WITCHY 15 --Friends--

27.8K 438 14
                                    

*L.A*

"sige na Peter Justine,kumatok ka na"

"tss. Bakit ako? Ikaw na nga Peter Joe"

"ha!? Eh kayo nagyaya dito eh ikaw na kasi Peter June"

=__= Tignan niyo tong Triplets na to,excited pumunta. Tapos ngayon nagtututruan sa pagkatok.

"ako na nga!"

akmang kakatok na ako ng bigla naman bumukas ang pintuan.

"weeeeelccooommmeee \(*o*)/"

ngiting ngit siya niyan na nakataas pa ang dalawa niyang kamay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Napangiwi nalang ako.

"ah- Millen. Hindi mo naman sinabi na costume party pala eto"

sabi ni Peter Joe.

"hahaha! Soey po! Kanina lang namin napagusapan ni Ceriz eh! ^__^v"

bakit nasabi ni Peter Joe na Costume Party? Well.. She's wearing a WITCH costume. Lakas maka-BLACK! may wand pa siya,kulang na lang ng walis.

"pasok! Pasok! Bakit wala si Zeon?"

ngumisi si Peter June

"alam mo naman na KJ yun!"

Naalala ko tuloy kanina.

*flashback*

"Hindi ka ba talaga pupunta Zeon?" - Peter Joe

*death glare*

bigla naman namutla tong si Peter Joe at nagtago sa likuran ko.

"Hahaha! Bro wag naman bitter! Ikaw kasi eh. Yumayakap agad hindi pa naman kayo"

Langya! Lakas talaga nitong si Peter June mambwisit

"anong sabi mo?*death glare*"

tumayo siya sa kanyang pagkakaupo sa sofa at lumapit kay Peter June.

"wala bro! Sabi ko gwapo tayong pareho. Hahaha! Sige una na ako sa party bye!" sabay takbo palabas

"come back here Dumbass!!"

*end of flashback*

Loko talaga. Yun pala naghihintay lang siya sa parking lot pagkalabas namin.

"dude balak mo bang diyan na lang sa labas?"

Papasok na pala sila sa loob. Kaya sumunod na din ako.

"Wow"

akala ko wierd din ang itsura nito sa loob. Pero hindi pala kulang ang salitang 'amazing'

May mga Pumkins na malalaki na siyang nagsisilbing ilaw sa loob. Take note ibat-ibang kulay kaya hindi siya creepy. May mga nakasabit din na parang cristal pero kakaiba ang mga designs. May Fire,Water,Air,Land. Agaw pansin din ang hugis Lobo at Tao. Umiilaw pa sila. Pula sa Fire,Blue sa Water,Green sa Air,Brown sa Land,Grey sa Wolf,at Black sa Hugis Tao. May mga alitaptap din na lumulutang. Mali.. Hinawakan ko pa eto para makasigurado ako pero tumagos lang siya sa kamay ko.

"Ang ganda diba? Sila Mailey at Ceriz ang nagayos dito!" napalingon ako Kay Millen. Sila ang nagayos? Paano nila nagawa eto?.

"waaaaaaa! Jenny my Labs!"

naagaw niya ang atenyon namin na nilapitan si Jenny na nakaupo sa sofa at umiinom ng drinks.

*wooossshh*

'pfft'

"bakit nandito ka ha!?"

hahahaha nabugahan siya ni Jenny ng iniinom niya. Kaya ang Gago ayun basang basa.

"Ininvite nila kami" turo ni Peter June kay Millen.

"what!? Hoy akala ko ba tayong girls lang?"

"ahehehe! Wag ka na magalit diyan! Mas madami mas masaya!"

"tama siya Jenny my Labs."

"waaaa! Dont touch me! Akala mo nakakalimutan ko pa yung ginawa mo!"

Tch. Manyak naman kasi, asan na ba yung magkapatid? Pamilyar talaga sa akin tong ginawanila. Saan ko na nga ba nakita to?.

++++++++++++++++++++++

*Mailey*

Kabilogan na naman ng buwan.. Pinagmamasdan ko eto habang nakahiga.

"nandito ka lang pala"

tumabi siya sa akin at tumingala.

"ang ganda ng buwan hindi ba?"

iginilid niya ang kanyang ulo para makita ako.

"Ou naman! Namiss ko ang ganito. Yung magkasama nating tinititigan ang buwan"

ako naman ngayon ang napatingin sa kanya.. Namimiss na niya sa aming mundo. Halata naman sa kanya eh.,sa ginawa niyang ayos kanina sa bahay ni Millen ay alam ko ng gagawin niya ang Ayos sa palasyo sa tuwing darating ang napakalaking Pagdiriwang bg buong kaharian. Kung saan lahat ng Land's ay magsasama-sama sa isang salo-salo.

"Ate Mailey.. Hindi mo ba naiisip ang Wonderland City?"

Pumikit ako at nagpakawala ng makalas na buntong hininga. Namimiss?' duon na ako lumaki at nagkaisip.. Natutunan ko ang ibat-ibang spell at mga kalokohang pinaggagagawa ko. Pero..

"hindi ka ba masaya dito?"

tanung ko sa kanya na ikinangiti niya,

"masaya! Kasi nagkarun tayo ng kaibigan. Si Millen.. Yung Triplets. Si Jenny.. At tsaka..at tsaka.."

mataman ko siyang tinitigan na namumula na ngayon.

"si L.A. May pagtingin ka ba sa kanya?" nanlaki ang mga mata niya na napaupo at tinignan ako.

"w-wala ah!"

"hindi ka magaling magsinungaling"

"eh.. K-kasi.. K-kasi.."

sabi na nga ba.

*BLAG*

"HAIST! bwisit talaga yung manyak na yun!" nakasimangot siyang tumabi sa akin.

"oh Jenny anong ginagawa mo dito?"

"My Labs! Bakit ka naman umalis dun? Oh Spell Sisters kayo pala"

tumabi siya kay Jenny na nakasimangot.

"umalis ka nga dito! Layoo!"

"hahaha nakakatuwa kyong tignan!"

tumabi si Millen kay Ceriz.

"ang ganda pala dito sa rooftop niyo" sabi naman ni Peter Joe na nakatayo sa harapan namin.

"tss. Umalis ka nga diyan panira sa view" sabi naman ni Peter Justine na may hawak na libro na katabi ni Millen

"Ang sarap ng hangin dito"

tumabi siya kay Ceriz.

"L- L.A!?" pahalata ang kapatid ko.

"waaaaaa!"

napatingin kaming lahat sa deriksyon na itinuro ni Millen.

Si Zeon na nakaupo sa sanga ng puno na katabi ng apartment ni Millen.Napangit na lang ako.. Nasa bagong mundo na kami na kasama ang mga KAIBIGAN namin.

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon