habang hawak eto sa kanyang leeg.
"L.A!!" - Ceriz
Kahit nahihirapan ay iminulat ni L.A ang kanyang mata ng marinig niya ang boses ni Ceriz.
"Dude! Isipin mong hindi yan totoo ganyan ba kapangit si Ceriz!? Wake Up Dude!"
Nagpout naman si Ceriz ng isinigaw iyon ni Zeon kay L.A.
Pigil naman ng tawa si Zeon ng makita si Ceriz na nakapout.
Pinilit naman isipin ni L.A na hindi si Ceriz ang sumasakal sa kanya. Dahil hindi siya kayang saktan ni Ceriz.
Pagmulat niya ng mata ay ganun na lang ang takot nila dahil nasa ibang lugar na naman sila. Lalo silang naghilakbot ng makita kung kaninong panaginip eto.
"LUKE!!!" - sigaw nila at tinakbo si Luke na nakahandusay na naliligo sa kanyang sariling dugo.
****************************
BINABASA MO ANG
Spell Sister's
AdventureMeet the Spell Sisters! Ang Magkapatid na pasaway at puro kalokohan ang alam!. Dahil sa kanilang kalokohan ay ipinatapon sila sa mundo ng mga Mortal!. At sa pagpunta nila sa mundo ng mga mortal may bago silang makikilala. Matuto kaya sila at magbago...